Hinanap ko ang switch ng ilaw. Kahit may natatabig na ako ay hindi ko pa rin tinigilan ang paghahanap. Nang mahanap ko na ito ay agad ko itong binuksan.
"Welcome home!" Nagulat ako ng bigla silang sumulpot sa harap ko. Natawa naman ako dahil may suot pa sila na party hats at nagpaputok pa sila kuya ng tatlong party poppers. Lumapit sa akin si Ate Fe at isinuot sa rin akin ang isang party hat.
"Tutal naman bagets pa tayong lahat, ito ang naisip naming concept ng pa-welcome party namin." Natawa naman ako dahil para nga silang mga bata. Tapos ang haba nung lamesa na pinapatungan ng mga inihanda nila.
May nakita pa akong hotdog with marshmaloow na nasa stick at nakatusok sa repolyo. So talagang nagbrainstorm pa sila ng concept. Naexcite naman akong tumikim dahil puro miss ko na yung mga pagkaing nakahanda.
Niyakap ako nila ate at isa isa pa akong pinangigilan ng halik. Hindi ko sila masisisi dahil sa tagal naming hindi nagkabonding sobrang sabik na kami sa isa't isa.
"So here's your cake." Lumapit sa akin si Kuya Kit pati na ang iba ko pang mga pinsan. Para namang birthday ang concept nila. Tinignan ko ang round shaped na cake at nakita ko pa ang message nila. Natawa pa ako ng basahin ko ito.
'Buti umuwi ka pa. Miss ka na ng magaganda't pogi mong pinsan.' Yan mismo ang nakalagay sa cake. Sa bandang ibaba ay ang mga pangalan nila. Naiimagine ko tuloy kung ano ang itsura ng nagsulat nito. Baka nagpipigil sigurado ng tawa.
"Wait. This is not me! Sino si Shara?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko kasi na kulang ng 'i' ang pangalan ko. Hinampas ni Ate Rem si Kuya Joseph kaya nagulat ako.
"Ito kasing si Joseph e. Nilalandi ba naman yung gumagawa niyang cake. Ayan tuloy mali spelling!" Napakamot na lang si Kuya Joseph sa ginawa ni Ate Rem. Palagay ko ay nasaktan ito dahil napangiwi siya ng hampasin siya ni ate. Lumayo pa ito kay Ate Rem.
"Sabi mo di mahahalata!" Sigaw ni Kuya Evo kay Kuya Joseph. Mukhang nabaling na ang atensyon nila kay Kuya Joseph.
"Malay ko ba! Ako di ko na mapapansin yun kasi kakainin ko agad yang cake!" Sigaw pabalik ni Kuya Joseph. Natawa na lang ako ng habulin ulit ni Ate Rem si Kuya Joseph tapos si Kuya Evo naman ay pilit ding hinuhuli si Kuya Joseph.
Nang mapagod na sila ay pinagpatuloy na namin ang naudlot na paghipan ko ng kandila. Kinantahan muna nila ako ng kung anu ano para daw mukha talagang birthday ko. Puro kalokohan talaga naiisip nitong mga to. Kapag may ibang makakakita sa amin aakalaing may children's party talaga, e kung tutuusin welcome party lang naman.
Binuhat nila kuya yung papag papunta sa likod bahay para makaupo kami. Sila Kuya Kit naman ay nagbitbit pa ng ibang upuan dahil hindi kami kasya lahat sa papag.
Nang mag-settle na kami ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay nila. Kung gaano ka-loyal ang mga kuya ko sa asawa at girlfriends nila, at syempre kung gaano ka playboy pa rin sila Kuya Joseph at Kuya Neil.
Yung mga ate ko naman syempre maligaya ang buhay pag-ibig. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaganda talaga ang mga ate ko, kaya never pumasok sa isip ko na may isa sa kanila ang hindi magiging masaya sa buhay pag-ibig.
Si Ate Fe, ayun happily married sa husband niya at 6 years and counting na sila. Si Ate Mina kasal na rin habang si Ate Rem 7 years na sila ng boyfriend niya.
"Si Shaira lang naman ang hindi ko maintindihan. Bakit ba di ka pa humanap ng boyfriend?" Tanong sa akin ni Ate Rem. Natawa naman ako sa tanong niya. Sila Kuya Evo naman ay nakatitig sa akin at tila hinihintay ang sagot ko.
"Alam mo namang sa lahi ng mga Espinosa walang tumatandang dalaga o binata. Don't tell me sisirain mo ang record na yun?" Pang aasar ni Kuya Neil. Yabang neto! Wala din naman 'tong girlfriend. Balita sa akin ni Ate Mina, mas lumala pa daw si Kuya Neil ngayon. Kung dati daw once a week iba't ibang babae ang dala. Ngayon daw, basta magkita sila iba lagi ang pinapakilala.