"Tara sa gitna!" Hinatak ako ni Ayessa. Halos makipagbungguan na kami sa mga tao sa field para lang makapunta sa gustong pwesto ni Ayessa.
Pagkarating namin doon ay agad ng tumalon si Yessa. Nakikisabay na siya sa mga tao sa pagsayaw. First time kong pumunta sa ganitong concert. Madalas sa net lang ako nanunuod at live stream pa. This time, totoo na!
Kusang tumaas ang kamay ko at sumayaw kasabay ng tugtog. Ang ganda pala kapag band concert. Yung tipong sumasabay din sa bawat tambol yung puso mo. Yung napapakanta ka ng sobrang lakas, at walang pakialam kung mawalan ka ng boses. Sobrang hilig ko sa music pero hindi ko akalaing mararamdaman ko yung ganito ngayon. Free. Yun lang ang nasa isip ko. Malaya akong nakakasayaw, nakakakanta, at walang humuhusga sa akin.
Nakailang tugtog pa at nag-aya na si Ayessa na kumain. Hindi ko na rin naramdaman ang gutom sa sobrang excitement at saya. Pumunta kami sa dulo ng field kung saan madaming tindahan.
"Dun ka na lang, ako na binili." Tinuro niya yung bench sa di kalayuan. Naglakad na ako papunta doon at umupo habang hinihintay na bumalik si Yessa.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung may text ba na galing kay Charles. Nadismaya lang ako ng malamang walang ni isang text na galing sa kanya. Busy kaya siya? Tulog na kaya?
Hating gabi na rin kaya siguro tulog na. Bakit di man lang nag-good night? Abala pa rin ako sa pagtetext ng may nag-abot sa akin ng kung ano. Kinuha ko lang ito at ni hindi ko man lang tinignan kung ano. Masyado akong preoccupied sa katotohanang hindi man lang ako tinetext ni Charles.
"Busy ka ba hon?"
Sent."Tulog ka na ba?"
Sent."Wala ka bang load?"
Sent."Hon?"
Sent."Honey?"
Sent."Nandito pa din kami sa concert ng school."
Sent."Good night. I love you!"
Sent.Para na akong obsess na obsess. Hindi lang ako sanay na hindi siya nagpaparamdam. Baka nga pagod lang kaya nakatulog na.
"Huy Shaira?" Puna sa akin ni Ayessa pero hindi ko pa rin siya tinitignan. Isang sulyap ulit sa cellphone ko at tinago ko na rin ito. Binalingan ko na si Ayessa, at nakita ko ang pagtataka sa mga mata niya.
"Ano problema mo?" Taka ko ring tanong.
"Kanino galing yan?" May nginuso siya at sinundan ko naman ito. Nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak akong isang red rose. Paano to napunta sa akin?
"Ano to?" Wala sa isip kong tanong.
"Bulaklak yan girl! Red rose! Kanino galing?" Tinignan ko pa ng mabuti. Saan to galing?
"Hindi ba ikaw ang may abot sa akin nito?" Tanong ko kay Ayessa. Umiling siya na parang may ibinibintang sa kanya na hindi niya ginawa.
"Bakit naman kita bibigyan niyan? Patingin nga." Kinuha niya sa akin yung bulaklak at inamoy pa. Inikot niya ito at doon ko lang napansin na may maliit na papel palang nakatali sa tangkay nito. Inagaw ko ito mula kay Ayessa at kinuha yung papel.
"Ano yan friend? Open mo na dali!" Madaling madaling utos niya.
YOU'RE ALL I EVER NEED,
BABY YOU'RE AMAZING,
YOU'RE MY ANGEL, COME AND SAVE ME."Oh my gad! May secret admirer ka! Angel ka daw!" Parang may naalala ako sa quote na to. Inisip ko ng mabuti pero di ko maaalala.
"Uy tara na! SC na next!" Hinatak na ulit ako ni Ayessa papunta sa harap. Ni hindi man lang ako nakakain o nakainom. Nakakabaliw naman kasi tong bulaklak na to. Hindi ko man lang nakita yung itsura nung nagbigay! Malay ko bang hindi si Ayessa yun.
"Don't the water grow the trees,
Don't the moon pull the tide,
Don't the stars light the sky,
Like you need to light my life..."Kanino kaya to galing? Di kaya may nantitrip lang?
"If you need me anytime,
You know I'm always right by your side,
See I've never felt this love,
You're the only thing that's on my mind..."Pulang rosas. Alam kong common pero ito ang paborito kong bulaklak. Nataon lang siguro dahil halos lahat naman ng babae ito ang gusto.
"You don't understand how much you really mean to me,
I need you in my life you're my necessity,
But believe me that you're everything,
That just makes my world complete,
And my love is clear the only thing that I'll ever see."Kung galing nga ito sa admirer ko, sayang lang, kasi aasa lang ang taong may bigay sa akin nito. May nagmamay-ari na sa puso ko at hinding hindi ko na siya ipagpapalit.
"You're all I ever need,
Baby you're amazing,
You're my angel come and save me."Nanlaki ang mata ko!
"Narinig mo?" Mukhang napansin din ni Ayessa. Tumigil ito sa pagsasayaw at tinignan ako. Wala pa rin akong kibo, mukhang tinakasan na ako ng kaluluwa ko.
"Friend, yun na yun ang nakasulat jan!" Oo alam ko! Matutulala ba ako kung hindi ko narinig. Nakatingin lang ako sa kawalan ng may maalala ako.
"I love you Shaira! Pwede ba kitang ligawan?"
Ito nga yun! Yung kantang kinanta sa akin ni Charles nung nanligaw siya. Natatandaan ko na!
Bumalik lahat ng naramdaman ko nung panahong kinakantahan niya ako. Yung kahit sa phone lang naman, ang epekto sa akin parang hinaharana talaga ako face to face at tipong nakaluhod pa siya habang kumakanta. Tagos na tagos yung kilig! Parang um-expressway sa signal ng phone papunta sa puso ko.
Tinignan ko kung sino ang kumakanta at nakita ko si kuyang SC na naghatid sa akin sa room.
Tumaas ang balahibo ko ng makita kong nakatingin din siya sa akin. Nag-i-imagine lang ba ako o nababaliw na talaga ako? Tinitignan niya ako sa mata habang kumakanta siya. Parang ayaw ng kumalas ng mata ko sa pagtitig.
"Uy di ba yun yon?" Nabalik lang ako sa wisyo ko ng alugin ni Ayessa yung balikat ko.
"Ah. Line lang pala sa kanta e. Akala ko kung ano na." Agad kong sabi pagkabawi ko mula sa pagkatulala. Tinignan ko ulit si kuyang SC, hindi na siya nakatingin sa akin.
"Imagination lang ang lahat." Patuloy kong sigaw sa isip ko, hanggang sa makauwi kami ni Ayessa.