Nakapagadjust na rin ako sa ginawa namin. Lalo na't araw araw kaming nagkakatext at nasanay na rin ako sa presensya niya sa inbox ko. Si mama, wala pa ding kaalam alam sa nangyayari. Sanay na naman si mama na nakikita akong hawak yung phone ko, kasi alam niyang mahilig ako sa music at syempre magsurf sa net.
Buong bakasyon siya lang ang naging katext ko. Nadagdag na nga siya sa daily routine ko. Pagkagising ko cellphone ko agad ang hinahanap ko para itext siya ng 'Good Morning!', sa tanghali tinatanong ko kung 'Kumain ka na ba?' at sa gabi naman sabay kaming natutulog kaya lagi kaming nagsasabihan ng 'Good night!'.
Mag-dadalawang buwan na kaming magkatext ni Charles. Sa katunayan nga pakiramdam ko para talaga kaming totoong couple. Sa tuwing tumatawag siya sa akin lagi niyang pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Yung tipong ramdam mong sincere siya sa mga sinasabi niya. Kung kausapin niya ako parang sobrang importante ko talaga sa kanya.
"Hon, minsan ba naisip mo kung paano kung totoong tayo?"
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Ganito lang ako lagi. Dati rati bored na bored ako sa bahay. Parang mababaliw na ako kakaisip kung ano ba magandang gawin. Nakakatamad din naman ang magnet lang ng magnet. Ngayong nakilala ko na si Charles, parang kahit ikulong ako ni mama sa kwarto ko basta katext ko siya masaya na ko. Mabubuhay na ko.
"Ikaw ba naiisip mo yun?"
Sent.Gusto kong malaman muna yung side niya.
"Madalas. Ikaw ba?"
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko. Siryoso ba siya? Sa sobrang kilig ko halos magpagulong gulong na ako sa kama ko. Sa kanya ko lang naranasan ang kiligin. Iba yung kilig na nararamdaman ko kapag siya kausap ko sa kilig na nararamdaman ko sa mga crush kong singer.
"Madalas din."
Sent.Ayokong magsinungaling sa kanya. Ito naman talaga ang nararamdaman ko. Noong una hesitant pa ako na tulungan siya sa favor na hinihingi niya pero habang tumatagal nari-realize ko na may something na talaga. Na parang hindi lang ito pagpapanggap.
Hinintay ko ang reply niya pero ilang minuto na ang lumipas wala pa din siyang text. Nakatulog kaya yun? Ni hindi man lang nagpaalam na matutulog na siya.
Matutulog na sana ako ng biglang magvibrate yung phone ko. As expected si Charles ang nagtext.
"I know ilang months palang tayo magkakilala. Tawag at text nga lang ang way natin para makapag-usap. Pero di ba kapag nagmahal ka, puso ang nagdidikta hindi mata? Pagod na akong magpanggap, hindi na ako makuntento sa status natin ngayon. Gusto kong maging akin ka at maging sayo ako for REAL. Kaya kung papayagan mo ko, gusto sana kitang ligawan."
Halos pagsasampalin ko ang sarili ko sa sobrang kilig. Tinakpan ko pa nga ng unan yung bibig ko at impit na tumili. Para akong di mapakali na ewan. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko.
Charles Calling...
Agad kong sinagot yung tawag niya.
"Don't the water grow the trees,
Don't the moon pull the tide,
Don't the stars light the sky,
Like you need to light my life..."Grabe. Ang ganda ng boses niya. Sobrang galing niyang kumanta daig pa niya yung original singer, parang mas bumagay pa sa kanya yung kanta.
"If you need me anytime,
You know I'm always right by your side,
See I've never felt this love,
You're the only thing that's on my mind..."Halos hindi na ako makahinga.
"You don't understand how much you really mean to me,
I need you in my life you're my necessity,
But believe me that you're everything,
That just makes my world complete,
And my love is clear the only thing that I'll ever see."Grabe yung kanta niya. Message ba niya sa akin yun? Parang hinarana na rin niya ako kahit sa phone lang. Sobrang napapakilig niya talaga ako!
"You're all I ever need,
Honey you're amazing,
You're my angel come and save me."At dun natapos ang kanta niya. Pinalitan niya pa talaga ng honey yung baby. Ang effort niya talaga wagas!
"I love you Shaira. Pwede ba kitang ligawan?"
Muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway sa biglaan niyang tanong. Pero ng makarecover, nangiti na lang ako. Madalas ko ngang naiisip kung paano kung totoo to. Ngayong tinutupad niya na ang pangarap ko, tatanggi pa ba ko?
"Hindi."
"Ha?" Natawa ako sa pagkabigla niya.
"Sabi ko hindi." Inulit ko pa yung sinabi ko.
"Bakit?" Taka niyang tanong. Lungkot ang bumalot sa boses nito. Hindi pweng ma-guilty ako. Dapat magood time ko muna siya bago ko ibigay ang matamis kong oo.
"Nandyan ka pa ba?" Tanong niya sa akin ng mapansing hindi na ako nagsasalita.
"Shai okay lang kahit di mo ko sagutin. Wag mo lang akong iiwasan." Pigil na pigil ang kumukulong dugo ko! Pakiramdam ko pulang pula na ang buong mukha ko, sa sobrang kilig na hatid ng matamis na pag-ibig ni Charles.
"Bakit hindi? Will you please tell me? Para lang alam ko." Malumanay niyang tanong.
"Dahil sinasagot na kita honey." Silence filled the other line but after a sec, sigaw na ang narinig ko. Malakas niyang "Yes!" ang nagpatawa sa akin. He really is happy.