Part Twenty

906 42 0
                                    

Naghihintay na naman ako sa field. Wala pa yung dalawa kaya mag-isa ako ngayon. Pinagmamasdan ko na lang yung mga naglalaro ng football habang naghihintay.

Ang lakas nila sumipa! Hindi ako into sports pero humahanga din ako sa mga athletes dahil sa talent nila. Sinipa nung isang player yung bola, sa sobrang lakas nito ay hindi ito nahabol ng ka-team mate niya. Nanlaki na lang ang mata ko ng ma-realize na papunta sa akin yung bola!

Hindi na ako nakagalaw kaya pumikit na lang ako. Hinihintay na tumama sa akin ang bola pero ilang sandali na ang nakalipas at wala pa rin akong nadaramdaman. Dumilat na ako.

"Miguel?!" Hawak niya yung bola. Patakbong pumunta ang isang player para kuhanin ang bola at mag-apologize. Tumango lang si Miguel at pinagpagan ang damit niya. Tumayo ako at tinulungan siya sa pag-pagpag ng damit nito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito. Halata kasing tumama sa bandang tyan niya yung bola dahil sa dumi nito. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pag-alis sa dumi sa damit niya.

"Naku ang dumi ng damit mo."

"Kaya ko na." Saad nito pero hindi pa din ako tumigil sa pag-pagpag.

"Kaya ko na sabi." Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita kong nakatingin siya sa akin pero wala man lang ekspresyon ang mukha. Tinignan ko din siya ng nakakunot ang noo.

Bakit ganun? Bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko pagkahawak niya sa kamay ko? Tinignan ko ang kamay niya na nakahawak ngayon sa kamay ko. Napansin naman niya ito kaya tinanggal niya ito.

"Sa susunod kasi mag-iingat ka." Yun lang ang huli niyang sinabi at naglakad na paalis. Hinawakan ko ang isa kong kamay na hinawakan niya. Ramdam ko pa din ang init ng kamay niya. Nababaliw na ba ako o nagiging manyak lang?

"Uy! Tulaley?" Tulak sa akin ni Ayi. Kasama na din niya si Ashton.

Wala naman gaanong nangyari sa araw na to. Natapos lang ang klase pero this time hindi ko na naiisip si Charles. Hindi ko alam kung bakit. Dapat ko ba itong ikatuwa?

---

"Shaira! Tara na!" Sigaw ni mama. Nagmamadali na akong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Dahil sembreak ngayon ay nag-aya si mama na pumunta kay Lola. Hindi na ako nagreklamo tutal naman ay wala na rin akong magagawa.

Hinanda ko na ulit ang cellphone at earphones ko para sa mahabang byahe. Ilang buwan din akong hindi nakadalaw kay lola dahil sa sobrang busy sa school.

Nakatulog lang ako habang bumabyahe kami. Hindi naman masyadong mainit since Christmas season na. Nagising na lang ako ng pinapark na ni mama ang sasakyan sa harap ng bahay ni Lola. Pagkapark ay bumaba na rin ako.

Nagmano lang ako kay lola at kela tita. Sinabi ni tita na nasa kubo ang mga pinsan ko kaya matapos kong magpaalam ay doon ako dumeretso. As usual nandoon si Tina na nagbabasa ng libro, at si ate Phoem na mukhang napapadalas ang pagsama kela tita.

"Shai! Finally you're here!" Bungad sa akin ni Ate Phoem. Hindi ko inasahan ang bungad niya. Si Tina naman ay ibinaba ang libro para batiin ako.

"Kanina pa ako naghahanap ng makakausap, ayan kasing si Tina di na nanawa sa kakabasa!" Nakita kong umirap si Ate kay Tina. Si Tina naman ay niyakap ako at pinaupo sa tabi nito.

"Kamusta college life?" Tanong sa akin ni Tina. Nagkwento naman ako ng kung anu-ano. Naikwento ko rin si Ayessa at Ashton. Mukhang kilig na kilig pa si Tina kay Ashton. Panay kasi ang tanong niya after kong ipakita sa kanya yung picture naming tatlo.

Tinawag sandali ni tita si Tina kaya nagpaalam siya na pupunta muna sa bahay. Naiwan kami ni ate Phoem na ngayon ay panay pa rin tutok sa cellphone niya.

"Kamusta na Shai?" Kinamusta ako ni Ate at nagkwento din siya ng kung anu ano tungkol sa mga nakatext niya. Kinamusta niya din yung binigay niyang number sa akin.

"Nagkita na ba kayo?" Ngiting ngiting tanong nito sa akin. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot since ayoko na nga siyang pag-usapan. Hindi din naman pumasok sa isip ko na maaalala ko siya pag pumunta ako dito.

"Don't tell me hindi pa?" Umiling na lang ako.

"Well, before that may gusto sana aking sabihin." Nagtaka naman ako sa biglaang pagbago ng mood ni ate. Hindi ko naman maipinta o mapredict man lang ang nais niyang sabihin. Tahimik lang akong naghintay sa sasabihin niya.

"Honestly, kilala ko talaga yung may ari nung number." Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya ito, pero inalis ko din ito samisip ko dahil alam kong wala na ring saysay na malaman ko ito. Hindi na kami at wala na ring rason para may malaman pa ako tungkol kay Charles.

"Kabarkada siya ng barkada ko. Mukha namang nice guy at madalas ko rin siyang nakakasama dati kaya binigay ko sayo." Hindi ko na malaman kung dapat ko pa bang pakinggan ang sasabihin ni ate. Nagbabalik lang lahat ng sakit.

"Akala ko nga makikita mo na siya since isa lang naman ang university niyo. Ano, kamusta na ba kayo?" Bumagsak ang balikat ko ng malaman ito. All this time nasa isang university lang kami?

"Hindi mo pa ba alam?" Umiling lang ako.

"What? Hindi mo pa nakikita si Miguel?" Miguel? Halata namang napansin ni ate ang pagtataka ko. Kaya inulit niya ito. Nang makitang naguguluhan niya pa din ako ay nagsalita siyang muli.

"Charles Miguel Ventura? Hindi mo kilala? Ang alam ko sikat yun sa ECU dahil SC siya dun tapos may banda pa. Di mo talaga kilala?" Si Miguel at si Charles? Iisa lang?

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon