"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin. Kasalukuyan na kaming kumakain ng tinanong niya ito. Nagkwento ako, sinabi ko sa kanya ang kasalukuyan kong trabaho abroad at ilang weeks na lang ay kailangan ko ng bumalik.
"Si Vinz hindi ko sure kung sasama pang bumalik. Ang alam ko kasi once na naging okay sila ng mom ni Andrei, mag-i-stay na muna sila dito." Tumigil si Charles sa pagkain. Kumunot ang noo niya at ilang beses akong sinulyapan bago bumalik sa pagkain.
"Bakit di ka na lang din mag-stay?" Tanong niya sa akin ng hindi man lang tumitingin. Sinulyapan niya lang ako ng isang beses.
"Hindi pwede. Si Vinz kaya pwedeng mag-stay kasi sa kanila naman yung company. Ako, employee lang. Kaya hindi pwedeng mag-extend." Tumango si Charles. Ang laki na talaga ng pagbabago niya. Dati hindi niya ako kinakausap ng ganito. Wala kaming chance dahil siguro nagiiwasan kami.
"Ikaw ano'ng pinagkakaabalahan mo dito?" Tumigil siya sa pag-kain at tinignan ako. Na-tense pa ako nung una dahil hindi ako sanay na tinititigan niya ng ganoon.
"Regular employee din pero may maliit akong business." Tumango naman ako.
"Anong business?"
"Studio." Nagbabanda pa rin ba siya? Tumango na lang ako. Ayoko ng magtanong ng mga personal na bagay dahil baka kung ano pa ang isipin niya.
"Buti na lang okay yung first meeting ni Andrei at ng mom niya no?" Nagounas ako ng tissue at tumigil na rin sa pagkain. Kinuha ko ang baso ng juice at uminom dito.
"Oo nga e." Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad muna kami. Nakarating kami sa mini park ng mall na pinuntahan namin.
"Akala ko talaga nung una anak mo si Andrei." Natawa pa ako sa sinabi niya.
"Madami talagang nagaakala. Alam mo mahabang istorya yung sa amin ni Vinz at Andrei. Hinahayaan na lang talaga naming yung mga tao na lang ang mag-isip." Tumawa pa ako. Sobrang close talaga namin ni Vinz kaya pati ang anak niya ay ituring ko na ring akin. Sobrang bait na tao nun at ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Kaya ng malaman ko yung sitwasyon niya ay willing talaga akong tumulong.
Malinaw naman sa mga pamilya namin ang tunay namjng relasyon ni Vinz. Matalik na magkaibigan lang talaga. Paminsan minsan pa nga'y inirereto na kami ng mga magulang namin sa isa't isa, pero ayaw talaga namin. Since napalapit na si Andrei sa family ko, itinuring na din nilang totoong apo si Andrei. Parang si Vinz na itinuring na din nilang anak.
"Ang ganda ng friendship niyo ni Vinz." Tumango ako at napangiti. Siya talaga ang maituturing kong guy best friend. Nagseselos na nga si Ashton minsan dahil siya daw ang original. Mang-aagaw daw si Vinz, natatawa na lang kami kapag nagtatantrums si Ash.
"Ikaw? Kamusta kayo ni Vika? Yung baby niyo?" Tumawa siya ng tinanong ko ito. Na-offend ako dahil hindi ko alam kung ano ba ang pinagtatawanana niya. Iniisip ba niyang masyado akong curious sa kanya? Masyado bang straightforward ang tanong ko?
"Matagal na kitang gustong kausapin tungkol dyan. Gusto kong ipaliwanag sayo ang totoo." Tumigil ako sa paglalakad. Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Si Vika, nabuntis siya. Pinili kong hiwalayan ka dahil ayokong isipin mo na nagtataksil ako sayo. Hiningi niya ang tulong ko na ipaliwanag sa pamilya niya ang nangyari sa kanya." Natulala lang ako sa sinabi niya. Naguguluhan ako hindi ko alam kung saan papunta ang usapan namin.
"So?" Tanging tanong ko at hinintay siyang sumagot.
"Hindi ako ang ama ng dinadala ni Vika noon. Sinubukan kong sabihin sayo pero galit ka sa akin. Pinaliwanag ko kela Wax yun at alam din nila Ayi pero hindi nila sinabi sayo." Hindi ko masisisi sila Ayi dahil napagusapan namin iyon. Wala silang ibabalita sa akin na tungkol kay Charles. Kaya nga nito na lang ako nagkabalita sa kanya.
"I'm sorry." Yan na lamang ang nasabi ko. Siguro talagang nagdesisyon ako agad agad dahil masyado pa akong immature noon. Ilang taon na ang lumipas at para sa akin humupa na lang ito kasabay ng panahon.
"Okay lang. Matagal na din naman yun. Nakamove on na ko sa nangyari." Tanging sinabi niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa bulsa niya ngayon. Napayuko na lang ako dahil sa di malamang dahilan. Ilang beses din akong napabuntong hininga.
"May problema ba?" Tanong ni Charles. Tumingala ako para tignan siya. Bumuntong hininga na lang ulit ako.
"Kasalanan ko lahat." Umiling si Charles.
"Kasalanan ko din. Sana sinabi ko na lang sayo umpisa pa lang." Naglakad na kaming ulit at naghanap ng maaaring upuan. Pinapagaan niya lang ang loob ko. Alam kong kasalanan ko talaga. Yung mga padalos dalos na desisyon ko ang nagpakomplikado.
"I should've gave you a chance to explain." Napahilot na lang ako sa sentido ko. I never imagine na paguusapan namin ang nakaraan. Akala ko pilit na lang namin itong kakalimutan.
"I'm so sorry. Natakot lang talaga ako noon. Ang balak ko talaga balikan ka after ng lahat. Ang kaso di ko natiis nagpakaimmature ako para sabihin sayo nung araw na yun ang lahat lahat. Alam ko namang mabibigla ka pero itinuloy ko pa rin."
Hindi ako sumagot o nagreact man lang. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Ito na kasi ang nakikita kong chance para magexplain siya. Gusto kong marinig ang side niya.
"Noong dumating si Ashton masyado akong napuno ng inggit at selos. Iniisip ko na buti pa siya nalalapitan ka, buti pa siya nakakasama ka, ako patingin tingin lang sa malayo. Sumabay pa yung pagdating ni Vika kaya mas nawalan talaga ako ng pasensya sa dami ng iniisip."
Nakatingin lang siya sa malayo habang in-oopen sa akin lahat ng ito.
"Nakipaghiwalay ako hindi dahil sa hindi na kita mahal. Mahal na mahal kito nun, sobra. Ayoko lang kasing pumanget ang tingin mo sa akin lalo na't napapadalas ang pagsama sa akin ni Vika. Ang sabi niya sa akin bigyan ko lang siya ng ilang linggo para masabi sa magulang niya ang totoo. Kaibigan ko si Vika kaya hinayaan ko siya."
Magkaibigan pala sila. Siguro sobrang close nila para tulungan siya ng ganun ni Charles. Hindi ko kasi ma-imagine na may lalaking magagawang i-sakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaibigan niya.
"Takot na takot si Vika na malaman ng parents niya na buntis siya kaya kinailangan niya ako. Kasama niya ako nang sinabi niya yun sa magulang niya. Tama lang pala na nandoon ako dahil kung hindi ay siguradong masasaktan siya ni tito sa sobrang galit. Tinanong nila kung ako ba ang ama, nilinaw ni Vika na hindi ako. Hindi pa niya nasasabi sa tatay ng dinadala niya ang kundisyon niya kaya sinamahan ko rin siya para ipaalam sa ex niya."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. All these time hinuhusgahan ko siya. Iniisip ko na manloloko siya. Iniisip ko na manggagamit siya. Mali pala ako. Mali na naman ako for the record. Ginawa niya yun para sa kaibigan niya.
"Buti na lang tinanggap nung lalaki sila Vika kasi baka nasapak ko talaga yun. Ngayon kasal na sila. Masaya na silang nagsasama kasama yung baby nila." Nakita ko siyang ngumiti. Masaya siya para sa kaibigan niya. Saglit lang ang ngiting iyon. Huminga siya ng malalim habang nakatingin pa rin sa malayo.
"Ang selfish ko nung mga panahon na yun. Hindi kita inisip." Umiling ako. Ano bang pinagsasasabi nito.
"Ako ang selfish. Hindi ko naisip na ganyan na pala pinagdadaanan mo." Nilingon niya ako. Huminga siya ng malalim.
"I'm so sorry Shaira. Naging mabuti sana akong boyfriend sayo. Pinahalagahan sana kita higit pa sa kahit kanino." Tinitigan niya lang ako. Hindi man lang natitinag ang tingin niya. Pakiramdam ko tumatagos ito sa puso. Parang hipnotismo.
"Wag ka ng mag-alala. It's over so why bother." Tanging sagot ko.
"It's over..." Ulit niya sa sinabi ko. Nagbuntong hininga siya at umayos na ulit ng upo. Tumingin na lang ulit siya sa kawalan at umiling.
"...Is it?" Dugtong niya. Ano daw?