"Sa wakas!" Sigaw ni Wax habang nakatingin sa amin. Yung iba naman ay tinignan muna ang kamay namin ni Charles na magkahawak bago kami tignang dalawa.
Nakita kong nakangiti si Coreen sa amin habang nakasandal kay Dex. Si Vinz din ay matamis na nakangiti sa aming dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay matagal na nilang hinihibtay ang pagkakataong ito.
"Natapos din ang kadramahan niyo!" Sigaw ni Paul at nagayang magcheers kami. Inabutan kami ni Ash ng beer.
"Cheers guys!" Sigaw ni Paul. Natawa kaming lahat dahil sa wakas wala ng tensyon sa barkada. Ito naman talaga ang gusto naming mangyari kaya kami nagbakasyon. Bukod sa bonding gusto din namin maayos na ang mga gusot. Which is yung amin nga ni Charles.
---
"Good morning!" Bahagya kong iminulat ang mata ko. Nakita ko si Charles na nakatayo sa gilid ng kama ko. May dala siyang tray habang nakangiti sa akin.
"Gising na hon. Ipinagluto kita ng breakfast." Inilapag niya sa kama ang dala niyang tray at inalalayan akong umupo.
Hinalikan niya ako at otomatiko naman akong napangiti. Ito talagang lalaking to! Ang aga aga pinapakilig na agad ako. Kinusot ko sandali ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang luto niya.
Sabay kaming kumain ng breakfast. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Sobrang namiss ko siya sobra. Nagkulong lang kami sa kwarto hanggang sa maghapunan na. Sobrang sinulit talaga namin ang isa't isa. Hindi kami nagsasawang magyakapan at magkiss lang buong magdamag.
Ako na nga ang nagaya na lumabas naman kami. Nakakapagtaka kasing hindi kami ginagambala ng mga kasama namin.
"Nasaan kaya yung mga yun?" Tanong ko kay Charles. Naliligo ako habang kausap ko si Charles na ngayon ay nagaayos na dahil kakatapos lang din niyang maligo bago ako.
"Nagtext sa akin si Wax. Nasa kabilang island daw sila. Puntahan na lang natin." Sagot nito mula sa kwarto.
Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa katabing island. Nasaan kaya yung mga yun? Gabi na tapos swimming pa rin? Walang kasawaan?
Nang malapit na kami sa kabilang island nakita kong sobrang liwanag dito. May mga nakasabit na bumbilya sa paligid. Wala namang tao. Akala ko ba nandito sila?
Nang mas lumapit kami ay narinig ko ang isang pamilyar na kanta.
"Don't the water grow the trees,
Don't the moon pull the tide,
Don't the stars light the sky,
Like you need to light my life..."Saan ko nga ba to narinig?
"If you need me anytime,
You know I'm always right by your side,
See I've never felt this love,
You're the only thing that's on my mind..."Hindi ko pa din maalala kung saan ko to narinig. Pero alam kong narinig ko na to somewhere.
"You don't understand how much you really mean to me,
I need you in my life you're my necessity,
But believe me that you're everything,
That just makes my world complete,
And my love is clear the only thing that I'll ever see."Naglalakad pa din kami ni Charles. Habang lumalapit kami ay mas lumalakas ang tugtog.
"You're all I ever need,
Baby you're amazing,
You're my angel come and save me."Napatingin ako kay Charles. Naalala ko na! Tumigil kami sa gitna ng nagliliwanag na mga bumbilya. Ito yung kinanta ni Charles nung highschool kami. Nung may event silang mga SC.
"Shai!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko si Wax na may dalang red rose. Iniabot niya sa akin iyon. May note na nakatali dito kaya binasa ko ito.
"Sabi nila sa akin sobrang tanga ko daw..."
Sumunod na lumapit sa akin si Paul na may dala ring rosas. Binasa ko ulit ang note na nakatali dito.
"Sinayang ko daw ang isang babaeng minahal ako ng sobra..."
"Meron din kami." Iniabot ni Coreen at Dex ang isa pang red rose.
"Aminado naman akong naging tanga talaga ako. Hindi lang tanga, gago rin..."
"Para sayo." Nakangiting iniabot ni Ash at Ayi ang isa pang rose.
"Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa utak ko nun."
This time si Jack naman ang lumapit.
"Pero ngayon, buo na ang loob ko. Nakapagdesiayon na rin ako."
"Ganda, o." Iniabot ni Vinz ang isa pang rosas. Bumibilis na ang pintig ng puso ko.
"Ayoko ng patagalin pa to..."
Biglang namatay ang mga ilaw pati na ang tugtog. Inilibot ko ang paningin ko pero ang tanging nakikita ko lang ay ang liwanag ng buwan.
"Hon. Gaya nga ng nabasa mo sa mga rosas. Ayoko ng patagalin pa."
Biglang nagbukas ulit ang mga ilaw at nakita ko si Charles na may hawak na isang bouquet ng red rose.
Lumapit siya sa akin ng dahan dahan. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko pero nangingilid na talaga ang mga luha ko.
"Para sayo hon. May note din yan." Nakangiti niyang sinabi. Naging abala naman ako sa paghahanap nung note sa mga bulaklak.
"Hi hon. Look at me please."
Ibinalik ko ang tingin ko kay Charles at nakita kong nakaluhod na siya sa harap ko.
"Hon, I love you so much! Hindi ko alam kung mabilis pa ba to? Pero ayoko ng maghintay pa ng ilang araw..." May kinuha siya sa bulsa niya.
"Shaira Aguilar Espinosa, will you marry me?" Nagunahan ng pumatak ang mga luha ko.
Tumango ako ng sunod sunod habang umiiyak.
"Is that a yes hon?" Tanong ni Charles.
"Yes! Yes hon! I will marry you!" Napatayo si Charles mula sa pagkakaluhod at binuhat ako. Hinalikan niya ako sa labi at kasabay nito ang pagliwanag ng kalangitan dahil sa mga fireworks.
Narinig kong nagpalakpakan ang mga kaibigan namin. At isa isa kaming niyakap at binati. Matapos nun ay sabay sabay naming pinanuod ang mga fireworks na nagdagdag ng kulay sa gabi namin.
"Hon si Era pala." Ipinakilala sa akin ni Charles si Era. Yung babaeng lagi niyang katawagan at kahapon lang pinagawayan namin.
"Hi Ms. Shaira. Era, event organizer." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Siya yung nagayos nitong proposal ko." Nagpaalam na sila Era at ang team niya na aalis na sila.
"Sorry hon! Akala ko talaga..."
"Okay lang hon. Ang cute mo nga pagnagseselos e." Hinalikan niya ako sa noo at sabay na ulit naming pinanuod ang fireworks.
Soon to be Mrs. Ventura na ko! Thank you Lord! Salamat dahil ibinigay mo sa akin si Charles.