Part Twenty-Three

855 37 0
                                    

"Bakit ang aga mong pumasok?" Tanong sa akin ni Ayi habang inaayos yung binili niyang pagkain.

"Hindi mo kasi siya katulad. Ikaw lang naman ang tamad na tamad pumasok." Bara sa kanya ni Ash. Matalim na tinitigan ni Ayi si Ash habang ako naman ay nangingiti na lang sa kanila. Nagsisimula na namang mag-asaran yung dalawang to.

"Kamusta sem break?" Bati ni Ash. My smile fades ng marinig ko ito. Natigilan din ako sa pagkain.

"Hay Ashton. Pwede ba manahimik ka na lang. Tumatalsik na yung kinakain mo o!" Naramdaman siguro ni Ayi na hindi ako komportable sa tanong ni Ash kaya gumawa siya ng paraan para maiba ang usapan. Inayos ko ang sarili bago nag-angat ng tingin sa dalawa. Tinuloy ko na rin ang pagkain.

"Nasaan?" Nakita kong napa-facepalm pa si Ayi habang umiiling.

"Kumain ka na lang! Hinanap pa!" Nag make face naman si Ash habang mini-mimic ang sinabi ni Ayi.

"Hey guys!" Ngiting ngiting salubong sa amin ni Wax. Napalingon ako sa likuran niya at nakitang wala siyang ibang kasama. Buti naman!

"O may isa pang panggulo!" Iling ni Ayi. Umupo si Wax sa tabi ni Ash. Tila hindi naman niya narinig ang sinabi ni Ayi.

"Guys. Alam niyo ba kung ano meron this weekend?" Nagkatinginan pa kaming tatlo nila Ayi dahil wala talaga kaming clue sa sinasabi ni Wax.

"Ano meron? May event ba dito sa weekend?" Nakakapagtaka lang. Kakasimula pa lang ng bagong sem tapos may event agad? Mukha atang nawiwili na sila kakagawa ng event?

"Guys. C'mon. Make a guess! Nakakatampo kayo!" Pinagpatuloy lang ni Ayi ang pagkain habang kami naman ni Ashton ay nakahawak sa sentido para mag-isip. Wala talaga akong maisip na event this weekend.

"I quit. Wala talaga akong maisip." Pagsuko ko. Sumangayon din si Ash at si Ayi naman ay tila walang pakialam sa binibida ni Wax.

"Guys! It's my birthday! Kahit hindi niyo nahulaan you're still invited. See you okay!" Inabutan niya kami ng invitation. Mukhang malaking party ang in-organize ni Wax. Pagtapos kaming imbitahan ay agad din naman siyang umalis at lumipat sa kabilang table. Ang dami niya palang kakilala dito a.

"So girls, pupunta ba tayo? I'll go if you want." Tanong ni Ash. I'm still thinking kung pupunta ba ko. Pool party ito so I assume na bikini ang dress code ng party ni Wax. So mag tu-two piece ako?!

"Ako ayos lang. Wala din naman akong plan this weekend so why not? Kayo?" Sagot ni Ayi. Ito ang kinaiinggitan ko sa kanila. They can decide on their own. Ako kasi, I still need to ask for my parents' permission bago maka-oo.

"I'll talk to my mom first. Baka di ako payagan." They both agreed. Sabi pa nila ay kung hindi ako pupunta ay hindi na din sila pupunta. Ayoko namang mangyari yun dahil alam kong gusto nilang pumunta.

Mahabang paliwanagan ang nangyari bago ako payagan ni mama. Tinanong niya pa kung sino yung Wax na yun. Sinearch pa sa facebook! Hindi na lang ako kumontra at baka kung ano pa isipin ni mama.

Agad na nag-aya si Ayi na pumunta sa mall at mamili ng isusuot para sa party nang nalaman niya na pinayagan ako ni mama. Hindi na ako nakatanggi dahil wala din naman akong isusuot doon. I don't wear revealing clothes. Ayoko kasi ng too much attention. Baka isipin pa ng iba na wala akong pambili ng mas mahabang damit.

"Wait. You sure you're coming?" Biglaang tanong ni Ayi habang kumakain kami sa isang restaurant sa mall. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya. Why not? Pinayagan naman ako ni mama.

"Ofcourse I am. Kasama ko naman kayo. Bakit bigla mong naitanong?" Tumikhim si Ayi bago magsalita.

"I know you know why." Nawala ang saya sa katawan ko ng sabihin ito ni Ayi. Hindi lang ako pupunta sa party dahil gusto kong magpakasaya, I have a hidden agenda.

"I have a plan." Sinabi ko kay Ayi ang plano ko. I know mahihirapan ako dahil marinig ko lang ang pangalan niya ay naiirita na ako! Ayoko namang magmukhang kawawa kaya I need to prove to him na kaya ko ng wala siya.

"Ayoko ng plano mo friend. You might get hurt too." Napairap na lang ako sa sjnabi ni Ayessa. I understand her, alam niya kung ano ang pinagdaanan ko kaya ganun na lang siya mag-alala.

"There's nothing more painful than what I'm experiencing now Ayi." I wiped my lips and held my spoon tight. Nanggigigil ako! I won't let this pass.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon