Part Thirty-One

826 35 0
                                    

"Sigurado ka na ba dyan Friend?" Nakakulong pa din kami sa kwarto. Ayoko munang lumabas dahil alam kong pag nagkasalubong kami ni Miguel ay mangungulit na naman yun. Ayoko ng marinig ang explanation niya! Tanggap ko na naman e. Tanggap ko na na may iba siya, pero sana hayaan naman niya akong mabuhay ng mapayapa.

Sa tuwing kumakawala na ako sa kanya lagi siyang gumagawa ng paraan para hatakin ako pabalik. Napakadaya niya talaga! Siya, pwede siyang humanap ng iba pero ako hindi. Pwede siyang makipagsex at bumuntis ng babae pero ako makahanap lang mg lalaking ipapalit sa kanya di ko magawa. Ganito ba talaga ka-unequal ng pagmamahal?

Inayos ko na ang mga gamit ko. Ang original plan ay 5 days akong mag-i-stay dito pero wala na akong pakialam dun. Gusto ko na lang umuwi na at magkulong sa kwarto ko.

"Tulungan na kita Shaira." Nilagay ni Coreen ang mga damit ko sa bag ko. Ako naman ay inayos ko ang mga toiletries ko. Si Ayi naman ay panay ang sunod sa akin.

"Okay. If you're really sure na uuwi ka na, sasama na ako sayo." Natigilan ako sa sinabi ni Ayi. Naglakad siya papunta sa closet niya at kinuha lahat ng damit niya at yung bag niya. Nagsimula na siyang magayos. Nilapitan ko siya.

"You don't have to do this Ayi. Ayos lang ako. Kaya ko na. I don't want to ruin your vacation. Stay, please." Pinigilan ko siya sa pagaayos ng gamit niya. Napaupo siya sa kama at ganun din ako. Si Coreen naman ay nilapitan kami at tumayo sa harap namin. Naappreciate ko naman ang effort niyang tumulong. Mas mainam sanang bonding ito, yung nasa kwarto lang kayo, getting to know each other pero sobrang wrong timing.

"This vacation is over Shai. It was ruined! Its not because of you, its because of him. Ang hindi ko kasi maintindihan sa lalaking yan ay kung bakit ka pa ba niya ginugulo?" Tumingin siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. I can see na masyado siyang apektado sa nangyayari.

"Imposibleng hindi niya alam na ikaw ang girlfriend niya Shai! He's just pretending, nakikita ko yun. His actions says it all! Halata siya masyado. Obvious na may nararamdaman siya sayo." Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Yun na nga ang hindi ko maintindihan sa kanya e. Kung bakit kailangan niya pang itago sa akin? Bakit hindi na lang niya sabihin na siya si Charles? Bakit?

"Maybe he's afraid na pag sinabi niya sayo layuan mo siya. Sorry, I don't know the whole story but I think he's just waiting for the right time na sabihin sayo yun. Pero siguro yung timing na akala niya ay tama na ay mali pala." Napatingin kami ni Ayi kay Coreen. She's looking at me na para bang sinasabi niya ito para maliwanagan ako.

"Pero bakit ganun. Siya naman ang nakipaghiwalay. Bakit kailangan niya pa akong guluhin?" Tumabi sa akin si Coreen. Humikbi na lang ako para mailabas ang sama ng loob ko. Ayoko ng magpanggap na hindi nasasaktan. Masyado na akong sira para itago pa ito.

"Siya lang ang makakasagot niyang tanong mo." Sagot ni Coreen. Tinulungan niya akong tumahan. Nang maayos na ako ay tinuloy namin ang pageempake. Nakisama na rin si Coreen sa pagiimpake ng gamit dahil wala na din daw siyang dahilan para mag-stay pa dito.

---

"Lets go." Madaling araw pa lang ay umalis na kami sa bahay nila Jack. Na-guilty tuloy ako dahil aalis kami ng may hindi magandang nangyari. Suportado naman kami ni Jack dahil tinulungan niya kaming umalis ng hindi nalalaman ni Miguel. Ako, si Ayi, si Coreen, si Vinz at si Ash ang uuwi na sa Manila.

Pagkadating namin sa airport ay sinundo kami ng driver nila Ash. Unang hinatid si Coreen bago si Vinz.

"Answer my calls, okay?" Habilin sa akin ni Vinz bago pa kami umalis. Ako na ang susunod na ihahatid nila. Sibrang tahimik sa sasakyan dahil hindi nagsasalita si Ash at Ayi. Anong oras na din kami nakauwi kaya malamang ay pagod na ang mga ito.

"Alam kong fresh pa ang nangyari kaya hindi kita pipiliting magkwento pero Shai I want to know everything. I'm also your friend, I don't want to see you hurt like that." Niyakap ako ni Ash at hinalikan sa noo. Naging unfair din ako sa kanya dahil hindi ko sa kanya nabanggit ang tungkol sa amin ni Charles. Wala siyang alam sa pinagdaanan ko noon.

"Are you sure okay ka lang? I can sleep here para may kasama ka." Tanong sa akin ni Ayi. Tumanggi na ako dahil ayoko na silang abalahin. Masyado na silang nadamay sa issue namin ni Charles. Tama na yun, ayoko ng dagdagan pa.

Hinintay nila akong makapasok sa loob bago sila umalis. Mabuti na lamang ay wala si mama dahil nag-grocery daw. Sa kwarto na ako dumeretso at tsaka humiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang antok dahil buong byahe ay hindi ako mapakali. Umidlip lang ako sandali.

"Shaira, gumising ka nga dyan!" Nagising ako dahil sa katok ni mama. Tumayo ako ay pinagbuksan siya.

"Ano ba yang itsura mo? Magayos ka nga, nasa baba si Vinz." Umalis na si mama. Pumasok naman ako sa banyo para magshower sandali. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at halatang halatang may nangyari sa aking hindi maganda. Sinubukan kong ngumiti pero hindi ito umabot sa mga mata ko.

Pagkabihis ko ay bumaba na ako para harapin si Vinz. Naguusap sila ni mama at mukhang tuwang tuwa siya sa ikinekwento ni mama. Madali niyang nakagaanan ng loob si mama at papa. Hindi ko nga inasahan na ganun ang magiging reaksyon nila kapag nagpakilala ako ng kaibigang lalaki. Si Ash din naman ay kilala nila pero mas madalas kasing makita ni mama si Vinz.

"Vinz." Nahinto sila sa paguusap ng tawagin ko si Vinz. Tumayo na si mama at nagpaalam na nasa kwarto lang siya.

"Kamusta ka na?" Tumayo si Vinz ag hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming umupo at tinignan niya ako sa aking mga mata. Ayoko na sanang pag usapan pa ang nangyari.

"Okay na ko. Wag ka ng mag alala." Umiling si Vinz.

"Okay lang na sabihin mong hindi ka okay Shaira. Okay lang na umiyak ka. Okay lang, basta sana huli na to. Ayokong nakikita kang ganyan." Tumulo na ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko. Tama siya, tamang iiyak ko to. Natural langto dahkl nasasaktan ako. Tama din si Vinz na huli na to. Sana. Sana huli na. Nakailang pangako na ako sa sarili ko. Ayoko ng mabali pa yun.

Nagdesisyon na ako sa dapat kong gawin. Noong araw pa lang na nagkagulo kami sa El Nido. Noon pa lang buo na ang loob ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko, habang pinupunasan ko ang luha ko noon. Buo na ang loob kong sjmunod kay papa.

"Aalis na ko Vinz. Susunod na ko kay papa." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Ayokong isipin na pagsisisihan ko to sa huli dahil madami akong maiiwan dito. Nandito sila Ayi at Ash pati na si Vinz. Pero ayoko ng malapit kay Charles, ayoko na ulit masaktan.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon