Isang linggo na ako sa Pinas. Tapos na din mabinyagan ang baby nila Coreen at Dexter. Ngayon magkikita kita kami dahil balak na ni Ayi na planuhin ng mabuti ang magiging out of town trip namin. Gusto daw niyang maging perfect ang byahe naming ito dahil matagal na rin ang huli naming out of town.
"So para mas madali ang lahat ilista natin lahat ng kailangan natin. Para pag naggrocery tayo hindi na mahirap." Suggestion ni Coreen. Nanay na nanay na ang takbo ng isip ni Coreen. Biruin mo siya lang ang nakaisip nun sa amin. Kumuha si Ayi ng papel at ballpen sa loob ng bahay nila at naghanda ng magsulat ng mga kailangan.
"Ang mga bilhin na lang natin na pagkain yung pwedeng kainin sa byahe. Tapos doon na lang tayo mamalengke ng mga panluto. Baka kasi masira langsa byahe." Sumangayon naman kami sa sinabi ni Paul. Nag-isip na kami ng mga kailangan naming dalhin.
"Guys pwede ko bang isama si Therese?" Pagpapaalam ni Jack sa amin. Nagkatinginan naman kaming lahat. Kumunot pa ang noo ni Wax. Wala namang problema sa akin yun, ewan ko lang sa iba.
"I have an idea, bakit di na lang natin isama lahat?" Mas kumunot ang noo ni Wax sa sinabi ni Vinz. Sinong lahat? Nagtataka akong tumingin sa kanya. Nakita naman niya ito kaya nangiti siya.
"I mean, isama nalang natin mga family natin. Like si Wax yung girlfriend niya, si Jack si Therese, si Paul isasama yung asawa at mga anak niya, si Ash isasama si Ayi, si Ayi si Ash naman ang isasama, si Charles, tapos si Coreen at Dex, tapos ako, si Shai, si Andrei tsaka yung mama ni Andrei." Lumiwanag naman ang mukha nila Wax dahil sa sinabi ni Vinz. Nagapir pa silang dalawa kasama na si Paul at Jack. Sus, itong mga lalaking to tuwang tuwa!
"Ikaw Vinz gusto mo lang umi-score sa madir ni Andrei e!" Asar ni Ayi kay Vinz. Namula naman ang mukha netong si Vinz kaya inasar na din siya nila Wax. Maganda yung suggestion ni Vinz dahil magandang opportunity yun para makilala ko na rin family ni Paul, yunb girlfriend ni Wax pati na yung nanay ni Andrei.
"O sige, change of plans. Isama na natin sila para mas masaya. So kailangan natin dagdagan yung babaunin natin." Nagsimula na kaming maglista ng mga kailangan namin. Si Ayi at Coreen ang naging abala sa pag-iisip ng mga kailangan naming dalhin.
Yung mga boys naman ay nagpulong na dahil mukhang na-excite dahil sa pumayag ang lahat na isama ang mga mahal nila. Lumapit ako kela Coreen at nakiupo na rin ako sa kanila.
"Basta this weekend mamili na tayo para ready na for next week." Sigaw ni Ayi para marinig ng lahat. Tumango naman ang mga boys at nagsitayuan na. As usual nauna ng mag ayang umuwi si Ashton. Laging gustong masolo si Ayi, nagsisunuran naman ang iba pa.
"Ako na maghahatid kay Shaira." Paalam ni Charles kela Coreen at Wax. Tumango naman si Wax at nakipagbeso beso na si Coreen. Hindi na sila gaanong kahigpit sa amin ni Charles. Sabi nga sa akin minsan ni Wax, matatanda na kami. Alam na namin ang tama at mali. Kung gusto ko pa daw bigyan ng isa pang pagkakataon ang relasyon namin ni Charles wala na daw silang magagawa. Basta daw kapag nagkaproblema bahal na daw silang sumuporta sa akin.
Hindi naman na ako tumanggi pa sa gustong mangyari ni Charles. Sumakay na ako sa sasakyan niya at kumaway na kela Coreen. Nakita ko pa ang nakakalokong ngiti nila Paul sa amin.
Tahimik lang ako buong byahe dahil nangangamba akong mapahiya na naman sa harap niya. Ayoko ng maulit yun kaya mas mabuti nang manahimik na lamang.
Nang makarating na kami sa hotel ay agad akong bumaba.
"Salamat!" Tinalikuran ko na siya at naglakad na papasok sa hotel. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Coreen habang naghihintay na bumukas ang elevator. Gusto ko kasi siyang kausapin tungkol sa amin ni Charles. Hinintay kong sagutin niya ang tawag. Saktong bukas naman ng elevator kaya pumasok na ako.
"Shaira." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko ng makita si Charles na patakbong pumasok sa elevator. Hiningal pa siya kaya napahawak siya sa tuhod niya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya dahil halatang hiningal siya. Nginitian niya lang ako habang hinahabol ang hininga. Nang mahimasmasan si Charles ay tumuwid na siya ng tayo.
"Iniwan mo kasi ako e." Nakangiti niyang sinabi sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong iniwan e di ba aalis na rin siya. Ihahatid lang naman niya ako e.
"Akala ko kasi uuwi ka na." Ngumiti siya sa akin.
"Parang gusto ko kasing magkape." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Naalala ko na naman yung nakakahiyang nangyari sa akin last week. Jusko! Pinaalala pa niya!
"Ah. Tara kape muna tayo. Saan ba?" Tanong ko. Baka mamaya mamali na naman ako ng intindi. Baka mag-assume akong gusto niya pumunta sa unit ko.
"Pwede ba sa unit mo?" Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako. Atleast malinaw. Hindi na ako nagsalita pa dahil kaming dalawa lang dito sa loob ng elevator at sa 12th floor pa ang unit ko. Pagdating sa 4th floor ay tumunog ang elevator. Madami ang nagsisakay.
Umusog si Charles palapit sa akin. Sa sobrang dami ng sumakay sobrang lapit din niya sa akin. Nakaharap siya sa akin kaya tumatama ang mukha ko sa dibdib niya. Nagtama ang mga mata namin. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya.
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin dahil hindi ko magawang bawiin ang mga titig ko sa kanya. Maingay sa loob ng elevator pero biglang wala na lang akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko.
Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya. Panay din ang lipat ng titig niya sa mata at labi ko. Pati tuloy ako ay napapatingin sa mga labi niya. Hindi na ako makahinga sa sobrang lapit namin. Nagwawala na rin ang mga paru-paro sa tyan ko.
Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ito. Pumikit na lang ako at hinintay na lang kung ano ang mangyayari. Napadilat ako ng tumunog ang elevator at nagsilabas na ang mga sumakay kanina. Lumayo naman si Charles at napapaypay naman ako sa sobrang awkward.
"Init no?" Tanong niya sa akin.
"Oo nga e. Makapag-juice na lang kaya." Suggestion ko. Nakarating na kami sa floor ko at awkward pa din ang atmosphere.