Part Eighteen

863 35 0
                                    

Napunta ako sa swim center ng university. Buti na lang walang nagkaklase o nagtetraining dito kaya nasolo ko. Umupo ako sa gilid ng pool. Ni hindi man lang ako natakot na baka mahulog or what, ang gusto ko lang talaga ay kapayapaan.

Hindi pa din humihinto ang mga luha ko! Paano hihinto kung hanggang dito rinig ko pa rin yung pesteng kantang yun?! May speaker din dito kaya wala talaga akong kawala. Wala namang nakikinig dito, nilagyan pa ng speakers!

"Tama na please! Break na nga tayo di ba?! Bakit kailangan mo pa akong gambalain ng ganito? Di pa ba sapat yung sakit na dinulot mo? Hindi pa ba?!" Alam kong mukha akong tanga sa ginagawa ko, pero wala na akong pakialam! Gusto ko lang isigaw lahat ng hinanakit ko. Ayoko ng kimkimin!

"Mahal kita sobra. Matatanggap ko pa kung sinabi mo na lang ng deretso yung rason sa biglaan mong panlalamig. Hindi yung ganito na iniwan mo akong nababaliw na kakaisip kung ano ba ang nagawa kong masama." Humihikbi na ako sa sobrang pagiyak. Ni hindi ko na masabi ng maayos ang hinaing ko pero di pa din ako titigil.

"Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang lokohin ka. Alam mo kung gaano kita kamahal. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo pinipilit na may iba na ako. Dahil ba ikaw ang may iba? Dahil ba nagsasawa ka na? Maawa ka naman sa akin Charles. Minahal naman kita ng sobra kahit napakakomplikado ng sitwasyon natin. Ano pa ba ang kulang?" Pinagbuntunan ko ng galit ang tubig sa pool. Siguro kung may bato lang dito sa paligid ko ay ibinato ko na ito sa pool. Umasa kasi talaga ako e. Umasa ako na hindi niya ako sasaktan dahil masyado akong naniwala sa pinangako niyang pagmamahal. Pagmamahal na akala ko wala ng katapusan, wala ng hanggan. Nagkamali pala ako.

"Miss Espinosa, hindi ata tamang ituon mo ang galit po dyan." Natigilan ako sa ginagawa ko at nilingon ang nagsalita. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko tsaka naglakad paalis. Tinignan ko muna siya bago ko siya talikuran. Kahit kailan talaga yung lalaking yun, ang hilig umepal!

Bumalik na lang ako sa classroom, nakita kong nakaupo na si Ayi sa upuan niya. Ng makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Saan ka galing? Nag-alala ako sayo!" Walang gana kong sinagot si Ayi. Hindi na naman siya nangulit kaya hindi na din ako napilitang magexplain.

Natapos ang buong araw ko ng di man lang ako nagsalita. Hindi din ako pinipilit ni Ayi kaya mas naging komportable ako. Nandito kami ngayon ni Ayi sa field, nakaupo sa isa sa mga benches. Hinihintay lang namin si Ash bago tuluyang umuwi.

"Sorry, late nagdismiss yung prof namin. Tara na?" Tumango na lang kami ni Ayi. Hindi ko na gaanong inisip ang mga nangyari kanina dahil nalibang din ako sa mga kwento ni Ash. Wala siyang alam sa pinagdadaanan ko at sa tingin ko ay tama lang iyon. Ayokong mag-alala pa siya gaya ni Ayi, masyado ko na ata kasi siyang naaabala sa kadramahan ko.

"Gusto niyo na bang umuwi?" Tanong ni Ayi. Nandito na kami sa main entrance ng university ng tanungin niya ito. Pinatabi muna kami ni Ashton sa gilid dahil sa dami ng dumadaan ay baka maging harang kami.

"Ayaw ko pa ba? Sa akin ayos lang, wala naman akong plans after class." Pagsagot ni Ash. Binalingan ako ng tingin ng dalawa habang hinihintay akong sumagot. Wala din naman akong gagawin kaya pumayag na rin ako.

Nag-aya silang mag-arcade, since dala ni Ash ang kotse niya ay yun na ang ginamit namin para makapunta sa pinakamalapit na mall. Habang nakaupo ako sa likuran ay nagtext na ako kay mama na malelate ako ng uwi dahil nga mag-mo-mall kami nila Ayi.

