Buti na lamang ay gabi na kami nakauwi kaya yung iba ang pagod na pagod na. Ako man ay dumeretso na sa kwarto ko. Ayokong makasalubong si Miguel sa baba. Baka kung ano na naman ang sabihin niya, ikasira pa ng bakasyon ko.
Hindi alintana ng iba ang paggising ng maaga. Day two ng El Nido trip namin at so far nag-eenjoy talaga ako ng sobra. Pagbaba ko ay nakaupo na silang lahat sa dining table. Ako na lang pala ang hinihintay. As usual, nakareserve na ang seat ko sa pagitan ni Ayi at Vinz.
"Good morning!" Masiglang bati sa akin ni Vinz. Nginitian ko siya at iniwasang iikot ang paningin sa iba pa. Kagabi ay may naisip akong paraan para hindi gaanong malapit kay Miguel. Ang dapat ko lang gawin ay wag lumayo kay Ayi o kay Vinz. Hindi ko maaasahan ngayon si Ashton dahil abalang abala siya kay Coreen.
"Guys, island hopping ulit tayo! If I were you, magbabaon na ako ng maraming sunblock dahil balita ko ay mag-i-snorkeling daw tayo." Napapatalon pa si Wax, habang ibinabalita ito sa akin. Pagkatapos namin kumain ay nagsimula na kaming gumayak.
"Mam, sir. Tara na po." Isa isa kaming nagsisakay sa van. Pagkadating namin sa second trip ay agad kaming sinabihan kung saan kami pupunta at kung ano ang dapat at hindj dapat gawin during the trip. Lahat naman ay nakinig, kahit si Wax ay parang naiihi na na hindi mo maintindihan dahil gusto na talaga niyang simulan ang trip.
First stop ay sa Snake Island, huminto ang sinakyan naming bangka sa dalampasigan at isa isa kaming bumaba dito. This island is so beautiful! Yung pakiramdam na halos hindi ka makapaniwala na nageexist ang ganitong place.
"Di ko gets? Bakit tinawag tong snake island kung wala ka namang makikitang snakes?" Tanong ni Wax. Naconfuse tuloy yung iba sa tanong niya. Sila Jack ay tumawa lang.
"You wanna know why? Tara." Inaya kami Vinz kaya sumunod lang kami. Hawak niya ang kamay ko while we're climbing up sa nearby hill na makikita dito. We waited til everyone reached the top.
"Guys, look." Tinuro ni Vinz ang S-shaped na sandbar na kitang kita sa tuktok! Worth it ang pag-trek namin dito sa taas! Napa-wow na lang ang lahat ng malaman kpang secret behind the snake island. It's not literally snake but its the snake shaped sandbar.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko kay Vinz. Nginitian niya ko.
"I searched it." We laughed and enjoy the view. Ang ganda dito. Nakakabusog! Lahat ng bibisita dito sa El Nido dapat makita to. Sobrang unique! Kinuha ko ang cam ko sa bag ko at pinicture-an and view. This is one of the great place to go to for island hopping.
We're overwhelmed by the view kaya walang nakaalala sa amjn na ito pa lang ang napupuntahan namin sa mga island. Parang wala ng gustong umalis dahil dito pa lang ay sulit na. Nakailang pictures din ako, good thing readg ako kaya I bought extra memory cards. Ayokong masayang ang view kaya I keep on taking photos of it.
"Sa Cathedral Cave po sunod natin." Kasalukuyan na kaming nakasakay sa bangka. Hindi pa din kami makamove on sa Snake Island kaya yun pa din ang topic ng bawat isa. Well, sa ganda nun hindi na ako nagexpect na may makakatalo pa doon.
Pagkarating namin doon ay mukhang kakain ko ang sinabi ko. Cathedral Cave is so beautiful! Its a little cave which is a nice change of scenery after having thoroughly enjoyed El Nido's abundant islands. From beautiful islands to impressive cave.
"Guys tara pasok tayo." We were guided by kuyang tour guide para makapasok kami sa loob ng cave. Nag-snorkel kami para makarating sa loob. Medyo mahirap pumasok dahil sa makipot lang ang entrance. To get in to the cave requires a fairly easy effort to crawl through a little hole.
When we got inside, I must say that this is a nice place to drop by. Ang ganda ng rock formation! Kuhang kuha ang bawat ganda with the help of my camera. Sobrang ganda pa ng effect nv sunlight na tumatagos lamang sa maliit na entrance ng cave.