Part Thirty-Eight

805 30 0
                                    

"Talaga sinabi niya yun?" Ngayon ko na lang naikwento yung usapan ni Charles at Andrei nung nakaraang linggo. Naging abala kasi ako sa paghahanda para sa outing na in-organized ni Ayi. Nandito kami ngayon sa beach resort sa Zambales.

Tumango na lang ako bilang tugon. Kakadating lang namin kaya busy ang iba sa pagbababa ng gamit. Habang nakaupo ako sa isa sa mga upuan doon.

"Boys, ingat!" Sigaw ni Ayi habang tinitignan ang mga boys na maghakot ng gamit. Napabuntong hininga na lang ako.

"Galing din ni koya e. Para-paraan." Baling niya ulit sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako. Ilang linggo palang kami dito ay ganito na ang nararamdaman ko. I think totoo ang kasabihan na "Time heals all wounds" kasi ibang iba ang reaksyon ng katawan ko sa dapat kong ikilos.

"Alam mo Shai, siguro sa katagalan ng di niyo pagkikita humupa na lang yung galit mo." Utas ni Coreen habang nakahawak sa tyan at namamapak ng mansanas. Napakunot naman ang noo ko. Pwede bang mangyari yun? Yung humupa na lang ang galit mo? Kasi sobra yung galit ko sa kanya noon kaya nga ako nakapagdecide na umalis na ng bansa tapos huhupa lang? Parang hindi ata tama?

"Ano ba na-fi-feel mo sa tuwing nakikita mo siya." Napaisip ako. Ano nga ba?

"Noong unang kita namin after ilang years, parang wala na nga akong maramdamang galit. Tinanong pa nga ako ni Vinz kung kaya ko na talagang makita siya. Before kasi kinakabahan ako, feeling ko galit pa ko, pakiramdam ko ayoko pa siyang makita, pakiramdam ko nasasaktan pa ko." Tahimik silang nakikinig sa akin. Nakatingin ako sa dalampasigan. Sa sobrang ganda ng view parang mas gumagaan ang loob ko.

"Pero yung first meeting namin na yun parang nagkamali ako. Akala ko lang pala lahat. Akala ko galit pa ko, akala ko ayoko siyang makita, akala ko nasasaktan pa ko, pero hindi na pala." Napangiti ako sa huli kong sinabi. Sa haba ng taon kong dinala ang galit ko sa isang iglap nawala lang lahat. Akala ko hindi ko na kayang magpatawad pero mali ako. Mali na naman ako.

"Ahm, e yung s-spark ba Shai bumalik ba?" Maingat na tanong sa akin ni Coreen. Napalingon na lang ako kay Charles na ngayon ay abalang nagbababa ng mga gamit. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya nginitian niya ako. Imbes na mag-iwas ng tingin ay nginitian ko rin siya.

"Shit! Crazy! You're crazy Shaira!" Yan na lamang ang nasabi ni Ayi. Natawa na lang kami ni Coreen sa reaction niya. Halatang ayaw niya talaga kay Charles.

---

"Okay lang ba na sumama ka sa ganitong trip?" Pagaalala ko kay Coreen. Tumango naman ito. Ang laki na kasi ng tyan niya tapos ang layo pa ng binyahe namin.

"Gutom na kayo?" Tanong sa amin ni Ashton. Umupo siya sa tabi ko at hinintay kaming sumagot kaya umiling na lang ako. Tumayo siya ulit at bumalik sa kusina.

"Girls, bakit di pa kayo lumusong?" Tanong sa amin ni Wax. Siya naman ngayon ang umupo sa tabi ko. Ang laki din ng pinagbago netong isang to e.

"Gumagwapo ka ata Wax?" Biro ko sa kanya. Totoo naman. Parang may iba sa kanya. Malakas pa rin siya mang asar at maingay pa din pero may something talaga e.

"Ano ba yang sinasabi mo Shaira?" Parang nahihiyang tanong ni Wax. See? Nagbago na nga tong mokong na to! Dati pag sinabihan mo ng gwapo yan ipagyayabang pa pero ngayon humble na? Grabe! Anong nakain nito?

"Paul anyare dito?" Tanong ko kay Paul. Natatawa na lang siya habang tinatapik ang balikat ni Wax.

"Guys, our friend here is possessed." Sabay tawa niya ulit ng malakas. Siniko naman siya ni Wax kaya humupa rin ang tawa niya. Iba siguro talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Si Jack naman ay umupo sa tabi ni Ayi. Isa pa tong dalawang to e. Akala ko okay na, tapos malalaman ko nagbestfriends lang daw.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon