Part Forty-Eight

649 25 0
                                    

"Pasensya ka na sa mga pinsan ko." Nahihiya kong sinabi sa kanya. Naku! Yung mga yun talaga nakakainis! Talagang pinagtulakan ako pasakay sa sasakyan ni Charles! Hindi man lang nahiya.

"Okay lang." Yan ang huli naming pag-uusap bago kami natahimik. Natagalan pa bago kami nakaalis dahil biglang tumawag sa akin si mama. Yung mga pinsan ko naman ayun inabuso naman ang pagkakataon, pinalibutan si Charles. Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila at wala na akong balak alamin dahil alam kong puro kalokohan na naman ang sinasabi ng mga yun.

Tahimik lang kami buong byahe. Madalas kong nahuhuli si Charles na lumilingon sa akin. Hindi ko naman alam kung paano ko ba dapat simulan ang pag open ng topic para hindi awkward.

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong niya sa akin. Hindi naman siguro offensive ang tanong niya pero parang may part sa akin ang nalungkot. Kakadating ko pa lang tinatanong na niya ang alis ko.

"One month lang ako dito." Simpleng sagot ko. Tumango naman siya. Sa bintana na lang ako tumingin. Maya maya pa ay kinausap na naman niya ako.

"Bakit sa hotel ka tutuloy?" Sasagutin ko na sana siya pero biglang nagring ang phone niya. Nag-excuse siya at tinanguan ko lang siya. Sinagot niya ang tawag at dinig na dinig ko ang nasa kabilang linya dahil ni-loud speaker ito ni Charles.

"Miggy!" Bungad sa kanya ng nasa kabilang linya. Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng boses ng babaeng tumawag. Para siyang ready nang makipaglandian.

"Era. What's up?" Iba ang tono ni Charles ngayon. Parang matagal na silang nagkakausap nitong si Era.

"I miss you so much!" Tumawa ng malakas si Charles sa sinabi ni Era. Napairap na lang ako ng sinabayan pa nung Era ng malanding halakhak.

"Kidding aside. I called to talk about our little secret." Nahinto sa pagtawa si Charles at agad na tinanggal sa pagkakaloud speaker ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa holder at idinikit sa tenga niya.

"I'll call you later, I'm with someone right now." What's this effect? Huminga ako ng malalim habang pinapabalik sa normal na tibok ang puso ko. He's with someone. Isang someone lang ako.

"Hey, are you okay?" Nilingon ko siya. Hinawakan niya ang balikat ko at tinignan ako. Naka pula ang ilaw ng stop light kaya naibaling niya ang buong atensyon niya sa akin.

"I'm fine." Sagot ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Tumango lang siya sa akin at hinawakan na ulit ang manibela.

Nang tinawagan ako ni mami hindi pangangamusta ang sadya niya. Kinausap niya ako ng masinsinan about sa amin ni Charles. Inamin niyang nagalit siya sa ginawa ni Charles sa akin, inamin din niyang kahit nagalit siya noon ay humupa rin agad dahil sa effort na ipinakita ni Charles.

Sabi niya sa akin nagkausap sila ni papa. They're allowing me to decide whether pagbibigyan ko pa ba ng pagkakataon si Charles. Ang sabi ko hindi ko naman kailangang magmadali. Simple lang ang sagot sa akin ni mama, sabi niya baka daw pagsisihan ko pa.

Hindi ko alam kung plinano ba talaga nila mama at ng mga pinsan ko na pagkasunduin ulit kami ni Charles. Hindi ko din alam kung may alam ba si Charles sa mga nangyayari.

Ang tanging alam ko lang, napatawad ko na siya matagal na Malinaw na naman sa akin ang intensyon ni Charles sa nagawa niya noon. Tsaka sobrang immature pa siguro namin kaya siguro ang unang pag-ibig ko, una ko ring kabiguan. Pero paano kung naka-move on na nga ako, ready na kong bigyan siya ng panibagong chance, paano kung hindi na pala ganun ang nararamdaman niya sa akin? Baka umasa na naman ako sa wala.

Nilinaw sa akin ni mama na hindi daw nila ako pinipilit. Gusto lang daw nilang makalaya na ako sa multo ng nakaraan. Lahat naman daw ng taong nagmamahal nasasaktan. Take risk eka nga. Hindi naman daw nababalot lang ng kasiyahan ang buhay, dapat handa rin tayo sa lumbay at pighati.

Matapos ng paguusap namin na iyon ay tinawagan ko sila Ayi at Coreen. Nagulat sila ng banggitin ko si Charles. Tinatanong ko kung ano ba ang dapat na gawin. Nagkausap na kami ni Charles nung huli kong uwi sa Pinas. Nalinaw na niya sa akin ang lahat.

Tingin ko ay itong isang buwan na pananatili ko sa Pinas ay dapat ko ng ituwid ang lahat. Siguro kaya din ako umuwi para linawin kung may nararamdaman pa rin ba talaga ako para kay Charles. Matagal na akong nagmamanhid manhidan pero hindi ko talaga mapigilang hindi maramdaman ang epekto niya sa akin.

Nataon pang ganoon din ang gustong mangyari ng mga kaibigan ko, ng mga pinsan ko pati na ng mga magulang ko. Siguro nga panahon na. Ngayon dahil muli kong binubuksan ang puso. Binubuksan ko na rin ang posibilidad na magkabalikan kami o kung hindi naman ay makahanap ng bagong mamahalin. Sabi kasi sa akin ni Coreen, hindi ko daw makikita ang mga taong gusto akong mahalin kung pipigilan ko.

'I'm with someone right now'. Ito pa lang ang narinig ko mula sa kanya sobrang laki na ng impact. Hindi ko alam kung saang banda ako pinaka naapektuhan, kung sa fact na isa na lang akong someone sa kanya o sa ideyang may babae siyang kausap. May little secret pa sila! Ano yung secret na yun? Wag naman sana yung iniisip ko pero ano pa nga ba?

"We're here." Nagising ako sa pinagiiisip ko dahil tumigil na siya sa tapat ng hotel ko. Kumurap ako ng mga ilang beses bago tanggalin ang seatbelt ko. Nataranta pa ako dahil hindi ko mabuksan ang lock. Tinulungan ako ni Charles dahilan para magkadikit ang kamay namin.

Para akong napaso kaya agad kong iniwas ang kamay ko. Bumaba na ako pagkatapos tanggalin ni Charles ang seatbelt ko. Isinarado ko ang pintuan ng kotse at ibinaba naman ni Charles ang bintana nito.

'Wag mong iwasan ang nararamdaman mo. If nakakita ka ng chance para mas luminaw ang lahat i-grab mo!'. Yan ang advise sa akin si Coreen. Lalo na ngayon na ready na akong sumugal ulit. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Charles gusto mo bang magkape muna?" Sobrang pula na siguro ng mukha ko sa hiya. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para ayain muna siyang mag-stay.

"Sorry Shaira, pupuntahan ko pa si Era." Mas naginit pa ang mukha ko dahil hindi ko naisip na baka tanggihan niya ako. Para akong nabilaukan sa sariling laway dahil hindi na ako muli pang nakapagsalita. Tumango na lang ako at kumaway. Tinalikuran ko na siya ng hindi man lang hinintay na makaalis.

"Ano nangyari?" Tanong sa akin ni Coreen matapos kong sabihin sa kanila ni Ayi na si Charles ang naghatid sa akin. Naka-skype kaming tatlo habang naguusap. Nakita ko si Dex sa likuran ni Coreen na mahimbing ng natutulog, sa kabilang linya naman ay nakaupo si Ashton sa tabi ni Ayi kaya technically apat kaming magkausap ngayon.

"Nakakahiya!" Hiyang hiya kong sinabi. Tinakpan ko pa ang mukha ko habang nagsisisipa sa kama ko. My gad! Hindi mawala sa isip ko yung eksena kanina!

"Ano nga kasi?" Iritang tanong ni Ayi. Napairap na lang ako at ikinwento na sa kanila ang buong pangyayari. Natawa silang lahat matapos kong magkwento. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Bakit naman kape?" Natatawang tanong ni Ayi. Pinipigilan pang tumawa ng malakas. Napaisip naman ako kung ano ang masama sa kape.

"Shaira ang init o. Full blast nga ang aircon namin, sana juice man lang." Singit ni Ashton. Ito talagang dalawang to sa sobrang laging magkasama iisa na lang ang takbo ng isip nila. Tignan mo nga ayaw pang lagyan ng label pero parang ayaw ng maghiwalay.

"Atleast inaya ko siya." Tanging sagot ko sa kanila.

"Baka naman urgent talaga yung pupuntahan niya?" Tanong ni Coreen sa akin. Urgent? Kating kati na ba silang dalawa? Ganun ba ka-urgent para tanggihan ako ni Charles?

"Pupuntahan niya lang yung Era niya." Sinubukan kong wag pahalatang apektado ako pero mukhang nahalata na naman nila dahil tumawa na naman ng malakas sila Ayi. Napapailing na lang habang nakangiti si Coreen dahil sa inaasal nung dalawa.

"Ayun, lumabas din ang totoo. Nagseselos ka!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ayi. Kung anu ano ang pinagsasasabi nila. Siryoso ba sila?! Ako magseselos?! Excuse me!

"I'm not! Bahala na nga kayo dyan." Tumawa pa ng malakas si Ayi at Ashton bago ko putulin ang linyan nila.

"Shaira, if you're really jealous wag mong pigilan. Di ba nga you should be honest sa tunay mong nararamdaman." Napabunting hininga na lang ako sa sinabi ni Coreen. Malumanay akong tumango at nagpaalam na.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon