Part Forty-Two

676 29 0
                                    

"Ang aga mo namang babalik? Akala ko ba 3 months ang leave mo?" Nandito kami ngayon sa bahay ni Wax. Sabi kasi niya hindi siya pwedeng umalis dahil nandito yung girlfriend niya. Kaya instead na di kami matuloy na magkita kita ay sa bahay na lang niya kami pumunta.

"Kailangan ko na daw kasing bumalik dahil medyo dumami ang naghihintay sa aking work." Paliwanag ko. Ayoko pa naman talagang bumalik sa states pero hindi naman pwedeng iwan ko lang ang trabaho ko. Kagabi tumawag sa akin ang sekretarya ko at pinapakiusapan akong bumalik na as soon as possible.

"Ano ba naman yun. Sana hindi ka na humingi ng vacation leave. Ganun din pala't sila rin ang masusunod." Reklamo ni Ayi. Natatawa na lang ako dahil sa sobrang clingy niya kay Ash. Ngayon ko lang nakita na ganyan kumilos si Ayi. Mukha naman talagang mahal niya na si Ashton e. Tapos halata din naman kay Ash na mahal na mahal niya si Ayi. Yung tingin pa lang niya dito sobrang makahulugan na.

"Okay lang naman. Nakapagbakasyon na naman ako. Nakasama ko family ko, pati na rin kayo." Dumating na ang mga pagkain na pinahanda ni Wax. Tumulong pa ang girlfriend niya sa paghatid nito. Pagkalapag ng mga pagkain ay umupo na ang girlfriend ni Wax sa tabi niya.

"Thanks babe." Nagkiss pa silang dalawa.

"Biglaan naman yan Shai. Paano yan e di hindi mo man lang ako maaabutan manganak? Next month na due ko akala ko pa naman nandito ka." Bahagyang may pagtatampo sa boses ni Coreen. Ngayon pa lang nalulungkot na ako, lalo na't pagbalik ko sa states mag-isa na lang ako. Hindi pa naman sasama si Vinz at Andrei. Siguradong tatahimik sa bahay.

"Hayaan mo na Coreen, hayaan mo pag nagle-labor ka na mag-i-skype kami ni Shai para kita niya pati pag-ire mo." Biro ni Ayi kay Coreen na nagpatawa naman dito.

Naagaw ang atensyon namin ng dumating na ang mag-ama. Patakbong lumapit sa akin si Andrei at hinalikan ako. Niyakap ko naman itong mahigpit at ganun din ang isinukli niya sa akin.

"Is it true mami? You'll be traveling back in states?" Tumango naman ako. Lumapit sa akin si Vinz at nakipagbeso.

"Mami just stay here please." Hinimas ko ang buhok ni Andrei. Mukhang matatagalan pa tong anghel na to bago bumalik sa states.

"Andrei, wag mo ng kulitan ang mami mo. She already granted your wish to come here kaya wag ng makulit. Your tita mami need to work." Nagpout naman si Andrei at umupo sa lap ko. Hinalikan ko naman ito sa pisngi. Grabe, mukhang ito na ang pinakamahirap na pag-alis ko.

"Biglaan naman talaga kasi." Nakita ko pang napapailing si Paul habang sinasabi ito. Pinipigilan kong umiyak. Kasi naman sa ipinapakita nila pakiramdam ko napakaimportante ko para pigilan nilang umalis. Ramdam ko talagang importante ako sa kanila. Hindi ko na napigilan kaya dumukdok ako sa likod ni Andrei at mahinang humikbi.

"Huy Shai?" Naramdaman kong may humihimas sa likod ko. Mas lalo tuloy akong naiyak. Tumayo si Andrei sa pagkakaupo sa lap ko at dumukdok na lang ako lalo para di nila makita na umiiyak na ako.

"Hala ka Paul! Pinaiyak mo si friendship!" Naririnig ko silang nagsisisihan kung sino ba ang nagpaiyak sa akin. Sa totoo lang naman ay silang lahat ang may kasalanan. Masyado kasi silang napamahal sa akin ayan tuloy simpleng goodbyes lang naiiyak na ko.

"Tahan na." Nagulat ako ng biglang may lumuhod sa harap ko at niyakap ako. Mas naiyak tuloy ako. Niyakap ko na lang siya at umiyak sa balikat niya. Lumakas pa lalo ang hikbi ko habang hinihimas niya ang likod ko. Sobrang labo na ng pangingin ko dahil sa mga luhang tumutulo mula rito.

"Tahan ka na Shai." Tumikhim pa si Ashton bago magsalita. Unti unti naman akong tumahan na.

"Shai tama na." Napatayo ako dahil may humatak sa akin. Nakita ko si Vinz na kasalukuyang pinupunasan ang mukha ko.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon