Part Eight

976 40 0
                                    

"Bilisan mo nga dyan bata ka! Kahit kailan ka talaga ayain ang kupad kupad mo." Nagsisimula na naman si mama sa kakasermon sa akin sa mala-usad pagong kong kilos. Kasalanan ko ba kung matagal talaga ang ginugugol ko sa paliligo at pagbibihis?

Ngayon kasi siya nag-ayang mamili ng gamit ko sa pasukan. Ilang araw na lang kasi ay balik eskwela na naman. Buti na lang graduate na ako ng high school kaya bago na ang mga taong makakasalamuha ko.

Kaya lang naman ako naging mailap sa ibang tao ay dahil sa naranasan ko noong highschool ako. Ang weird ko daw kasi panay ang pagpasak ko ng earphones sa tenga ko. Sa katunayan lang naman kaya ko ginagawang libangin ang sarili ko sa pakikinig ng music ay dahil hindi worth it na makisama sa kanila.

Yung pakikinig ko ng musika ay way ko of escaping sa real world. Hindi kasi nila ako magets kaya mas gusto ko pang magbabad sa kakapakinig ng kanta kesa makipagaway.

Ano ba ang mahihita ko sa mga taong mapanlait? Hindi naman sa pagmamalinis pero hindi naman talaga magandang gawain yung magjudge ka ng tao base on their physical appearance. Ayaw nila sa akin dahil may pagkanerd ako dati.

Ano ang definition nila ng nerd? Syempre nakanerdy glasses. Nerd ka na nun dahil nakasalamin ka. Wala ka ng karapatan sa mundo kapag malabo ang mata mo. Ganun sila magjudge. Second, mga nakabraces. Dati nakabraces ako. Ang perception nila kapag nakanerdy glasses ka at nakabraces ka pa, para kang si Betty la Fea. Ang unfair nila di ba? Hindi ba pwedeng gusto ko lang ipaayos yung ngipin ko?

Ngayon nga kahit saan ka lumingon mga nakabraces na sila. Artista starter pack nga daw. Magnerdy glasses ka ngayon, cute ka. Di ba? Dati rati kung asarin ka nila wagas pero kapag nakasalubong mo yung nanghaharot sayo dati maski sila nakabraces at glasses na rin. Mga baliw din ano?

Ngayon, trauma na ko. Pinatanggal ko na yung nerdy glasses ko at pinapalitan ng contact lenses, tapos yung brace ko ready na ding tanggalin dahil maayos na naman ang ngipin ko.

"Pumunta ka na sa bookstore at bilhin mo yung kailangan mo tapos ako sa supermarket pupunta." Iniwan na ako ni mama kaya nagpunta na rin ako sa bookstore. Kinuha ko lahat ng kakailanganin ko. Nang sa tingin ko ay wala ng kulang sa mga pinamili ko ay nagikot muna ako.

"Charles!" Napalingon ako. Kahit saan sinusundan talaga ako ng presensya niya. Yung tipong kahit saan ka lumingon may nagpapaalala sa kanya.

Nakita kong kinakawayan nung isang lalaki yung isa pang patakbong lumalapit sa kanya. Sa palagay ko ay si kuyang tumatakbo si Charles. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Hay. Kapangalan pa niya yung honey ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext siya. Alam niyang magkasama kami ni mama kaya hindi siya gaanong nagpaparamdam. Baka kasi mahuli daw ako. Natatakot siya para sa akin. Bawal pa kasi akong magboyfriend pero yung rules na yun ay nawalan na ng bisa simula ng dumating si Charles sa buhay ko.

"Ang tagal mo naman." Nagkita kami ni mama sa food court. Kasalanan ko ba kung mahaba ang pila sa cashier at nag-iko ikot pa ko? Umupo na ako at nag aya ng kumain si mama.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon