"Salamat sa pagpunta sa birthday ko guys." Bungad sa amin ni Wax ng makita kami sa canteen. Bakit ba hindi namin nakasanayang kumain sa labas? Lagi kami dito kumakain kaya akala tuloy ng iba kami na may-ari nung palagi naming pinupwestuhang table dito. Wala na kasing ibang umuupo dito kaya pakiramdam ko laging nakareserve para sa amin.
"Kitang kita ko kung paano kayo nag-enjoy." Nagtaas baba pa ang kilay ni Wax. Tinignan ko si Ayi at as usual parang wala na naman siyang pakialam sa pinagsasasabi ni Wax. Si Ashton naman ay nakapangalumbaba pa habang mukhang wala sa sarili. Ano'ng problema nito? Kanina pa siya ganyan e.
"Hindi ako nag-enjoy." Sagot ni Ayi. Umiling pa si Wax habang nakangiti ng nakakaloko. Parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Ayi.
"Sus Ayessa. Umamin ka na. Enjoy na enjoy ka nga kasama si Jack." Tumawa pa ito ng malakas. Mukhang hindi ata nagustuhan ni Ayi yung biro ni Wax dahil sinapak niya ito sa braso. Napahawak si Wax sa braso niya dahil sa sakit. Bumalik si Ayi sa pagkakaupo sa tabi ko. Si Wax naman ay hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Ayi, nakangiwi pa hanggang ngayon.
"Napakasungit mo naman ngayon? Meron ka ba?" Sabi ni Wax habang hinihimas ang braso niyang sinapak ni Ayi. Umamba pa si Ayi na mananapak ulit kaya tumahimik na si Wax.
"Sungit naman ng kaibigan niyo. Kayo na nga lang kakausapin ko." Bumaling si Wax sa amin ni Ash. Kinalabit niya si Ash kaya napalingon ito sa kanya. Tu,uwid ng upo si Ash at binalingan si Wax.
"Ikaw ba nag-enjoy?" Napataas ng kilay si Ashton. Mukhang hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni Wax. Nakakunot noo siyang bumaling sa akin. Para talagang wala sa sarili tong lalaking to.
"Hey Ashton, I'm asking you if you enjoyed my party!" Tanong ulit ni Wax, this time in-english na. Pinigilan ko pang tumawa dahil halatang naguguluhan na rin siya sa ikinikilos ni Ash.
"Ah." Tanging sagot ni Ash at bumalik na ulit sa pagkapangalumbaba. Hindi ko na napigilang tumawa dahil ang epic ng itsura ni Wax. Mukhang nahihirapan na siya. Tinignan niya pa ako ng parang nagtatanong. Nagkibit balikat na lang ako at tinuloy ang pagkain.
"Wax!" Napalingon ako sa tumawag kay Wax at nakita kong papalapit sa table namin si Paul at Miguel. Bahagya akong natigilan ng makita si Miguel. Bumabalik na naman sa akin ang pinag-usapan namin sa party ni Wax.
"Salamat naman at mukhang may matino na akong makakausap. Kanina pa wala sa sarili tong mga to, di ba Shai?" Tama naman ako ng decision. Tama lang na mag let go. Kasi naman kunb magtatanim lang ako ng galit sa kanya wala na ring saysay. May mahal na siyang iba. Hindi na mababago yun.
"Tignan mo pati itong si Shai wala na rin sa sarili." Nagising ako sa pag-iisip ng marinig ang malakas na buntong hininga ni Wax. Napatingin ako sa kanya at mukha siyang ewan na nakatingin sa akin.
Nakaupo na si Paul sa tabi ko habang si Miguel naman ay nasa tabi ni Ash. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya. Kumirot ang puso ko ng ngumiti siya pabalik sa akin. Bakit ngayon ko lang nakita ang ngiting yun? Bakit ngayon pa kung kelan wala na siya sa akin?
Okay lang yan Shai. Part yan ng letting go. Minsan talaga may mga tanong ka pa sa sarili mo. Minsan maiisip mo na bakit hindi siya ganun nung kayo. Hindi ka bitter, nagtataka lang. Ma-o-overcome mo rin yan sa tamang panahon. Masyado pa kasing fresh, at nito ka lang naman talaga nagkaroon ng guts na mag move on.
Take it slow. Makakamove on ka rin.
"O ngayon naman tulala kayong dalawa?" Nabawi ang tingin ko ka Miguel ng hinampas ni Wax ang table. Nahiya tuloy ako dahil sa ikinilos ko. Bakit ko ba siya tinitigan? Nakakahiya! Baka akalain niya umaasa pa ko!
"Uy Wax nga pala, may practice tayo mamaya. Tutugtog kasi tayo sa upcoming event ng ECU." Basag ni Paul sa katahimikan. Tumango naman si Wax. Lumipat si Paul sa tabi ni Ayi kaya kami na ni Miguel ang magkatapat. Mukhang nag-uusap yung dalawa tungkol sa piece na tutugtugin nila kaya ayun may sarili na silang mundo.