Ang event pala namin ay para sa pagkapanalo ng ECU sa nakaraang basketball league. Parang thanksgiving party ng ECU sa lahat ng sumuporta sa team. Nakapakadaming estudyante ang dumalo at sa tingjn ko ay mas dadagsa pa mamaya dahil may mga inimbitahan ang university na mga sikat na banda para tumugtog. Bukod pa syempre yung banda ng SC na tutugtog din mamaya.
"Akala ko magtatry out ka sa basketball?" Tanong ko kay Ash. Naalala ko kasi yung usapan namin na gusto niyang magtry out sa basketball. Hindi ko naman siya nakitang nagtry out tsaka hindi nga siya kasama sa team ngayon.
"Tinamad na ko." Tipid na sagot ni Ash. Gustong gusto ko ng tanungin kung ano ba ang problema nitong si Ash. Hindi naman siya ganun dati. Sa aming tatlo siya ang pinaka-jolly kaya nakakapanibago lang na ang tahimik niya.
"Bakit ba parang wala sa sarili si Ash?" Bulong ko kay Ayi na kanina pa nakatutok sa phone niya. Tumungin siya sa akjn, nilingon niya sandali si Ash at binalim rin ang titig sa akin.
"Ewan ko ba dyan sa unggoy na yan. Wag mo na lang pansinin." Ginawa ko ang payo sa akin ni Ayi. Baka kasi may problema si Ash at gusto niyang sarilinin muna. Ako man yun mas gusto kong tumahimik muna. Magkekwento naman yan kung ready na siya. Napapaisip lang talaga kasi ako, naging ganyan siya after nung party.
Nag-aya si Ayi na pumunta sa field. Pagkarating namin doon ay nakasalubong namin ang grupo nila Wax. May dala dala silang mga equipment at instruments. Malamang ay ito ang gagamitin nila mamaya.
"Uy guys." Tumabi si Wax sa amin. Tinulungan ko naman siyang bitbitin yung dala dala niya dahil mukhang mabigat ito. Pagkalapag namin ay naupo si Wax sa field.
"Grabe! Ang bigat nung mga kinarga namin!" Mukhang pagod na pagod nga siya dahil sa tumatagaktak ang pawis nito. Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ito. Nagsidating na rin ang mgankasama niya na may kanya kanya ring dalang gamit.
"Hi Shaira!" Bati sa akin ni Vinz. Nagpunas din siya ng pawis at tsaka lumapit sa akin.
"Sus! Ang dami namin dito tapos si Shaira lang ang binati mo?!" Pangaasar ni Wax. Tumayo na ito mula sa pagkakaupo at pinagpagan ang kanyang pantalon. Nginitian lang siya ni Vinz bago bumaling ulit sa akin.
"Manunuod ka mamaya?" Nakangiting tanong niya sa akin. Tumango lang ako. Mula sa likod niya ay nakita ko si Miguel na abala sa katawagan niya. Sandaling nagtama ang mga mata namin pero binawi ko rin ito agad.
"Tatapusin mo ba? Ako na maghahatid sayo pwede?" Tanong ulit nito sa akin. Nahirapan naman akong sumagot dahil ayokong magdesisyon ng agad agad. Tsaka kasabay ko si Ayi at Ash mamaya.
"Kasi Vinz kasabay ko sila Ash mamaya." Nilingon niya si Ash at nilapitan ito. Tinanong niya kung ayos lang ba na siya na ang maghatid sa akin mamaya.
"Sa akin ayos lang. Basta iuuwi mo si Shaira ng safe. Ewan ko lang kung ayos kay Ayi yun." Siryosong sagot ni Ash. Nakapasok pa sa bulsa nito ang mga kamay. Hay si Ash talaga, masyading papogi e kaya ayan tuloy marami na namang nakatingin sa kanya.
"Sa akin? Ayos na ayos lang! Bakit naman hindi? Uuwi na lang ako mag-isa." Sagot ni Ayi.
"Teka, bakit ka uuwi mag-isa? Hindi ka ba sasabay kay Ash?" Umiling si Ayi.
"May lakad kasi si Ash mamaya." Nakangiting sagot ni Ayi. Binalingan ko naman si Ash at mukhang hindi niya gusto ang usapan dahil napakasiryoso ng mukha niya.
"Gusto mo Ayi ako na maghatid sayo?" Napalingon kami sa nagsalita. Kakababa niya lang ng dala ng gamit bago lumapit kay Ayi. Siya yung isa pang band mate nila Wax.
"O ihahatid ka na daw ni Jack, Ayessa." Lumapit pa si Wax sa dalawa. Tumango naman si Ayi bilang tugon. So si Vinz na nga ang maghahatid sa akin tapos si Jack naman ang bahala kay Ayi.
"Hintayin mo ko mamaya okay?" Tanong sa akin ni Vinz. Tumango naman ako. Wala namang masama kung ihahatid ako ni Vinz. Nagmamagandang loob lang naman yung tao kaya mapagbigyan.
---
The crowd goes wild ng nagsimula ng tumugtog ang banda nila Wax. Si Miguel sa vocals, si Wax, Paul at Jack sa guitars habang si Vinz naman sa drums. Ang astig nilang tignan habang tumutugtog.
Nang matapos nila ang tatlong kanta ay nagpaalam na sila. Yung mga guest bands naman ang tutugtog. Nagsibaba sila, sinenyasan kami ni Wax na sumunod sa back stage.
"Wow guys ang galing niyo!" Inapiran ko sila isa isa.
"Miguel!" Si Miguel na sana ang aapiran ko ng may tumawag sa kanya. Napalingon kaming lahat sa babaeng mahinhing tinatahak ang daan palapit kay Miguel. Pagkalapit nito ay hinalikan niya si Miguel sa pisngi.
"You did great, babe!" Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Nakita kong nakatingin si Ayi sa akin. Agad niya akong nilapitan at hinila patalikod sa dalawa.
"Uuwi na ba tayo?" Pagbabago ng topic ni Ayi. Nagsitango naman ang iba pa naming kasama.
"Wag na nating tapusin, napagod din tayo kakarehearse." Umayon naman ang lahat sa sinabi ni Wax. Naglakad kami papunta sa parking.
"Una na kami guys." Paalam ni Miguel. Yun ba yung sinasabi niyang babaeng mahal niya? Infairness, maganda tapos mukha pang mabait. Kinawayan sila ng mga kasama namin. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto bago bumaling sa driver's seat.
Si Vinz naman ngayon ang nagpaalam na ihahatid niya na daw ako. Hinatak siya sandali ni Wax kaya nagkaroon ng pagkakataon si Ayi na lapitan ako.
"You okay?" Tumango ako. Why not? Wala na yun sa akin. Bumalik na sa tabi ko si Vinz.
"Lets go?" Tumango lang ako. Pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nginitian ko si Ayi para lang ipakita na ayos lang talaga ako. Tumango siya at tsaka ako sumakay sa sasakyan ni Vinz. Bumaling si Vinz at kita kong kumakaway sila sa amin. Binaba ni Vinz ang bintana sa gilid ko para magpaalam sa iba naming kasama.
---
Araw-araw ganun na ang eksena. Sa tuwing vacant sumasama na si Wax sa amin. Madalas na rin namin silang nakakasabah umuwi. Napapadalas na rin ang paghatid sa akin ni Vinz. After din nung thanksgiving party ay palagi ko ng nakikitang magkasama si Miguel at yung 'baby' niya.
Isang beses habang kasabay naming naglunch si Wax, nabanggit niya ang pangalan nung girl na yun. Tinawag niya itong Vika, yun ay kung tama ang pagkakarinig ko. Sa tuwing nagkakasama sama kami ay ngiti lang ang ibinibigay namin sa isa't isa. Ganun lang lagi, walang hi o hello. Very casual lang.
"Guys, magbabakasyon na. Magplano naman tayo ng over night o kaya out of town." Suggestion ni Wax. Nakita kong nag-agree sila Ash at Ayi, pati na rin sila Paul.
"Maganda sana kung sa beach para summer na summer." Suggestion din ni Ayi. Napaisip tuloy kaming lahat kung aaan nga ba magandang pumunta. Ayoko naman sa Boracay kasi nakapunta na kami doon dati. Maganda sana kung bagong lugar.
"Kung gusto niyo may vacation house kami sa El Nido. Kung gusto niyo lang naman." Napatingin kami kay Jack.
"Talaga?" Tanong ni Paul sa kanya. Mukhang hindi sila makapaniwala na may vacation house nga sila Jack sa Palawan.
"Ang tagal na nating magkakilala tapos ngayon mo lang kami aayain? Kung hindi pa nagsalita si Ayessa mukhang wala kang balak sabihin yan." Pang-aasar ni Wax. Napakamot lang si Jack sa kanyang ulo bago muling magsalita para sabihin kung saan yung vacation house nila doon. Nagpakita pa siya ng pictures na talagang nag-engganyo sa aming doon magpunta.
"So kela Jack na tayo, okay?" Pumayag kaming lahat. Na-set na kung kailan at kung saan magkikita kita para makapunta doon. Magpapaalam na lang ako kay mama at papa pagkauwi ko. Hindi naman na sila ganoon ka-istrikto sa akin. Kilala na niya sila Ayi at pati na ang grupo nila Wax, partikular na si Vinz dahil madalas niya akong hinahatid sa bahay.
Napagkamalan pa nga siyang boyfriend ko kaya na-hot seat pa siya ni mama at papa. Pero nang malaman nilang magkaibigan lang talaga kami ay pinakawalan din nila ito.
Gaya nga ng plano nagpaalam mhna ako kay mama at papa. Gaya din ng nasa isip ko ay pinayagan nila ako. Gusto din kasi nila ito, ang makuhalubilo ako sa iba. Kumbaga i-enjoy ko ang pagiging teenager ko.