Tinawag niya akong honey? Ang ibig bang sabihin nun yun na ang endearment namin? Kailangan ba tawagin ko rin siyang honey? Obligado ba akong gawin yun? Ganun ba talaga pag may boyfriend, kailangan may tawagan?
"Anak napapasin ko madalas kang tulala ngayon." Kinalabit pa ako ni mama just to get my attention. Nanunuod ako ng isang koreanobela at itong si mama nakikinuod din. Madalas na siyang nakikinuod ng korean drama dahil wala din naman siyang choice. Lagi ko kasi siyang inuunahan sa TV kaya di na siya nakakasingit.
Kung dati di niya magets kung bakit ako adik na adik dun, ngayon nakikisabay na siya. Mahilig na din siyang manuod ng korean drama pero hanggang dun lang yun. Hindi naman kasi mahilig si mama sa kpop pero hindi naman niya ako pinagbabawalang mahilig dun, sinisita lang madalas.
"Hindi po ako tulala mama! Masyado lang akong focus sa pinapanuod ko." Pagpapaliwanag ko. Hindi naman na ako pinansin ni mama kaya binalik ko na lang din yung atensyon ko sa panunuod. Gumaganda na ang takbo ng istorya ng biglang nagvibrate yung phone ko.
"Hi hon."
Kinabahan pa ako ng konti dahil baka makita ni mama. Bawal pa naman ako magboyfriend, kahit ba na sabihin kong nagpapanggap lang kami e ganun pa rin yun.
"Hello!"
Sent.Ayan lang ang reply ko. Hindi ko alam kung paano ba magtextan yung mga magshota kaya wala talaga akong ka-clue clue.
"Shai, nandito kasi siya. Pwedeng konting sweetness pa? Sorry talaga."
Mahabang sabi niya. Konting sweetness? Paano ba maging sweet. Di naman makikita yung text namin e. Kailangan pa ba talaga yun?
"Tignan mo anak! Ang sweet nung dalawa! Bagay na bagay sila!" Halos malaglag ako sa lakas ng hampas sa akin ni mama. Dalang dala sa pinapanuod e. Kaya ayokong tatabi dito, kabigat ng kamay!
Wait! Sweet daw ba? Brain blast! I think mas magiging effective ang pag-arte ko kung irerelate ko lang yung pretend relationship namin ni Charles sa mga napapanuod kong korean dramas!
May maganda ding naidudulot yung paghampas ni mama e. Naaalog din yung utak ko kaya gumagana.
"Hello hon! Nakatulog ka ba ng mahimbing?"
Ang tagal bago siya nagreply. Kung kelan naman go na go na ko tsaka nanahimik?
"Oo naman. Ikaw ba hon?"
"Hindi nga e."
"Bakit naman hon?"
"Kasi buong gabi kang umiikot sa isip ko."
Okay lang kaya yung banat ko? Nauuso kasi yun e yung pick up lines. Ano ba ang malay ko? Basta ang mahalaga mag-ala girlfriend niya.
"Hon, miss na miss na kita."
Paano niya ako mamimiss? Hindi pa nga niya ako nakikita tapos miss na agad? Posibleng mamiss mo ang isang tao ng hindi mo naman talaga siya nakikita pa? Anyways, pretend lang naman to kaya sasakyan ko na lang.
"Miss na rin kita hon. Sobra!"
Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba akong naramdaman. Parang totoo. Parang..
"Hoy. Tignan mo tulala ka na naman dyan! Ano ba ang problema mo?" Humarap ako kay mama ng nakakunot ang noo.
"Mama. Paanong hindi? Kanina mo pa ko binubugbog ng palo! Naalog na po utak ko." Pinagtawanan ako ng sobra ni mama. Na-realize niya siguro na kawawa ako dahil sa hampas at batok na inaabot ko sa tuwing may nakakakilig at nakakainis na eksena. Binaling na ulit ni mama ang atensyon niya sa palabas kaya natulala na lang ulit ako kakaisip.