Part Two

1.6K 51 2
                                    

Hindi naman daw kilala ni Ate tong number na binigay niya sa akin. Ang sabi niya pang alis boredom lang daw yung number na yun kaya wag ko daw masyadong siryosohin. Bago sa akin ang ganitong experience. Di ko pa natatry na makipagtext mate. Uso pa pala yun ngayon? Wala naman sigurong masama. Hindi din naman niya ako kilala. Tsaka di din ako sure kung magrereply ba to.

Umalis na ako sa kubo kung saan nakaupo sila ate at pumunta ako sa veranda nila lola. Umupo ako sa isa sa mga upuan dun at kinuha ko yung phone ko. Nagisip ako ng magandang sabihin at ito lang ang lumabas sa utak ko.

"Hi."
Sending...

Dali dali kong ni-cancel ang pagsesend ng message ko. Waaah! Paano ba to?

"If I were you, isesend ko na. Try lang naman couz, malay mo ikaw pa ang lumapit sa akin para magthank you. Anyways, kakain na raw. Sunod ka na lang." What the eff. Halata bang napapraning ako dahil lang dito? Hoo. Okay I'll give it a try!

"Hi."
Message Sent

Bumaba na ako para kumain. Ayaw ni lola ng pinaghihintay ang pagkain kaya I should move fast. Patakbo akong bumaba papunta sa dining area at umupo sa pwestong itinuro ni mama.

As usual, hindi ako makarelate sa usapan nila. Puro kasi pangmatatanda, puro sermon, buhay nila noon at kung anu ano pa.

Natinag ako sa pagtitig sa mga naguusap ng biglang nagvibrate ang phone ko. Nadivert ang attention ko dito kaya bigla akong napatayo.

"May problem ba?" Tanong sa akin ni mama. Lahat sila ay napatingin na sa akin. Para akong pinagpapawisan ng malamig.

"Ah. Ma, I need to go to the restroom." Pagri-reason ko. Dahan dahan ko pang inilagay ang kamay ko sa tapat ng tyan ko para mas ma-convince sila.

"Okay." Tumalikod na ako at naglakad papuntang cr. Sino kaya tong nagtext sa akin. Hindi ko kasi pwedeng i-check yung phone ko in front of them lalo na't kumakain pa kami.

Have a chance to win iPad mini...

Ano ba yan! Promo lang pala! Nagexcuse pa ako just to check kung sino ang nagtext and then ito lang pala. Argh! Ibinaba ko yung phone ko sa sink at naghilamos ako ng mukha. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko ulit pero di ko na pinansin.

Nilagay ko ito sa bulsa ko at bumalik na ulit sa upuan ko.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni mama.

"Yes po." I flashed a smile para lang ipakitang okay lang ako. Hay. Dahil dito sa pinagawa sa akin ni ate para akong gumawa ng masama sa sobrang kaba.

"Ma. Magiingat ka dito. Dadalaw ulit kami next weekend okay." Nagpaalam na si mama kay lola. Nakipagbeso beso naman ako sa mga pinsan ko.

"Mageenjoy ka promise!" Bulong sa akin ni ate. Sana nga pero mukhang hindi naman.

Bumyahe na kami pauwi ni mama and gaya ng dati nagkulong ako sa kwarto ko -my heaven- at nahiga na sa kama.

Napabangon ako ng maramdamang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan kung sino ba yun.

"Hello."

"Hu u po?"

Oh my gaad!

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon