Lahat ng estudyante ang may hangover pa sa saya ng concert last week. Kanya kanyang bida yung mga estudyante sa mga nangyari nung gabing yun. Iniinggit yung mga hindi nagsipunta.
"Ang galing ng SC! Siguradong mas dadami na naman ang mga fans nila. Kasi naman boses pa lang ni Miguel nakakainlove na!" Nanlaki ang tenga ko sa narinig ko. Miguel pala ang pangalan ni kuyang SC.
"Grabe, sabi sa akin ng nanay ko lasing daw ba ako? Kasi daig ko pa daw uminom sa sobrang pagod." Tawa ng tawa si Ayessa sa kinekwento niya pero di ko man lang siya magawang sabayan dahil wala ako sa sarili ko. Narinig ko lang yung pangalan nung SC na yun natulala na naman ako.
"Ikaw ano sabi sayo ni tita?" Tanong niya sa akin. Umupo ako sa upuan ko at inayos na ang gamit ko.
"Tinanong ni mama kung kanino daw galing yung rose." Nanlaki ang mata niya at inusod niya ang upuan niya palapit sa akin na parang walang dapat ibang makarinig nun kundi siya lang.
"Ang sabi ko nabili ko lang sa concert." Umiling siya na parang di niya nagustuhan ang palusot ko.
"You're a bad girl! Nagsinungaling ka kay tita." Ika niya na parang kinokonsensya ako. Wala naman akong choice kundi ang magsinungaling.
"E di ko naman alam kung kanino galing. Kapag sinabi kong may nagabot lang sa akin at di ko nakita kung sino, paghihinalaan lang ako ni mama na may boyfriend na ko." Ngayon naman ay tumatango siya. Parang napapraning tong si Ayessa. Di mo alam kung ano tinatakbo ng isip e.
"Anyways, kanino nga kaya galing yung bulaklak?" Ngayon naman ay nakapangalumbaba siya habang iniisip kung kanino galing yung bulaklak. Hindi ko na dapat pinoproblema kung sino nagbigay sa akin nun dahil hindi na din naman importante.
Natapos na ang dalawang subjects namin at may 4 hours break kami bago ang sunod na klase. Inaya ako ni Ayessa na magpunta sa mall sandali para kumain at maglibot.
Kinuha ko ang phone ko at nakita ang sunod sunod na text ni Charles.
"Nasa school ka na?"
"Saan building mo niyan?"
"Lunch niyo na?"
"Nasan ka?"
Si hon naman kung makapagtanong parang pupuntahan ako. Isa isa kong nireplayan ang mga text niya. Sinabi ko lang nasa mall kami ni Ayessa para kumain. Kilala niya na si Ayessa since nakekwento ko ito.
"Sino na naman yan?" Tanong sa akin ni Ayessa habang pilit sinisilip ang cellphone ko. Hay, umaandar na naman ang pagkachismosa ni Ayessa.
"Wala lang to." Ibinalik ko na yung phone ko sa bulsa ko at naglakad na ulit. Naghanap kami ni Ayessa ng masarap na makakainan pero napagdesisyunan naming magstarbucks na lang.
Si Ayessa na ang nagpresintang magorder. Nakaupo lang ako sa isa sa mga table na malapit sa glass window na makikita mo ang labas ng mall. Nang makaorder kami ay panay pa rin ang kwentuhan namin ni Ayessa nang may lumapit sa table namin.
"Ayi?" Napalingon si Ayessa sa lalaki at literal na nanlaki ang mata. Abot tenga naman ang ngiti nung lalaki na parang tuwang tuwa sa nangyayari.
"Ash?" Tumayo si Ayessa at niyakap yung lalaki habang nagtatatalon. Mukhang magkakilala sila. Ngumiti na lang ako para hindi awkward.
"Upo. Have a sit Ash!" Inoffer ni Ayessa ang isang vacant chair sa gilid namin. Nginitian din ako nung Ash.
"Shaira, this is Ash. Kababata ko." Nilahad ni Ash yung kamay niya para makipaghand shake. Grabe, bagay sila ni Ayessa. May itsura si koya! Level na level ni Ayessa.
"What are you doing here?" Tumawa ng malakas si Ash.
"Parang ayaw mo Ayi, actually andito ko para i-surprise ka. Kaso hindi ko mapigilang lapitan ka." Nakita kong kumunot ang noo ni Ayessa. Dumating na ang order namin at napansin ni Ayessa na walang inumin si Ash.
"You know what, di ko na gets pero wait lang. Later ka na magexplain, ioorder kita." Tumayo na ulit si Ayessa. Hala! Iwan daw ba kami? Ang awkward.
"Hi Shaira, I'm Ashton. Matagal na kayong magkakilala ni Ayessa?" Basag niya sa katahimikan. Nagpakilala ulit siya pero this time binuo na niya yung name niya. So Ashton pala.
"Actually, hindi. Nagkakilala lang kami dahil classmate ko siya ngayon. Kayo ba? Mukhang ang tagal niyong di nagkita." Tanong ko rin sa kanya. Hindi ko muna iniinom yung inorder ko dahil hinihintay kong dumating yung order ni Ayessa para kay Ashton.
"Matagal na kasi kaming hindi nagkikita ni Ayi. Naghighschool ako abroad tapos bumalik din dito para magcollege. Pero hindi pa ako nakakapagenroll pa, and that will be my surprise for Ayi." Kaya pala may pitik ng pagkaslang ang tono ng boses niya. Parang may lahi talaga, pero matatas pa rin siya magtagalog. Paano niya isusurprise si Ayessa? Yung di pa siya nakakapagenroll ba surprise niya?
"Ito na." Dala ni Ayessa yung drink na inorder niya kay Ashton. Umupo na ulit si Ayessa at binalingan si Ashton.
"Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakabalik sa Pinas? Bakit di mo ko sinabihan?" Nakunot na naman ang noo ni Ayessa.
"I'm here because of you. Hindi pa ako nakakapagenroll pero nakausap ko na yung dean ng papasukan kong college. They accepted me after taking some exams." Tumango tango si Ayessa. Ininom ko na ang inorder ko at hindi pa din ako makaget over sa sarap nito kahit ito naman lagi ang inoorder ko sa starbucks.
"So saang college ka papasok?" Ngumiti na naman si Ashton at hinarap si Ayessa.
"Guess where."
"Anywhere except ECU. Alam ko namang ayaw mo kong kasama sa school." Nagtawanan sila.
"Yes you're right. Ayaw talaga kitang kasama sa school but you're wrong for not including ECU. Doon ako mageenroll." Napadabog si Ayessa sa table. Ano ang nakakagulat dun? Tsaka bakit ayaw niyang kasama si Ayessa?
"What? You're kidding right?"
"Nope. Sa iisang school lang tayo. Namiss nga kita ng sobra kasi walang basag ulo sa school ko." Natawa naman ako sa reaksyon ni Ayessa.
"Basag ulo ka dyan! Basagin ko talaga yang ulo mo e." Nagtawanan kaming tatlo. Madali naman akong nakapagadjust sa kanila. Hindi kasi nila hinahayaang maOP ako.