"So ano, arcade na tayo?" Masiglang tanong ni Ayi pagkapasok na pagkapasok namin sa mall.

"Tara!" Sabay pa kaming sumagot ni Ash. Para kaming mga bata na nagtakbuhan papunta sa arcade. Hindi naman ganoon kadami ang tao sa mall kaya maluwang ang daanan.

Agad kaming bumili ng game cards para magsimula ng maglaro. Una naming sinubukan yung basketball. In-occupy namin yung 3 shooting area.

"Kung sino ang matalo manlilibre ng pagkain." Sigaw sa amin ni Ashton. Ngiting ngiti pa habang nakahalukipkip.

"Ang daya! Syempre imposibleng matalo ka kasi player ka!" Reklamo ni Ayi. Natatawa na lang ako dahil nagsisimula na naman silang mag-away. Hindi talaga makukumpleto ang araw mo na kasama mo sila ng hindi sila nag-aaway.

"E di si Shaira talunin mo. Isipin mo na lang 1 on 1 game to, kasi sure naman na di niyo ko matatalo." Tumawa siya ng malakas.

"Yabang neto!" Tanging nasabi ko habang nakangiting pinagmamasdan siya. Pumayag na rin kami ni Ayi kahit na alam namin na isa sa amin ang manlilibre.

Bumilang ng tatlo si Ash at sabay sabay naming ni-swipe ang card. Sabay sabay nagsimula ang oras namin at nagsimula na rin kaming magshoot ng bola. Syempre kahit papaano ginalingan ko naman dahol mas masarap pa rin kumain ng libre. Sunod sunod lang ang pagbato ko sa bola, minsan pasok kadalasan hindi.

"Yes!!" Sumigaw pa si Ash ng malamang nanalo siya sa laro. Ano pa nga ba? Over kung mag-react e napredict na naman namin yun. Aasa pa ba kaming matatalo namin yun.

"So paano ba yan, manlilibre si Shaira!" Nilapitan ako ni Ash at inakbayan. Panay naman ang punas ni Ayi ng pawis.

"Muntik na ako dun! Isang shoot lang ang lamang ko o!" Tinuro ni Ayi ang score board. Sayang! Di pa pumasok yung huli kong shoot!

Nag-aya silang maglaro pa. Halos naikot na namin yung buong arcade. Nakapag-Just Dance pa kami, tapos car racing, pati nga video games pinatulan namin! Nung napagod kami ay pumasok kami sa isa sa mga videoke booth at nagsimulang maghanap ng mga kanta. Matagal din bago kami nanawa kakakanta. Ang huli naming sinubukan ay ang photo booth. Nakailang pictures din kami! Yung iba solo, yung iba kaming lahat, yung iba by pair.

Nakakatuwa nga dahil nung si Ayi at Ash na ang magpapaictyre ay matagal na pakiusapan pa ang nangyari. Ayaw ni Ayi na magpapicture kasam ni Ash. Tawa lang ako ng tawa habang hinihila ni Ash si Ayi papasok sa photo booth. Four poses ang kailangan, sa una at pangalawang pose ay parang tamad na tamad si Ayi, pero nung pangatlo at pang-apat na ay nakisakay na rin dahil binubwisit siya ni Ashton.

"O tayo naman." Pagkalabas ni Ayi ay ako naman ang hinila ni Ashton sa loob. Nahihiya ako dahil hindi ko alam kung ano bang pose ang gagawin ako. Yung una naming pose ay casual lang, nakangiti lang kami habang nakatingin sa camera. Pangalawa naman ay nag-wacky kami, naka-peace sign ako habang si Ash ay nagduling dulingan. Nagcount down na yung camera para sa pangatlong shot, pagdating sa zero ay bigla akong halikan ni Ash sa pisngi dahilan para magulat ako. Kaya maging sa pang-apat na shot ay hindi na ako nakakibo dahol gulat pa rin ako sa ginawa ni Ash.

Pagkalabas namin sa photo booth ay tawa ng tawa si Ayi dahil sa pictures namin. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko sa hiya, pagkakita ko sa picture namin ni Ashton. Pinagpapalo ko ang braso niya habang tawa pa rin sila ng tawa.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon