Third day namin sa El Nido. Nagdecide ang grupo na wag munang magpunta sa beach at magbonding muna, dahil uuwi na ang iba. Kumain kami sa labas at nagtake out ng pagkain na pwede naming pagsaluhan.
Mas gusto daw kasi nilang magkasama sama muna bago umuwi ang iba. Sigurado daw kasing matagal pa ang susunod naming pagkikita dahil nga may kanya kanya kaming bakasyon.
Sa totoo lang naman, wala akong outing ngayon dahil si papa hindi pa makakauwi ngayong summer. Baka daw sa Christmas pa. Si mama naman ay wala din hilig sa pag-alis. Mas gusto pa nun pumunta kay lola at dun magpalipas ng summer.
"Sobrang ganda sa El Nido." Sabi ni Wax, habang hawak ang isang bote ng beer. Magkakaharap kami ngayon sa balkonahe nila Jack. Maganda din ang pwesto nitong bahay nila dahil mula dito sa pwesto namin ay tanaw na tanaw ang dagat sa hindi kalayuan. Ang lamig pa ng simoy ng hangin kaya ang sarap talagang tumambay dito.
"Nag-enjoy ako sobra." Dagdag pa ni Paul. Nagkwentuhan pa kami ng mga nangyari sa bakasyon namin. Nakakatawa nga sila dahil kung magkwento sila ay parang hindi kami kasama sa bakasyon. Sari-sariling point of view.
"Grabe. Hindi pa din ako makamove on doon. Sayang Vika di ka nakasama sa kayaking adventure namin." Napatingin kaming lahat kay Vika. Mukhang nagbago ang expression nito ng mabanggit ni Wax ang tungkol sa unang araw namin sa El Nido.
"Bakit nga ba di ka sumama?" Sa sobrang daldal din nitong si Wax, hindi din niya talaga mapigilan ang sarili niya na magsalita ng kung anu-ano. Hinintay ng iba na magsalita si Vika, ako hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at nagpaalam kay Ayi na magbabanyo lang sandali. Umalis na ako at ang tanging narinig ko na lang ay si Vika na nagsisimula ng magpaliwanag.
Hindi naman talaga ako magbabanyo, masyado lang kasi ako na-su-suffocate sa tuwing malapit kami ni Miguel sa isa't isa. Hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil sa tuwing nalalapit ako doon sa lalaking yun ay kung anu ano ang ginagawa niya. Napansin ko din na panay ang tingin niya sa akin kaya mas lalo akong naging uncomfortable. Tapos nung isang araw nagsabi pa siya na miss na niya ako.
Sino ba naman ang hindi mapapraning nun? Kahit ba sabihin niya na wala naman siyang binanggit na pangalan! Sino pa ba sasabihan niya nun e ako ang kasama niya? Ano yun nagsasalita siya mag-isa? Ganun ba katalas ang tenga ni Vika para marinig yun? Hindi di ba! Sana hininaan na lang niya. Sana sinarili na lang niya.
"Ano ginagawa mo dito?"
"Ay pusa!" Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng may biglang sumulpot sa likuran ko. Bwisit! Akala ko aatakihin na ako sa gulat! Nilingon ko siya at nainis lang ng nalaman kung sino to. Speaking of the devil! Ano ginagawa niya dito?
Hindi pa siya nakuntento sa distansya namin dahil lumapit pa siya at umupo sa tabi ko. Ngayon pakiramdam ko biglang sumikip sa pwesto ko. Hindi ako makalingon sa kanya dahil ayoko lang na makita niyang hindi ako komportable sa presensya niya.
"Bakit ka mag-isa?" Tanong niya ulit. Balak ko sanang wag na lang pansinin pero ayoko namang isipin niya na bitter ako o apektado pa ako sa break up namin. Baka isipin niya pa, ganun ako kahibang sa kanya.
Oo nasaktan ako, oo hindi ko pa din maintindihan ang nangyari sa amin. Ilang beses ko ng sinabing nakapag move on na ako, pero sa tuwing pakiramdam ko okay na ko heto na naman siya ginugulo ang isip ko. Napakaselfish niya, kasi siya pwede siyang lumigaya at manggulo at the same time, pero ako hanggang ngayon wala pa ding makitang iba. Hindi ko alam kung dahil ba masyado akong nahumaling sa idea na may nagmamahal sayo o dahil sa siya ang una ay hindi pa din ako makapag let go.
"Wala lang, gusto ko lang muna magpahangin." Bulok masyado ang reasoning ko pero wala na akong pakialam. Ang mahalaga may maisagot ako sa kanya. Nahalata niya sigurong baluktot ang rason ko dahil tumango lang ito.