Part Fifteen

883 39 0
                                    

3 days straight kong hindi nakakatext si Charles. Iniisip ko na lang na baka busy sa school works or baka may gig kaya hindi gaanong makapagtext. Lahat na ng pwedeng isipin na rason kung bakit di niya ako tinetext ay naisip ko na pero iniiwasan kong mag-isip ng nega.

"Alam mo kinakabahan na ako sayo. Ang tahitahimik mo! May problema ka ba?" Pabulong na tanong sa akin ni Ayessa. Nasa loob kami ngayon ng classroom, ni hindi ko man lang nagawang batiin si Ayessa dahil wala talaga ako sa mood.

Nakatingin lang ako sa desk ko. Wala akong ibang maisip kundi si Charles. Kamusta na kaya siya? May nangyari ba sa kanya kaya di niya ako matext? May iba na ba siya?

Nalaglag ang balikat ko dahil sa huli kong naisip na rason. Hindi dapat ako nagiisip ng ganito. May tiwala ako kay Charles. Alam kong hindi niya ako magagawang lokohin at ipagpalit.

"Hindi tama yun di ba?" Kumunot ang noo ni Ayessa sa sinabi ko. Nakalimutan kong wala nga palang alam si Ayi tungkol sa amin ni Charles. Napailing na lang ako ng tanungin ni Ayi kung ano yung sinabi ko.

Buong klase ako wala sa sarili. Hanggang sa maglunch break ay wala pa rin ako sa mood. Kada end ng subjects namin ay tinetext ko si Charles pero wala pa rin siyang reply.

Inaya ko si Ayessa na umupo sa isa sa mga bench sa field. Pumayag naman siya.

"Okay lang naman kung di mo maishare pero wag naman ganito. Kinakabahan na ako e. Ano ba problema mo?" Nakita ko sa mga mata ni Ayi na nag-aalala na talaga siya. Na-gi-guilty tuloy ako dahil sa tagal naming magkasama ni hindi ko man lang nasabi sa kanya yung tungkol sa amin ni Charles.

"Sorry Ayi." Humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Nagbuntong hininga muna siya bago siya magsalita.

"Okay lang. I understand, pero please naman wag naman yung ganito. Para ka kasing nababaliw. Ayoko namang magkaroon ng kaibigang baliw." Natawa ako sa sinabi niya. Hay Ayi! Kahit wala akong naging kaibigan nung high school, bawing bawi ako sayo.

"Ayi, sorry kasi di ko sinasabi sayo to agad. I know my apology is not enough pero sana mapatawad mo ko." Tumango siya. Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.

"I already have a boyfriend." Natahimik sandali si Ayi, pero maya maya ay tumawa ng malakas. Ako naman ngayon ang kunot noong nakatingin sa kanya. Hinawakan niya pa ang tyan niya na parang hirap na hirap sa kakatawa.

"What's funny?" Tila hinahabol niya ang hininga niya habang unti unting kinakalma ang sarili. Pati yung mga naglalaro sa field ay nabulabog na niya.

"You, you're funny. Ano ka ba! 21st century na! Hindi na kasalanan ang pagbo-boyfriend. Akala ko pa naman kung ano na, yun lang pala!" Hinampas niya pa ako sa balikat. Hindi ito ang inaasahan kong magiging reaksyon niya. Akala ko magtatampo siya dahil hindi ko sinabi sa kanya.

"Mag-e-eight months na kami." Nanlaki ang mata niya. Sandali siyang natigilan at ng nakabawi ay pinaghahampas niya ako ng malakas. Well, ito ang reaksyong hinihintay ko.

"Gaga kang babae ka! Ang tagal na!" Binilang niya pa yung buwan para malaman kung kelan naging kami ni Charles. Nang malaman niya ay pinaghahampas na naman niya ako.

"How dare you! Kaya pala lagi kang nakasubsob sa phone mo!" Tumango na lang ako at nagsorry uli.

"Alam ba yan ni tita?" Mabilis akong umiling.

"Isa ko pang problema yan. Pag nalaman ni mama yun magagalit talaga sa akin yun, baka kunin pa phone ko. Please friend, wag mo sabihin kay mama." Nagmakaawa pa ako sa kanya. Pinagdikit ko pa ang kamay ko para mag-Please. Hinawakan niya yung baba niya na parang nag-iisip. Ngumawa na ako ng malakas para maawa siya, pero acting lang yun syempre.

"Okay fine! Ano pa bang magagawa ko. Basta ipakilala mo sa akin yung boyfriend mo!" Napaupo ako ng maayos. May panibago na naman akong problema. Baka hindi lang hampas ang abutin ko kay Ayessa.

"Friend. Hindi ka ba nagugutom?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Siryoso ka? Kakakain lang natin ng lunch! Parang ayaw mo ata akong ipakilala sa boyfriend mo." Humalukipkip siya habang nakatingin sa malayo.

"Wag ka ng magtampo. Hindi naman sa ayaw kitang ipakilala, ang problema kasi..." Tumingin siya sa akin ng nakataas pa din ang isang kilay.

"Ano?" Yumuko ako at pumikit

"Di ko pa din kasi siya nakikita." Dinilat ko ang mata ko at nakitang nakatayo sa harap ko si Ayessa na gulat gulat. Parang sinasabi niyang, "Siryoso ka?!". Huminga ako ng malalim at tila nalinawan si Ayessa dahil dito.

"Mukhang siryoso ka nga. Paano? Di ko ma-gets?" Pinaliwanag ko sa kanya kung paano ko nakilala si Charles. Hindi niya ako kinokontra sa mga sinasabi ko kahit na ako mismo ay hindi makapaniwala sa kung paano kami nagkakilala ni Charles.

"Old school. Tumagal kayo ng 8 months ng hindi nagkikita? Bakit hindi kayo magkita?" Tanong ni Ayessa. Yun din ang tanong ko pero kinakabahan kasi ako na baka di niya ako magustuhan pag nakita niya ako. Na baka mag-iba ang feelings niya.

Ang dali kasing sabihin na mamahalin mo ang isang tao kahit sino pa siya. Ako naniniwala ako na hindi ka dapat tumingin sa panlabas na kaanyuan pag dating sa pag-ibig. Pero sabi nga ni Ayessa, 21st century na, kung dati pag-ibig talaga ang sukatan ngayon isinasama na sa standards ang mukha.

Hindi naman ako nagdududa sa pag-ibig ni Charles. Ang kinababahala ko lang ay ang mga tao sa paligid niya. Minsan na niyang naikwento sa akin na madalas siyang sumali sa k-con kung saan ginagaya niya ang mga bias niya, may banda din siya, at mukhang napakadami niyang kaibigan. Yun ang kinakabahala ko, na baka ma-judge ako ng tao sa paligid niya.

Sawa na akong mahusgahan. Dahil sa karanasan ko noon, sawang sawa na akong maging takaw atensyon. Pakiramdam ko kasi si Charles nasa spotlight subalit ako walang wala.

"Ayoko pa."

"Ha? Bakit naman?"

"Natatakot kasi ako." Hindi na muli pang nagtanong si Ayi.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon