Nagulat kami ng may kumatok sa may bintana ng sasakyan ni Charles. Napalingon tuloy kami bigla at nanlaki pa ang mga mata ko sa nakita ko.
"Sino kaya to?" Tanong sa akin ni Charles. Kumatok ulit siya at hindi ko na nagawang sumagot dahil ibinaba na ni Charles ang bintana ng sasakyan niya.
"Kuya Neil?" Hanggang ngayon ay di pa din ako makapaniwalang nasa harap ko ngayon si Kuya Neil. Siya yung pinsan ko sa father's side. Mas super ka-close ko talaga ang mga pinsan ko sa father's side pero simula ng magtrabaho na sila hindi na kami gaanong nagkakasama sama.
Gaya na lang kanina. Wala sila sa party na in-organize ng family and friends ko. Madalas naman kaming magkatext kaya updated sila sa buhay ko pero iba pa rin talaga pag bonding.
"Hi Sha. Sorry for interupting your moment. Kailangan ka lang muna namin hiramin." Nakita ko pa sa likuran niya na naglalakad palapit si Kuya Evo at Kuya Clark. So present silang tatlo?! My gad! Himala to! Hindi ko to dapat palampasin!
"Ah Charles. Kela kuya muna ako sasama. By the way Charles mga pinsan ko nga pala." Nakita kong tumango si Charles habang naginformal salute pa si Kuya Neil. Binuksan na niya ang pintuan sa side ko at hinintay akong makalabas.
"ShaSha! Na-miss ka namin!" Inakbayan na ako ni Kuya Neil habang si Kuya Evo naman ay ginulo ang buhok ko! Lagi na lang nila ginagawa yun! Hanggang ngayon ba naman na matanda na ko? Nakarating kami sa van nila, pumasok na si Kuya Clark sa driver's seat.
"Sakay na guys." Sigaw na nito habang nakatayo sa may hakbangan ng van. Natawa na lang kami dahil sobrang hyper ng sigaw ni Kuya Clark kaya pati ibang nasa parking ay napatingin.
Binuksan ni Kuya Evo ang van at laking gulat ko ng may mga kasama pa pala sila.
"Surprise ShaSha!" Sigaw pa nila. Pinigilan ko ang mga luha ko ng makita ko ang mga pinsan ko na kumpleto. Minsan lang mangyari to. Simula nung highschool ako, never na kaming nakumpleto dahil nga may kanya kanya ng buhay.
"Uy guys! Iiyak na ata si ShaSha!" Narinig kong sabi ni Ate Rem. Ayan tuloy tumuloy tuloy ang iyak ko. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto ng van at naramdaman ko na lang na niyakap na nila ako.
"Shet! Na-miss ko to!" Sigaw ni Kuya Kit. Mas umingay pa dahil sabay sabay pa silang sumigaw ng kung anu-ano. Ganyan sila kaingay kapag magkakasama kami. Wala pa ring pagbabago, mas umingay pa nga. Natatawa na lang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Di pa din nagbabago si bunso, iyakin pa din." Nagtawanan naman kami sa biro ni Ate Fe. Pagkatapos ng sandaling bonding namin sa parking lot ay nag-aya na si Kuya Clark na umalis. Nagsisakay na kami sa van na dala niya.
Si Kuya Clark ang driver habang katabi naman niya si Kuya Evo. Si Kuya Joseph at Ate Mina ang katabi ko sa unang upuan habang nasa likuran namin si Ate Fe at Ate Rem. Sila Kuya Neil at Kuya Kit naman sa pinaka likod.
"Ang tagal mo palang nag-stay dito nung huling uwi mo." Sabi ni Kuya Joseph.
"Oo nga e. Sinubukan ko kayong contact-in kaso di naman kayo nagsisisagot. Si Ate Fe, Ate Mina at Kuya Neil lang ata ang sumagot. Kakatampo." Sabi ko sa kanila. Naghalukipkip pa ako para kunwari ay nagtatampo ako.
"Oo nga! Ang kukunat niyo! Di niyo man lang pinagbigyan si Sha." Sigaw pa ni Kuya Neil sa likod. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Kung makasisi tong si Kuya Neil, e ikaw nga sabi mo di ka pwede! E di ganun din yun!" Sagot ko sa kanya. Nagtawanan naman ang iba kong pinsan dahil sa sinabi ko. Pati si Kuya Clark na siryosong nagmamaneho ay napatawa rin.
"Ewan namin sayo Neil!" Asar pa ni Kuya Evo. Mas lumakas pa ang tawanan ng sagutin pa ni Kuya Neil si Kuya Evo pero inawat na sila ni Ate Fe.
Sumakit ata ang tyan ko kakatawa. Pati sila mukhang sumakit ang panga. Nagbuntong hininga pa si Ate Rem. Lumingon ako sa bintana at natanaw na parang hindi pamilyar ang dinadaanan namin.
"Ate saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Ate Mina.
"Sorry Sha, kikidnapin ka muna namin. Kailangan kasi namin ng pera. E mukhang yayamanin ka na e kaya ikaw muna biktima namin." Natawa naman ako sa sagot ni Kuya Joseph. Napailing na lang ako sa sakit ng tyan ko kakatawa.
"Hindi ata tayo sinisiryoso! Tawagan mo na sila tita." Sigaw ni Kuya Kit. Nilingon ko pa siya dahil bongga ang pagsigaw niya. Napatakip pa nga sila Ate Fe ng tenga.
"Wala akong load dude. Ikaw na lang." Sagot ni Kuya Joseph. Mas natawa tuloy ako! Ano ba tong mga pinsan ko! Parang naka-drugs!
"E ibang network sila tita. Wala akong pantawag dun." Nakita kong napakamot pa si Kuya Kit. Umayos na siya ulit ng upo.
"Mga wala kayong kwenta! Paano tayo kikita niyan?" Tanong ni Ate Rem. Hayan na! Yung mga pinsan ko parang nababasa nila ang isip ng isa't isa. Pagbumanat ang isa, kaya nilang sakyan agad agad. Parang iisa lang ang wave length ng mga to.
"Magpalibre na lang tayo sa kanya. O kaya utusan niyong mag-withdraw sa bangko." Suggestion ni Kuya Neil.
"Tama! Tama! Ano bang bangko mo? Sakto lahat ng bangko madadaanan natin." Tanong ni Kuya Clark. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o tatawanan na lang. Siniko pa ako ni Ate Mina para sumagot. Kilala ko na tong mga pinsan ko. Kailangan ko lang sumakay.
"Sha sabihin mo na lang baka mag-iba isip namin itapon ka na lang namin dito sa bangin." Napalingon tuloy ako sa itunuro ni Kuya Joseph. May bangin nga at paakyat ang sasayan namin kaya mas natatanaw. Mas nagtaka tuloy ako kung saan kami papunta. Mukhang napagplanuhan na nila to a.
"Ate Fe o. Di na nakakatawa sila Kuya. Akala ata magandang biro yun. Ang siryoso pa ng mga mukha." Sa lahat ng magpipinsan, si Ate Fe ang pinakapanganay. Kapag sumosobra na ang biro siya ang taga-pigil. Kaya madalas kapag inaasar ako nila Kuya kay Ate Fe ako nagsusumbong.
"Bilisan mo Clark. Baka mapurnada pa ang plano e." Imbis na suwayin ni Ate Fe sila kuya ay pinagmadali niya pa ito. Nanlaki naman ang mata ko ng bumilis nga kami. Nababahog na talaga si Kuya Clark! Kaoag talaga kami nahulog sa bangin sasakalin ko siya sa langit!
Tumahimik na lang ako buong byahe habang nagpipigil ng tawa. Alam kong lahat sila ganun din ang ginagawa lalo na si Kuya Evo na halatang halata. Kanina pa tikhim ng tikhim. Tuwing nililingon tuloy siya ni Kuya Clark natatawa rin ito.
Tumigil kami sa isang bahay na halos sobrang layo sa kabihasnan. Yung tipong kahit sumigaw ka ng sumigaw di ka maririnig.
"Huy baba na!" Sigaw sa akin ni Kuya Neil. Agad naman akong bumaba. Hinila pa ako ako ni Ate Rem papasok sa bahay. Sobrang dilim kaya wala akong maaninag. Talagang game na game pa rin sila sa arte nilang kidnap kidnapan. Syempre nagpatianod lang ako.
"Ate Rem?" Hinanap ko agad si Ate dahil hindi ko na siya maramdaman. Narinig ko pang sumara ang pinto kaya alam kong iniwan niya na ako doon. Hinanap ko ang phone ko pero naalala kong kinuha pala ni Kuya Evo ang dala kong bag.
Pinagtitripan na naman ako netong mga to.