Part Fifty-Two

682 32 0
                                    

"Bakit ngayon ka lang?" Nagtatakang tanong nila Coreen sa akin. Nagtatampisaw na ang mga kasama namin sa dagat. Ako naman heto kakagising lang. Masyado talaga akong napagod kaya natulog muna ako. Wala rin ako sa mood kanina kaya minabuti ko munang magpahinga.

"Nakatulog ako." Umupo ako sa tabi niya. Nag-iisa lang siya sa kubo habang si Dex naman ay lumalangoy na. Nagtaka naman ako kung bakit di siya sumama doon. Halata pa namang nag-eenjoy si Dex kasama ang mga boys.

"Bakit di ka pa lumangoy. Ayun na si Dex o." Tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi siya basa kaya alam kong di pa siya lumulusong. Tinignan naman niya ako ng siryoso.

"Hinintay talaga kita." Tumango naman ako. Inilibot ko ang mata ko pero di ko nakita si Charles.

"Si Charles ba? Ayun o may kausap sa phone." Napatingin ako sa gawi kung saan itinuturo ni Coreen. Nakita ko ngang may kausap si Charles. Nakapameywang pa ito habang nakangiti sa likod ng telepono niya. Hindi ko naiwasang mapabuntong hininga sa nakita ko.

"Nasabi sa akin ni Ayi. Totoo bang nagseselos ka dun sa kausap niya?" Bumuntong hininga na lang ako. Ayoko sanang aminin pero siguradong hindi din ako papaniwalaan ni Coreen.

"Hindi ko alam. Naguguluhan ako." Tanging sagot ko sa kanya.

"Paanong naguguluhan?" Tanong naman niyang pabalik sa akin.

Basta ang alam ko, naiinis ako sa tuwing binabalewala niya ako kapag kausap niya si Era. Yung kapag tumawag si Era laging siya muna, tapos ako mamaya na lang ulit. Yung ganun." Lumapit sa akin si Coreen. Nakita ko kung gaano siya ka-sincere. Nilingon ko ulig si Charles at hanggang ngayon ay nakababad pa rin sa telepono.

"Bakit di mo siya tanungin kung sino yun?" Bakit pa? Halata naman kung sino si Era sa kanya. Kilala ko si Charles, hindi ka niya pagaaksayahan ng panahon kung di ka importante sa kanya. Parang yung kay Vika lang, sa sobrang pagpapahalaga ni Charles sa kanya kaya niyang gawin ang lahat. Ngayon, sa sobrang importante ni Era sa kanya kaya niya akong isantabi muna.

"Hindi kaya wala na talaga kaming chance? Baka mamaya ako na lang pala itong umaasa. Baka mamaya ma-fall na naman ako ng sobra tapos ako na naman ang masaktan sa huli." Bakit suddenly bumaliktad ang mundo? Dati ako ang sinusuyo ni Charles. Dati gusto niyang bumalik ako sa kanya. Ngayon, ako na lang ang may gustong bigyan pa ng pagkakataon ang relasyon namin. Siya, ayun kuntento na sa pakikipagusap sa telepono.

"Shaira, wag ka munang sumuko. Ang aga pa para magtaas ng white flag. Hindi ka pa nga lumalaban." Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Coreen na subukan pa. Inaya niya na akong lumangoy at pumayag naman ako. Sabay kaming lumusong at nagtampisaw sa dagat.

Hindi lang kami ang tao dito sa beach resort. Yung iba nauna sa amin habang yung iba kakadating lang din. Madami ding turista. Maganda kasi sa beach resort na to dahil bukod sa white sand ay napakapuno pa.

"Hi." May lalaking lumapit sa akin. Kung titignan mo ay halatang may lahi siya. Makapal ang kilay at kulay asul ang mga mata. Nginitian ko lang siya.

"Are you alone?" Tanong nito sa akin.

"No, I'm with my friends." Tumango siya bilang tugon. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. First time niya daw na pumunta dito sa beach resort na to, gaya ko. Pero hindi daw ito ang unang beses na nakapunta siya sa beach sa Pilipinas. Syempre napuntahan niya na ang Boracay.

Nang medyo naggagabi na ay umahon na ako. Noon ko lang naalala na wala pala akong dalang robe or towel man lang.

"Is there a problem?" Tanong sa akin ni Steve. Sabay kasi kaming umahon.

"I forgot my towel." Sagot ko. Tumakbo siya papunta sa kabilang cottage at bumalik na may dalang robe. Niladlad niya ito at tinulungan akong isuot. Nagpasalamat ako at tumango naman siya. Nagpaalam na ako at nginitian niya lang ako. Nakita ko pang patakbo siyang bumalik sa mga kasama niya.

Nauna ng pumanik sila Vinz at Paul dahil masyado ng late para sa mga bata. Pumanik na rin ako para makaoagbihis na. Masyado akong nalibang dahil kay Steve. Hindi ko namalayang maggagabi na.

"Sino yun?" Nagulat ako ng biglang may bumulong sa tenga ko. Agad akong napalingon at nakita ko si Charles. Napairap na lang ako at binuksan na ang pinto ng kwarto ko. Naghalungkat ako sandali sa mga gamit ko para kumuha ng isusuot bago dumeretso sa banyo para maligo.

Tatanong tanong siya kung sino yun? So wala akong karapatang makipag-usap sa iba pero siya pwede. Hay, napaka-unfair naman ata nun.

"Sa kanya ba to?" Tanong niya habang hawak hawak ang robe na suot ko kanina. May nakaburda kasing pangalan ni Steve sa may bandang left side ng dibdib. Inagaw ko sa kanya ang robe ni Steve at ini-hanger ito.

"Labas na." Tumayo ako sa may bandang pintuan habang pinapatuyo ang buhok ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin.

"Layuan mo yun." Utos niya sa akin. Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Sino ka ba para sabihan ako ng dapat kong gawin? Ni minsan ba may narinig ka sa akin sa tuwing kinakausap mo si Era? Pinagbawalan ba kitang sagutin lahat ng tawag nun? Ano ba ang karapatan mo?" Hindi siya nakaimik. Mas lumapit siya sa akin. Ito na naman siya sa mga lapit lapit niya. Tinulak ko siya ng malakas pero di man lang siya natinag.

"Ano ba Charles?! Lumayo ka nga!" Bago ko pa siya matulak ulit ay nahawakan niya na ang kamay ko. Ipinatong niya ito sa balikat niya.

"You're jealous." Ngumiti siya ng nakakaloko. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Pinilit kong tanggalin ang kamay ko pero di ko magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya.

"No I'm not!" Sigaw ko sa kanya.

"Sabagay bakit ka nga ba magseselos e hindi naman tayo." Para akong binagsakan ng bato sa ulo dahil sa sinabi niya. Ang gusto ko na lang ngayon ay kainin ako ng lupa. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Mas masakit pala pag sa kanya na nanggaling.

"Oo nga naman. Hindi mo nga pala ako girlfriend at hindi din kita boyfriend." Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung nangingilid ba mga luha ko o sadyang namumula lang ang mukha ko. Wala naman kami pero bakit nagseselos din siya kay Steve.

"So wala ka ring karapatang pagbawalan akong lumapit kay Steve." Napakunot ang noo niya. Naiilang pa rin ako sa sobrang lapit namin. Ramdam ko pa ang hininga niya sa leeg ko.

"May karapatan ako." Nanginig ang tuhod ko sa pagkakasabi niya nito. Parang isa pang sagot ko ay sasabog na siya.

"Wala Charles! Get off!" Sigaw ko sa kanya. Pinilit kong wag manginig ang tuhod ko dahil sa ginagawa niya. Buti na lang ay nakapatong ang mga braso ko sa balikat niya.

"Meron Shaira. Meron. Stay away from that guy or else..." Naramdaman mo na naman ang hininga niya sa leeg ko.

"Or else what?" Nagipon ako ng lakas para isigaw ito sa kanya.

"Or else I'll mark my territory." Lumayo na siya sa akin at lumabas sa pinto. Napaupo na lang ako sa sahig habang pinapakalma ang sarili.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon