"Sumasakit na nga yung balakang ko e." Reklamo ni Coreen sa asawa niya na ngayon ay inaalalayan siyang umupo. Nandito kami ni Ayi sa bahay nila Coreen. Sinamahan namin ang mag-asawang maglakad lakad dahil iyon ang ibinilin ng doktor para daw hindi mahirapan si Coreen manganak.
"Pakuha lang ako ng juice kay manang. Maiwan ko muna kauo girls." Humalik pa sa labi si Dex bago iwan si Coreen. Nasa sala kami at nagsimula ng maglakad si Dex patungo sa kusina.
"Ang sweet talaga ng asawa mo be!" Mahinang papuri ni Ayi. Natawa na lang ako sa sinabi ni Ayi. Bakit kasi di pa mag-asawa.
"Naaawa na nga ako kay Dex e. Lagi ko siyang napagbubuntunan ng inis. Kasi naman minsan na-ku-cute-an ako sa kanya. Minsan naman naiinis talaga ako." Hinihimas lang ni Coreen ang tiyan niya habang bahagyang nakasandal sa upuan. Dumating na ang juice at inilagay ito ni manang sa lamesa malapit sa amin.
"Kamusta na pala si Andrei at Vinz?" Tanong ni Coreen. Kinuha ni Ayi ang juice at ininom niya ito.
"Nung huling usap namin ang sabi niya pinagpapaalam daw nung nanay si Andrei. Gusto daw ipasyal yung anak." Ininom ko na din yung juice ko at sumandal sa upuan.
"Di ba sabi ni Vinz parang ayaw na daw nung babae sa kanya? Parang ang gusto lang yung anak niya. E paano pag kinuha niya si Andrei?" Nakita kong napailing si Coreen. Napaisip din ako sa sinabi ni Ayi, dapat ko bang sabihan si Vinz na wag masyadong iniiwan si Andrei sa nanay niya? Para namang magiging unfair ako sa bata kung lilimitahan namin ang pagkikita nila ng nanay niya.
"Mahal pa ni Vinz yun. Sabi niya sa akin willing siyang tanggapin ulit ang nanay ni Andrei kahit iniwan pa siya noon." Napakamot sa ulo si Ayi.
"Yan ang hirap kapag in love." Kunsuming kunsuming sabi ni Ayi.
"Kung makapagsalita to. Parang siya hindi." Nakangiting asar ni Coreen kay Ayi. Nakiasar na rin ako. Nagmamaganda pa tong si Ayi e halata naman talagang may something na sa kanila ni Ashton.
"Girls hindi naman ako hibang. Atsaka excuse me, walang kami. No commitment, no problem."
"Ayaw niyo talagang lagyan ng label?" Umiling si Ayi.
"Oh no no no! Pag nilagyan namin ng label mas magiging complicated. Maganda na to, I can flirt to whoever and wherever ng walang naghihigpit at ganun din siya." Hindi ko talaga magets ang gusto nitong babaeng to. Pakiramdam ko naman si Ash gusto ng lagyan ng label ang relasyon nila. Si Ayi lang galaga ang mahilig magpauso.
"Hindi ba mas complicated to? Kasi hindi madistinguish kung ano ba talaga kayo. Friends lang ba, friends with benefits or wala lang. Hindi ko talaga magets ang trip niyo." Halatang na-i-stress naman si Coreen sa status ng dalawa.
"Wag mo na kasing isipjn para di ka maguluhan. Basta walang kami pero parang mayron. Gets niyo?" Kumunot na lamang ang noo ni Coreen.
"Mas lalo lang gumulo." Nagtawanan kami at nagmove on na kela Ayi. Kinuha ko ulit ang baso at uminom ng juice. Nakita kong sumesenyas si Coreen kay Ayi. Si Ayi naman ang luminhon sa akin.
"Kamusta naman yung date niyo ni Charles?" Nasamid ako sa sinabi ni Ayi kaya halos maibuga ko ang juice na iniinom ko. Inabutan ako ni Coreen ng tissue habang si Ayi naman ay inilapag ang baso ko sa mesa.
"Siryoso girl? Narimig mo lang pangalan ni Charles nasasamid ka na dyan." Pangookray sa akin ni Ayi. Kasalukuyan ko namang pinupunasan ang ilong ko. Pakiramdam ko lumabas sa ilong ko yung ininom ko.
"Nasamid ako sa sinabi mo. Ano'ng date? Tsaka paano niyo nalaman?" Napailing na lang ako habang pinupunasan naman ngayon ang damit ko na bahagyang nabasa.
"So nagdate nga kayo? Hay girl! Nakakatampo ka! Di mo man lang shi-ne-share sa amin. Kung di pa kayo nakita nung school mate natin before, nga nga kami." Sabi ni Ayi na parang nagtatampo pa. Humalukipkip pa at hinihintay akong magexplain. Si Coreen naman ay tango lang ng tango na parang sangayon na sangayon sa sinasabi ni Ayi.