Ano itetext ko ba?
Kanina pa ako nakaharap sa phone ko. Kanina pa din ako gising at iniisip ko kung dapat ko bang itext si Charles. Hindi naman kasi siya nagtetext. Hindi kaya hindi na talaga niya ako itetext?
"Shaira kakain na!" Narinig ko na ang boses ni mama. Agad akong bumaba at pumunta sa kusina. Tinulungan ko siyang ayusin ang hapag at maghain. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at ganun din sa kanya.
"Pagkatapos mong kumain urungan mo na ang mga plato. Magbibihis na ako at may pupuntahan lang kami ng tita mo." She stood up and left me. Saan na naman kaya sila pupunta? I did what I was told, I wash the dishes and I also folded our clothes for the sake of doing something.
"Ang init!" I just finished taking a bath pero mukhang pinagpapawisan na naman ako. I turned on the aircondition then sit in front of the mirror and comb my hair. Habang nagsusuklay ako, naalala ko yung phone ko. I immediately looked for it and when I found it nakita kong sumasabog na ang inbox ko sa dami ng text messages. At first akala ko mga promos but when I opened it kay Charles galing lahat!
"Slr. Kakagising ko lang."
"Kamusta?"
"Kumain ka na?'
"Busy ka ba?"Iilan lang yan sa mga text niya sa akin. Hindi ko naman akalain na kaya pala siya hindi nagpaparamdam ay dahil tulog pa siya. I should be sensitive sometimes, dapat naisip ko yun. Anyways, dahil sa dami ng text niya nireplyan ko siya agad.
"Sorry Charles nakaligtaan ko yung phone ko sa kwarto. Kamusta?"
Sent.I was waiting for his answer ng nagulat ako ng makita ang phone number at name niya na nagbiblink sa screen ng phone ko. He's calling! Oh my gad! Ano gagawin ko? Sagutin ko ba agad? Hintayin ko ba muna ang 3 rings? Sa huli napili kong sagutin na lang.
"Hello?" Ang lamig ng boses niya! Is this for real?
"Hi." Yan lang ang naisip kong isagot! Natinig kong tumawa siya sa kabilang linya! Pinagtatawanan niya ba ako?
"Are you making fun of me?"
"What? No, no! I was just laughing kasi ang awkward. Did I offended you? I'm so sorry." He explained. Ako naman ngayon ang natawa. Well, that was kinda cute. Hahaha!
"No, it's my fault. Sorry. I just over reacted." Nahiga ako habang kausap siya. We started talking about the things that we both like.
"You know what. Natutuwa ako kasi finally may nakakaintindi na sa hilig ko." Na-curious naman ako sa sinabi niya.
"Bakit, wala bang nakakaintindi sayo?" Yan lang ang nasabi ko. Nakakaconfuse kaya. Parang ang lungkot pa ng pagkakasabi niya.
"Kasi yung ex ko hindi masabayan ang hilig ko. I always attend k-con kasi tapos siya she kept on saying na itigil ko na ang pagsali dun. Ayun yung hilig ko sa kpop ang naging dahilan ng pakikipagbreak niya sakin." Nalungkot ako ng konti. Parang nakarelate ako ng very light. Gnayan din kasi ang situation ko, I also like things na hindi maintindihan ng iba, like kpop, music and gadgets.
My mom was my number one enemy pag yan ang usapan. Don't get me wrong pero hindi kasi siya sangayon sa pagkahumaling ko sa mga kpop stars. One time, nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa concert ni Lee Min Ho ofcourse hindi niya ako pinayagan. She told me that I will just waste my money kasi hindi naman importanteng bagay yun.
Mahilig din akong manuod ng korean drama mapa sa internet pa yan, tv or dvd's. Tuwing nakikita ako ni mama na nanunuod ng ganung palabas lalo na yung tagalized lagi niya akong pinagagalitan.
"Nanunuod ka na naman ng ngongo!" At first di ko nagegets kung ano ba yung sinasabi niya at paano naging ngongo pero nung inexplained niya sa akin napa 'now I know' na lang ako.
"Bakit daw ngongo?" Tanong sa akin ni Charles.
"Kasi iba daw kasi ang sinasabi sa buka ng bibig kaya parang ngongo daw." Narinig kong natawa na naman siya sa kabilang linya. Hindi ko naman siya masisisi kasi nakakatawa naman talaga yung sinabi ni mama.
"Teka. Yung dati mong girlfriend hiniwalayan ka dahil sa hilig mo sa kpop? Ang unfair naman ata nun?" Kung iisipin mo parang hindi naman ata tama. Dapat sa lahat ng tao isa siya sa iintindi sa boyfriend niya. Tsaka ang babaw naman kung yun lang ang dahilan.
"Well, that's life. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin na manatili kung ayaw niya na talaga." Sabagay. Kung ipagpipilitan mo pa ang isang bagay mas hihirap lang ang sitwasyon.
"Shaira!" Narinig kong sigaw ni mama. Nakauwi na sila! Masyado ata akong nalibang kakakwento.
"Sorry Charles, I have to go." Nagbabye siya at tsaka ko in-end ang call.
Nakangiti akong bumaba at sinalubong ko sila mama at tita. Hindi ko maiwasang ngumiti ng todo. First time ata nangyari sa akin yun. Ang makapagkwento ako ng mga bagay na talaga namang gustong gusto ko. At ito din ang unang beses na may nakatiis makinig sa mga kwento kong madalas ay nasasabihang walang sense.