"Guys! Nasan na kayo?" Naiiritang tanong ni Paul habang hindi matigil sa kakalakad dahil kanina pa kami naghihintay sa airport. Malapit na kasi ang flight namin pero wala pa rin sila Wax at si Miguel.
"Guys pag na-late tayo sa flight, you'll rent us a private plane!" Sigaw nito sa phone. Si Paul talaga ang pinaka responsible pagdating sa ganyan. Dahil lagi na kaming nagkakasama mas nakilala ko at nakita ko ang ugali nila.
Ilang minuto na ang lumipas ng dumating sila Wax. Kasama niya si Miguel at si Vika. Pagkakita na pagkakita namin sa kanila ay agad ng nag-aya si Paul na mag-board na. Isa-isa naming pinakita ang tickets namin bago pumasok sa loob.
Ako at si Vinz ang magkatabi sa upuan. Ako malapit sa bintana habang si Vinz naman sa may aisle. Katapat naman namin sina Miguel at Vika. Sa likod namin si Jack at Ayi habang katapat naman nila si Paul at Wax. Si Ash naman ay mukhang komportableng komportable sa likod nila Paul dahil kasama niya yung isa sa mga babaeng nakilala niya daw sa party. Sa pagkakatanda ko ay Coreen ang pangalan nito.
Kaya siguro medyo may topak si Ashton noong nakaraang araw ay dahil kay Coreen. Di kaya may LQ sila o kaya naman hindi siya tinetext o tinatawagan. Napansin ko kasing panay din ang subsob nito sa phone at ng magkaproblema ay hindi mo na makikitang hawak ang cellphone.
"Nagtext pala sa akin si tita." Napalingon ako kay Vinz ng sabihin niya ito. Kinuha nga pala ni mama yung number ni Vinz. Akala ko naman ay in case of emergency lang pero itetext pala niya!
"Ano sabi?" Tanong ko dito. Nag-aayos siya ng gamit at ng matapos ito ay tsaka niya ako muling hinarap.
"Ingatan ko daw ang prinsesa nila." Napa-facepalm na lang ako sa sobrang hiya. Tumawa naman itong si Vinz sa reaksyon ko. Si mama talaga pasaway! Tinanggal ni Vinz ang mga kamay ko sa aking mukha at tsaka ito hinawakan.
"Bakit ka nagtatakip ng mukha?" Tanong nito. Alam kong alam niya kung bakit. Nakakahiya kaya! Si mama talaga. Pagkauwi ko talaga pagagalitan ko yun.
Naglabas si Vinz ng laptop. Naghalungkat siya ng kung ano doon kaya hindi ko na ito tinignan. Baka may gagawin pala yung tao ayoko namang makichismis. Dumungaw na lang ako sa bintana ng eroplano at nakita ko ang mga ulap sa himpapawid. Ang sarap talagang sumakay sa eroplano.
"Gusto mong manuod? Mahaba daw kasi yung byahe kaya nagdala ako ng laptop. Baka kasi mainip ka." Inabot niya sa akin yung earphones at nagplay siya ng movie. Masasabi kong matagal na rin kaming magkasama ni Vinz. Minsan nag-aaya siya lumabas, palaging siya ang naghahatid sa akin pauwi. Kaya naiisip ko na napakaswerte siguro ng babaeng magugustuhan nito.
Nang antukin ako ay inihilig ni Vinz ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko pang tinanggal niya ang earphones sa tenga ko. Hindi na ako kumontra dahil sobrang bigat na ng mga mata ko.
---
"Guys? Tara na." Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Jack. Nakita kong natutulog pa rin si Vinz. Naguilty tuloy ako kasi baka masyado akong mabigat. Tinapik ko ng bahagya ang pisngi ni Vinz at agad naman itong nagising. Nginitian niya ako at umayos na ng upo. Nag-unat pa siya ng bahagya bago kinuha ang mga gamit namin.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nito sa akin. Ako pa talaga ang tinanong niya, ang komportable kaya ng pwesto ko. Dapat nga sa kanya yun itanong.
"Ikaw ba?" Ngumiti ito sa akin at tumango.
5 days kami dito. Yung iba ay uuwi rin after 3 days dahil may family vacation din daw. Kaya maiiwan yung mga wala namang lakad at isa na ako doon. Di ko pa alam kung sino yung magsisiuwi pero sure na ako na magpapaiwan ako at si Ayi. First time akong pinayagan nila mama at papa na magvacation sa malayo kasama ang mga kaibigan ko.