Part Seventeen

874 39 0
                                    

Di na talaga siya nagparamdam. Tinotohanan na niya. Mukhang hinihintay na lang talaga niya na makipagbreak ako para makawala siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong gawan ng kwento para lang makipagbreak.

Ang lakas ng loob niyang maghanap ng iba pero ang duwag naman niyang harapin ang consequence ng actions niya. Malaki ang pinagbago niya, hindi naman siya ganun.

"Girl. Okay ka na ba?" Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Weekend ngayon kaya dumayo si Ayi sa amin. Ayoko pa ngang pumayag kasi gusto ko din umalis sa amin pero mapilit talaga tong luka na to. Kaya no choice ako.

"Wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang." Sa totoo lang naman minumulto pa din ako ng presensya niya. Tuwing umaga pagkagising ko lagi kong hinahanap yung phone ko, sa tuwing tinitignan ko to wala ng text na galing sa kanya. Nun ko lang narirealize na wala na nga pala kami.

"Uy gaga wag kang umiyak dyan!" Natataranta si Ayi habang inaayos yung TV. Kinuha niya yung usb niya at agad isinaksak dito, agad namang nagplay yung movie.

"Ang unfair niya kasi." Panay pa rin ang punas ko sa luhang sunod sunod na pumapatak mula sa aking mga mata. Pangatlong araw na mula nung nagbreak kami. Sa tatlong araw na yun ngayon lang ako umiyak. Siguro kasi komportable ako kay Ayi at sawa na akong labanan yung sakit na nararamdaman ko.

"Bugok kasi yung lalaking yun e! Dapat lang na hiniwalayan mo na yun." Mas bumigat pa ang dibdib ko. Alam kong hindi siya ganun. Hindi ganun si Charles na minahal ko. Hindi niya magagawa yun. Hindi niya ako kayang iwanan, hindi niya ako kayang saktan.

"Baka may problema siya? Baka kaya joke lang yun?" Napakamot na lang si Ayi sa mga sinabi ko.

"Tanga ka ba? Joke? Tatlong araw na siyang di nagpaparamdam! Malamang nagpapakasasa na siya kasama dun sa bago niyang pinalit sayo!" Nanghina ako sa sinabi ni Ayi. May iba na nga siguro siya. Magagawa niya ba akong tiisin kung mahal niya pa din ako, kung ako pa rin.

"Girls miryenda!" Nagulat kami sa biglaang pagpasok ni mama sa kwarto. Agad kong pinunasan yung luha ko. Napansin ata ni mama na kakagaling ko lang sa iyak kaya hindi maalis ang tingin niya sa akin.

"Ano ba yang pinapanuod niyo?" Tanong niya sa amin.

"A Walk to Remember po." Umupo sa tabi namin si mama. Grabe, nakakahiya! Nakita niya akong umiiyak! Baka tanungin niya ako kung bakit, madulas pa ko.

"Naku! Nakakaiyak nga yan! Ilang beses ko na yang napanuod at ilang beses na din akong umiyak dahil dyan! O kumain na kayo. Pag may kailangan kayo nasa kwarto lang ako." Nakangiting lumabas si mama. Kinabahan ako dun!

"Muntik na tayo dun a." Napabuntong hininga na lang si Ayi. Tumigil na rin ako sa kakaiyak. Baka maubusan na ako ng tubig sa katawan. Bumuhos na lahat ng hinanakit na tinago ko kaya ayan, bigay todo tuloy ang luha ko.

"Wag mo ng damdamin yun friend, hindi siya woth it! Itatak mo yan sa utak mo." Kumuha pa ng tissue si Ayi at pinunasan yung mukha ko. Buti na lang may kaibigan akong maaasahan.

Four days. Four days na ang lumipas. Pakiramdam ko mababaliw na ako! Lagi ko pa din siyang naaalala! Ito pala ang pakiramdam ng mga iniwan. Hindi pala talaga madali ang mag move-on. Mahal ko siya, at sigurado ako dun.

Parang gusto ko tuloy bawiin yunv sinabi ko sa kanya nung araw na naghiwalay kami. Hindi ko pala kaya na walang Charles na babati sa akin every morning, mangungulit na kumain ako kahit ayaw ko, at yung palaging nagsasabing mahal na mahal niya ako.

Nagagalit na sa akin si Ayi dahil sobrang laki daw ng pinagbago ko. Apat na araw pa lang daw pero parang ibang tao na daw ako.

"Friend! Wag ka ngang creepy dyan! Ayusin mo sarili mo! Daig mo pa yung mga seniors na haggard sa thesis! Pwede ba?" Lagi niya akong pinagsasabihan tungkol sa mga kinikilos ko. Hindi ko kasi magawang kumain dahil madalas wala akong gana. Hindi na din ako makatulog ng maaga sa sobrang pagiisip sa kanya. Parang dumadaloy na sa dugo ko si Charles. Yung tipong di na matatanggal dahil yun na ang nananalaytay sa buong katawan ko.

Nasa canteen kami ngayon. Hindi pa kami umoorder dahil wala pa si Ash. Sinilip ko ang phone ko sa isa pang pagkakataon pero wala pa ring text galing sa kanya. Hindi ko naman magawang itext siya dahil nahihiya ako. Ako kasi ang nakipagbreak. Ayokong isipin niya na hindi ko kayang panindigan yung desisyon ko.

"Good afternoon Black Dragons! You're listening to ECU's Campus Radio! Malapit na ang hell week, I mean examination week! *chuckles* For the freshies, I'm advising you to start reviewing your notes. But before that, let me play this song for you, para marelax ang mind and heart niyo. Ta-ta!"

Ngayon ko lang napansin na may campus radio pala kami. Sa sobrang pre-occupied ng isip ko, wala na akong ibang napapansin. Masyado akong nawili sa pagtetext lang kaya heto ako ngayon, nganga!

Nanlaki ang mata ko ng marinig ang kantang tumutugtog sa radyo. Nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko. Bakit ba lagi akong sinusundan ng kantang to?

"...You're all I ever need,
Baby you're amazing,
You're my angel come and save me."

Hindi ko na kinaya pagkarinig ko sa linyang ito. Tumayo ako at dali daling lumabas sa canteen. Tumakbo ako hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon