Hindi ko alam kung kaya ko pa bang makita si Charles sa ngayon. Hindi ko na maintindihan itong nararamdaman ko. May pagkakataon na gusto ko na lang sabihin sa kanya na kami na lang ulit pero paano? May Era na siya ngayon?
"Nasaan na si Charles?" Tanong sa akin ni Paul. Nagkibit balikat na lang ako, bakit lagi na lang nila sa akin hinahanap yung lalaking yun? Hindi ba pwedeng iba na lang tanungin nila?
"Paul nakita ko na si Charles." Sigaw ni Wax kaya pati ako napalingon. Tinuro niya si Charles na kasulukayang may kausap na babae. Hinatak ako bigla ni Paul paharap ulit sa kanya. Kitang kita ko yung mukha niyang worried na worried.
"Ah, Shai tara doon kela Coreen." Hinatak ako ni Paul palayo sa kinatatayuan namin kanina. Alam kong ginawa to ni Paul para hindi ko makita si Charles.
Ano bang problema dun? Wala na akong paki!
Nilingon ko sila Charles, habang hatak ako ni Paul. Parang nag-slow motion ang paligid. Yung tipong bumagal ang oras ng makita kong tumatawa siya kasama yung babae niya.
Kanina lang sabi niya layuan ko si Steve. E siya, ano ginagawa niya? Nandoon sa may dalampasigan nakikipaglandian.
Bakit lagi niyang pinaparamdam na may pag-asa pa kami? Tapos pag aasa na ako, gagawa naman siya ng bagay na ikasasakit ko. Hindi ba pwedeng kung ako, ako lang? Kami lang?
Lagi ba akong may makakahati? Masyado na kong naguguluhan. Gusto kong bigyan ng chance ang relasyon namin. Pero sa tuwing buo na ang loob kong sumugal ulit lagi naman niya akong iniiwan sa ere.
Nakita ko sila Coreen na nakaupo habang nagtatawanan. Nilapitan ni Paul si Coreen at Ayi. Nakita ko pang lumingon sila Ayi sa tabi ko. Anong problema ng mga to? Nakita ko lang naman na may kasamang ibang babae si Charles?
Hindi na big deal sa akin yun. Nagawa niya nga akong iwan dati dahil sa ibang babae di ba? Hindi na bago ang sakit na hatid ng ginagawa ni Charles. Ano pa ba magagawa ko? Kung masaya siya dun sa kasama niyang babae, e di doon siya.
"Hey guys." Napalingon kaming lahat sa bumati sa amin. Nakita ko si Charles na abot tenga ang ngiti. Sa akin siya nakatingin, hindi ako nagkakamali. Lumapit siya sa akin at hinapit ang bewang ko.
Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Pagkatapos niya doon sa babae niya ako naman itong lalandiin niya? Excuse me! Hindi ako kagaya ng mga babae mo na pag wala kang magawa ako gagawin mong libangan!
Tinanggal ko ang hawak niya sa bewang ko at agad na umalis sa kinatatayuan ko kanina. Narinig kong tinawag ako nila Coreen pero hindi ko na sila nilingon. Wala na ako sa mood.
Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong lang doon. Alam kong dapat masaya lang kami kasi nandito kami para magbakasyon. Pero kung ganun si Charles, imposible talagang ma-enjoy ko tong bakasyon na to!
"Shai!" Narinig kong sigaw ni Ayi habang kumakatok. Ayoko na sanang bumangon sa kama ko pero naririndi na ako sa katok niya. Parang may kaaway! Sigaw pa ng sigaw. Kaya mas minabuti kong pansinin na lang kesa naman mas uminit pa ang ulo ko.
"Bakit?" Pagkabukas na pagkabukas ko sa pinti ay dali daling pumasok si Ayi at umupo sa kama ko. Nakasunod sa kanya si Coreen, kaya sumunod na rin ako.
"May problema ba kayo ni Charles?" Tanong agad sa akin ni Coreen. Otomatikong tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa tanong ni Coreen.
"Problema? Kami ni Charles? Wala! Walang wala! Bakit naman kami magkakaproblema di ba? Ang saya saya nga niya kanina habang kausap niya yung babae niya dun. Kung makatawa nga wagas e. Paano kami magkakaproblema?!" Sarkastikong sagot ko. Walang reaksyon akong tinignan ni Ayi habang si Coreen naman ay nagpipigil ng tawa.
Anong problema ng mga to?
"Selosa." Napalingon kami sa pinagmulan ng malalim na boses. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Charles na nakangiti ng nakakaloko. Nakahalukipkip pa ang mokong! Hindi ko pala naisara ang pinto!
"Magusap nga kayong dalawa ha!" Tumayo si Ayi at naglakad palabas sa kwarto ko. Ganun din naman si Coreen.
"Saan kayo pupunta?" Tumayo sila sa may pintuan.
"Ayoko ng drama. Nandito tayo to relax! Nakakastress tong pinaggagagawa niyo!" Iritadong sagot ni Ayi.
"Siya naman kasi ang may kasalanan e!" Tinuro ko si Charles na nakatayo pa rin dun sa pwesto niya kanina.
"Basta! Magusap kayo dyan ha! Paglabas niyo dito dapat magkasundo na kayo!" Sigaw ni Ayi sabay sara ng pinto. Nagulat pa ako dahil sa impact ng pagkakasara ni Ayi. Mukhang ayaw nga niya talaga sa stress.
Lumapit si Charles sa akin at sinubukan akong hawakan.
"Layo!" Iritado kong sagot. Narinig kong natawa siya ng sinabi ko ito. Baliw ba tong lalaking to? Galit na nga ako tapos pagtatawanan pa ko! Sinubukan niya ulit akong hawakan at ganun ulit ginawa ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Gusto kong magpumiglas pero di ko magawa. Siguro ay gusto ko din na yakapin niya ako kaya ganun.
"Hon..." Bumilis ang tibok ng puso ko ng sabihin niya ito. Ang tagal na ng huling tinawag niya ko nun. Namiss ko pala to. Sobra!
"...wag ka na magtampo. Wala lang yun. She's just a friend, ipapakilala kita sa kanya bukas. Okay. Wag ka ng ganyan. Alam mo namang ikaw lang di ba? Umpisa pa lang ikaw lang talaga." Iniharap niya ako sa kanya. Sinubukan kong iwasan ang mga mata niya pero pilit niyabg hinuhuli ang paningin ko. Kaya wala na akong choice, magkatitigan na kami ngayon.
Hinalikan niya ako sa noo at tinitigan ulit.
"Ikaw lang ang mahal ko hon. Tandaan mo yan." Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. This time napahawak na ako sa dibdib ko.
Pareho pa rin kami ng nararamdaman. Hindi nagbago. Ganun ko pa din siya kamahal. Kahit ang dami naming pinagdaanan. Ano pa nga ba ang iaarte ko? Matagal ko din siyang namiss kaya niyakap ko si Charles.
Mahal pa din kita Charles. Walang pinagbago.
Nakangiti lang ako habang sinusulit ang yakap ni Charles.