Late ng natapos ang concert kaya magmamadaling araw na ng magpasundo kami kay mami.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong sa akin ni mama. Kaming dalawa na lang ang nasa sasakyan since naihatid na namin si Ayessa. Sa daan lang nakatuon ang mata niya. Wala pang gaanong sasakyan sa daan kaya mabilis lang ang byahe namin. Pinabuksan ko rin kay mama yung mga bintana dahil malamig ang simoy ng hangin.
"Sobra mama." Halata sa boses ko ang pagod at saya. Sa labas lang ako ng bintana nakatingin. Pinagmasdan ko ang mga tindahan na sarado na, yung mga lamp post na nagbibigay liwanag sa kalsada, at ang mga bituin sa madilim na kalangitan.
"Kanino galing yan?" Napatingin ako kay mama dahil sa tanong niya. Nakalimutan ko palang itago yung rosas. Hanggang ngayon pala ay hawak ko ito.
"Nabili ko po dun. Maganda ba ma?" Mabilis kong natakasan ang tanong ni mama. Buti na lamang ay gumagana pa ang utak ko sa ganitong oras. Hindi na muli pang nagtanong si mama kaya wala na ring nagsalita sa amin.
Nang makauwi kami ay agad akong dumeretso sa kwarto ko para matulog. Agad kong hinubad ang sapatos ko, at nakaramdam ng sakit. Kung sinu sino ba naman ang umapak akin, talagang sasakit ang paa ko.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text si Charles.
"Sorry hon busy lang."
"Kamusta ka dyan?"
"Napagod ako."
"Nag-enjoy ka ba?"
Sunod sunod din niyang text sa akin. Nagbihis muna ako bago siya replyan. Gusto ko pa sanang maligo dahil nanlalagkit ako sa pawis pero di ko na nagawa. Ang gusto ko na lang ay matulog.
Worth it naman ang pagod at apak ng mga tao sa paa ko dahil sobrang nag-enjoy ako. Kinuha ko yung cellphone ko na pinatong ko sa bedside table. Nakita ko yung rosas na binigay sa akin. Tinitigan ko ito at inisip kung kanino nga ba galing yun. Natigil lang ako sa pag-iisip ng magvibrate ng sunod sunod ang phone ko. Tumatawag si Charles.
"Hello?" Bungad niya sa akin. Na-miss ko ang boses niya, kahit magkausap naman kami nung isang gabi.
"Hi. Kamusta?" Casual kong tanong. Mukhang malat ata siya o pagod lang?
"Okay naman. Nag-enjoy ka ba sa concert na pinuntahan mo? Magkwento ka naman." Malambing niyang usal. Lagi niya akong tinatanong kung kamusta araw ko. Lagi din siyang nakikinig sa mga walang kwenta kong kwento. Yung tipong maging ako naiirita sa sarili ko dahil sa sobrang daldal ko sa kanya pero siya tuwang tuwa. Gustong gusto daw niyang naririnig ang boses ko.
"Grabe hon, sobrang nag-enjoy ako. Para akong batang binigyan ng bagong laruan sa sobrang saya. Ganun pala hon pag sa live no? Ganito din ba nararamdaman mo kapag nanunuod ka ng k-con?" Tumawa siya ng mahina. Halatang pareho kami ng nararamdaman. Parang navivisualize ko siyang tumatango at tumatawa. Nakakarelate kumbaga.
"Alam mo hon hindi na nga ako gaanong nakakapunta sa k-con e. Nagfofocus kasi ako sa banda ko ngayon." Nanlaki ang mata ko. Nagbabanda na siya ngayon? Oo alam kong maganda siyang kumanta at marunong siyang mag-gitara pero di ko alam na bumuo pala siya ng banda or may banda na talaga siya pero di niya nabanggit.
"May banda ka?" Simpleng tanong ko?
"Oo. Pero hindi naman banda na naggigig. Para lang sa school. Kaso ngayon parang gusto na ata nilang ilabas yung banda kaya nagfofocus kami sa pagsali sa kung saan saan." Parang biglang kumislap ang mata ko sa sinabi niya. Naimagine ko kasi na kapag may banda na siya at manunuod ako. Naimagine kong tumitingin siya sa akin habang kumakanta.
Kakaimagine ko biglang pumasok sa isip ko si kuyang SC. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang titig niya sa akin. Kung imagination man lahat ng yun ay hindi ko alam. Grabe! Bakit bigla siyang pumapasok sa isip ko?
"Hon?" Nagising ako sa kakaisip ng marinig ko ang boses ni Charles sa kabilang linya.
"Sorry hon. Nasaan na nga tayo?" Dumapa ako sa pagkakahiga.
"Sabi ko ikaw kako ang number fan ko pag nagkataon. Sige hon, tulog na tayo pagod na rin ako. Tsaka magpahinga ka na rin kasi siguradong napagod ka. Mahal na mahal kita honey!" Napakasweeg niya talaga. Kapag ganito siya sa akin naiisip ko na kahit hindi ko pa nakikita ang itsura niya mamahalin ko pa rin siya maging sino pa siya. Yung ang tanging nagpapainit sa relasyon namin ay purong pagmamahal. No physical attraction involved.
"Mahal na mahal rin kita hon. Good night!" And that ends the call.
Tumihaya ako mula sa pagkakadapa. Bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si kuyang SC? Sigurado naman akong hindi ako ang tinitignan niya. Baka nagkataon lang or yung katabi ko talaga tinitignan niya, nagassume lang ako?
Naalala kong hindi ko pala naikwento kay Charles yung rose maging yung co-incident na line ng song na kinanta ng SC.