Malakas na palakpakan ang bumalot sa meeting room namin. Nakita ko pang isa-isa nagtayuan ang mga ka-meeting namin kaya mas natuwa ako. Kakatapos ko lang magpropose sa kanila ng projects na dapat nilang abangan kapag matutuloy ang pag-i-invest nila sa kompanya namin.
Isa pa sa mga pumapalakpak ang CEO ng kompanya kaya mas na-overwhelmed ako. Nang pormal ng natapos ang presentation ay dumeretso na agad sa contract signing ang mga investors. Abot abot ang papuri sa amin ng mga investors. Mukhang na-e-excite pa sila sa nalalapit na pagsisimula ng mga projects na naka-line up.
"Congratulations team for a job well done." Pambungad ng aming CEO. Nagoffer pa siya ng toast dahil sa magandang kinalabasan ng business proposal namin. After ng ilang pasasalamat ay tinawag niya ako sa harap.
"This whole thing will not be possible without the supervision of Miss Espinosa, so lets give her a big round of applause." Pinalakpakan kami ng mga ka-trabaho ko. Kinausap din ako ni Mister CEO ng kaming dalawa lang. Sobrang saya ko dahil naging proud sa akin ang buong kompanya kahit na nagkaproblema pa nung huli dahil muntik ng di umabot yung final proposal namin sa itinakdang oras. Lahat ng stress at pagod, worth it.
Bago matapos ang buong party ay pinasalamatan ko ang buong team ko. Sila talaga ang pinakanahirapan sa proposak na ito. Ang trabaho ko lang naman talaga ay to suggest at to approve. Kapag may mali sa ginawa nila pinapaulit ko talaga. Sa sobrang strikto ko ayokong may nakikita na kahit napakaliit na butas.
Sa tuwing nagagahol kami sila pinapagalitan ko. Nasisigawan ko pa nga minsan yung iba. Pero ang pinakapinagpapasalamat ko sa kanila ay yung hindi sila sumuko. Di sila ng iwan. Sabi ko nga sa kanila, simula pa lang to. Madami pa kaming pagsasamahang projects kaya masanay na sila sa stressful ambiance.
---
Binigyan ako ng isang buwang bakasyon ng boss ko. Pinapili niya pa ako kung saang lugar kaya syempre sa Pinas ko mas pinili. Pinayagan naman ako dahil successful naman ang project namin. Hindi pa din gaanong hectic ang schedule dahil malayo pa ang start ng pagsasabuhay ng mga proyekto namin. Ngayon ko din naisipang magpaalam dahil bibinyagan na ang anak ni Coreen at Dex.
Nakasakay na ako ngayon sa eroplano at naghihintay na lamang magtouch down. Excited ako dahil sa na-mi-miss ko na ang pamilya at mga kaibigan ko. Mahigit isang taon din akong nawala. Akala ko pa nga hindi ako makakaabot sa binyag ng baby ni Coreen dahil sa sobrang busy namin. Buti na lamang ay hindi ito natapat sa business proposal kaya maluwag ang schedule ko.
Sa tuwing nakakausap ko si Andrei mas tumatatas na siyang magsalita ng tagalog. Though may pagka-slang pa rin pero malaki ang improvement niya. Kaya na niyang makipag-converse dahil nakakaintindi na siya ng tagalog.
Si Jack naman madalas kong maka-chat. Sinabi niya na sinagot na siya ni Therese. Minsan pa nga ay nagvideo chat kaming tatlo. Natatawa na lang ako sa tuwing kinekwento ni Jack kung paano siya sinagot ni Therese. Sobrang bagay talaga sila kaya botong boto ako sa relasyon nila. Nasabi din pala ni Jack na alam na ng buong barkada. Gaya nga ng iniisip namin, inasar siya ni Wax. Hindi na naman daw siya naapektuhan dahil napaghandaan na niya ito. Si Ayi naman daw ay di pa din makapaniwala na ang baby boy niya may girlfriend na.
Speaking of Ayi, ganun pa din daw ang status nila ni Ash. Kaso ito atang si Ash hindi na makuntento dahil madalas na daw nilang pag-awayan yung kawalan nila ng label. Medyo possessive na daw ang Ashton kay Ayi. Syempre ayon yan sa source ko na si Coreen. Nung birthday nga daw nung baby ni Coreen magkagalit yung dalawang yun. Paano daw itong si Ayi nakahanap ng makaka-flirt kaya ayun itong si Ashton medyo nagtampo. Di ko pa rin talaga ma-gets yung gusto ni Ayi na no commitment, no problem. Kasi feeling ko mas nag-ko-cause pa ng problem yung sitwasyon nila.
Si Wax at Paul, ayun kalalakas mangasar pero gaya ni Superman, may kahinaan pa rin. Kung si Superman, kryptonite. Itong dalawang to ang pinaka weakness ay ang girlfriend at pamilya nila. Sabi sa akin ni Wax hindi na daw niya makita ang sarili niyang humahanap ng ibang babae. Actually, ilang beses na niyang sinasabi yun sa amin kaya wala ng epek yun. Pero itong present girlfriend niya na di ko gaanong nakabonding at once ko lang nakita, ito na yung pinakatumagal na ka-relasyon niya. I'm hoping na sana siya na nga ang 'The One' for Wax. Si Paul, ayun nagpapakaperfect husband para sa wifey niya.