Part Thirty-Two

812 37 0
                                    

We are seriously talking to each other. Ginawa na namin ang lahat para hindi maging awkward ang atmosphere pero sa kalagitnaan ng pagkekwentuhan ay bigla na lang natatahimik ang lahat. Hindi kasama si Charles because of an obvious reason.

Tinawagan ko sila para makipagkita bago ako umalis. Wala sa plano ko ang sabihin sa kanila na aalis ako pero ayokong maging unfair sa kanila. Naging mabait sila sa akin, they're my second family. Isa sila sa nagpasaya sa unang taon ko sa kolehiyo.

Si Ayi, na una kong naka-close. Si Ash na una kong guy bestfriend. Si Wax, Paul, Jack at Vinz na mga una kong kaibigang may banda. Si Coreen na una ko mang nakilala sa El Nido napalapit na sa akin. Lahat sila ay naging parte na ng buhay ko. Nalulungkot akong umalis dahil iiwanan ko sila. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng kaibigang katulad nila tapos lalayo pa ko. Pero naisip ko kasi na kailangan ko tong gawin para sa sarili ko.

Dalawang linggo na ang lumipas. Alam na din ni mama at papa ang tungkol sa amin ni Charles. Madalas kasi si Charles pumunta sa amin at palagi ko lang din naman siya hindi pinapansin. Laging nagtataka si mama kung bakit ayaw kong harapin si Charles hanggang sa isang gabi ay hindi ko na kinayang itago sa kanila.

Nagalit sa akin si mama. Natural response ng magulang kapag nalamang sumuway ang anak nila sa binilin nila. Hindi naman nagtagal ang galit nila dahil sa nagboyfriend ako. Ngayon ay isa na sila sa mga sumusuporta sa aking lagpasan tong sakit na naramdaman ko. Naalala ko tuloy ang sinabi nila sa akin:

"Ang pag-ibig, hindi yan minamadali. Kahit sabihin nila na iba na ang henerasyon ngayon, mas mainam pa ring kilalanin mo muna ang taong pag-aalayan mo ng puso mo." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko habang pinapakinggan ang pangaral sa akin ni mama. Panay ang hagod niya sa aking likod para pakalmahin ako.

"Ang pagmamahal kasi anak, may tamang panahon yan. Kailangan mo lang maghintay, dahil ang mga bagay na padalos-dalos ay maaring mawala rin sa isang iglap. Pero yung mga bagay na inalayan mo ng oras at pagmamahal mo, yun ang klase ng relasyon na hinding hindi magmamaliw." Pangaral naman ni papa. Tumango ako habang unti unting nag-si-sink in sa akin ang lahat ng sinabi nila. Tama sila.

"Tumahan ka na Princess, ayaw kitang nakikitang malungkot. Baka mapauwi ako ngayon dyan para bugbugin yung Charles na yan!" Ilang beses niya akong pinatahan. Natawa naman ako sa sinabi ni papa. Masyado siyang OA.

"Sorry guys, alam kong napagusapan na nating wag na munang banggitin si Miguel..."

"Wax!" Sigaw ni Paul habang pinipigilan si Wax na magsalita.

"Sorry bro, hindi ko kayang pigilan. Gusto ko lang malaman lahat. Hanggang ngayon di pa din namin makausap ng matino si Miguel. Naninibago ako. Pwede bang i-explain mo sa amin Shaira?" Hinatak patayo ni Paul si Wax. Nanlalaban si Wax pero tinulungan na ni Jack si Paul na ilayo si Wax.

"Tama na yan." Usal ko. Napaharap silang lahat sa akin. Sila Wax naman ay bumalik na sa pagkakaupo. Mabuti na lamang ay solo namin ang pangalawang palapag ng restaurant dahil hating gabi na rin.

"Shai, you don't have to." Pigil sa akin ni Ayi. Umiling ako at nginitian siya. I owe them an explanation. Matapos kasi ng nangyari ay hindi ko pa nalilinaw ang tunay na nangyari.

Kinwento ko sa kanila mula umpisa ang namamagitan sa amin ni Charles. Hindi sila makapaniwala kung gaano ka-liit ang mundo namin ni Charles, pero mas hindi sila makapaniwala kung bakit sa liit nito ay hindi kami magkatagpo.

"Nung araw na nagkagulo kami sa El Nido, yun yung araw na, sa wakas, ay inamin din niya sa akin na siya si Charles. Sa sobrang tagal niyang naglihim sa akin, sumagi na tuloy sa isip ko na baka hindi niya alam na ako yung ex niya." Masakit pa rin. Sobra. Sa tuwing naaalala ko yung pinagsamahan at kinahantungan namin nalulungkot talaga ako. Yung tipong laging nagbabadya yung mga luha sa mata ko. Yung tipong kahit anong pigil mo kusang kumakawala ito at lumalandas sa pisngi mo.

"Akala ko yun na ang pinakamasakit. Akala ko pinakamasakit na yung iwan niya ako, mali pala ako. Nagawa niya akong ipagpalit ng ganun lang kadali." Umandar na naman ang pagiging iyakin ko. Dumadalas na ang pag-iyak ko ng dahil sa kanya.

"Tapos nung araw din na yun sinabi niya sa akin yung rason ng pag-iwan niya sa akin. Okay lang sa akin na sabihin niyang na-fall out of love siya e, kaso hindi e. Kailangan daw siya ni Vika. Mas umalab ang galit ko sa kanya dahil naisip niya na kailangan siya ni Vika pero ako, naisip ba niya kung gaano ko siya kailangan? Pero nalinawan din naman ako kasi sabi niya buntis si Vika. Tinanggap ko na na talo ako. Na mas dapat na ngang maging sila." Lumakas na ang hikbi ko at hindi na ko muli pang nagsalita. Natahimik silang lahat ng ilang sandali.

"Gago pala talaga yang Miguel na yan e!" Padabog na tumayo si Ashton, pinigilan naman siya ni Coreen. Hinatak niya ito palayo. Kita ko kung paano hilutin ni Ash ang sariling sentido para pakalmahin ang sarili. Nag-uusap sila ni Coreen pero di ko na marinig kung tungkol saan ito.

"Fuck! Buntis si Vika?!" Sigaw ni Wax. Tinignan ko lang sila habang pinupunasan ang luha ko. Kumalma na ulit ako.

"Sira talaga ulo ni Miguel!" Saad din ni Jack. Lahat sila ay may opinion sa ikinwento ko. Hinintay ko silang kumalma rin. Now they all know the whole story. Kailangan ko namang sabihin sa kanila ang rason ko kung bakit ako nagset ng get together.

"Guys, I'll be staying with my dad." Lahat ay nakaupo na ulit sa pwesto nila. Nanlaki ang mata nilang lahat sa gulat, maliban na lang kay Vinz na nauna ko ng sabihan.

"Okay, you're staying there for a vacation. That will help you a lot." Sabi ni Ayi. Tumango ako.

"Not just a vacation, I decided to live there and start again." Sabay sabay na naman silang nagulat sa sinabi ko. Nakita kong umiling si Paul.

"You don't have to live there. Kaya ka naman naming tulungan. Just stay here." Suhestyon ni Ashton. Nilapitan niya ako at hinawakan ang mga balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at umiling ako.

"I need this. I need this badly," Sagot ko sa kanila. Bumagsak ang mga nalikat nila. Nagsipagbuntong hininga pa ang iba.

"We know, pero wala na bang ibang paraan?" Everything was planned. Planado ko ng lahat. I'm not sure kung gagana to pero I'll take the risk. Ayoko namang habang buhay na lang masaktan.

"This is the only way." Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at nginitian sila. I'll miss them so much.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon