Part Ten

916 36 0
                                    

"Hon ano kasi ang full name mo?"

"Di mo alam hon?"
Sent.

"Alam ko pero yung middle name mo di ko alam."

"Shaira Aguilar Espinosa hon. Why?"
Sent.

Naghintay ako ng mga ilang minuto bago siya sumagot ulit.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman mo na sulitin mo na ang pag-gamit sa apilido mo."

"Bakit naman?"
Sent.

"Kasi malapit ko ng palitan yun ng apilido ko."

---

"Hoy Shaira! Kanina pa kita hinihintay! Bakit ang tagal mo?!" Hindi ba pwedeng huminga muna ako? Kakagaling ko lang sa marathon dahil akala ko late na ko sa first class ko.

"Painom muna." Inagaw ko sa kanya yung tubig niya at uminom hanggang sa mawala ang uhaw ko.

"Na-late kasi ako ng gising!" Hindi ako nagising sa alarm ko at ito namang si mama, walang balak na gisingin ako. Buti pa si Honey nakailang tawag para daw gisingin ako kaso di pa din ako nagising. Napuyat kasi ako kasi magdamag kaming magkatawagan ni Charles. Kasalanan ko din kasi ako ang namimilit na mamaya pa matulog, ayan tuloy late na ko.

"Hay, mag-alarm ka kasi. O kaya magpasampal ka sa nanay mo!" Napakabrutal talaga nitong si Ayessa! Kahit sinong tanungin kung ano ugali ni Ayessa, siguradong yun ang isasagot. Nakakailang months pa lang kami dito pero mukhang bentang benta siya sa mga boys. Yun nga lang, walang may lakas ng loob lumapit para manligaw kasi yung mga nauna ng nanligaw ay binasted na niya.

Ang motto niya: Isusuko ko lang ang puso ko sa taong makakapagpaamo nito.

Which is sobrang labo! From freshies up to seniors may mga nabasted na siya! Lahat ng gifts niya from her suitors, kung hindi niya tinatapon, pinamimigay niya! Madalas sa akin napupunta yung chocolates.

"Oo na! Dami mong alam." Umupo na ako ng maayos at kinuha yung phone ko.

"May program pala ang SC ngayon! Benefit Concert daw. Gusto mong pumunta?" Wala pa ring text si Charles. Mukha atang busy siya masyado.

"Ngayon na ba?" Tanong ko kay Ayessa.

"Malamang mamayang gabi pa yun! Punta ka ha, para may kasama ako. Kahit ako na sumundo sayo." Kahit gusto kong pumunta, kailangan ko pa rin magpaalam kay mami.

"Kung papayagan ako."

"Yes!" Nagtaka naman ako kung bakit ang bibo niya.

"Di pa sure yun!"

"Pupunta tayo! Napagpaalam na kita kay tita!" Tumawa siya ng malakas na parang nanalo sa bingguhan! Nagtanong pa kung gusto kong pumunta e no choice na pala ako. Tinext ko na din si hon na aalis kami ni Ayessa mamaya, para lang alam niya.

"Ikaw, panay ang tingin mo sa phone mo! Wala ka naman kamong boyfriend pero kung titigan mo yang cellphone mo para kang may asawang obsess! Pag di ka umamin, isusumbong kita kay tita!" Simula't sapul naging close kami nitong si Ayessa masyado na siyang na-cu-curious sa pagtetext ko. Sabi niya daig ko pa daw ang may clan kung magtext. Tinanong din niya ako na baka kasali nga ako sa clan pero sabi ko hindi, which is totoo naman.

Lagi ko lang palusot sa kanya ay katext ko yung mga highschool friends ko, which is a total lie dahil wala naman akong friends nung high school. Minsan pinapalampas niya pero madalas nangungulit talaga siya. Kaya nga ngayon nilagyan ko na ng password yung phone ko para di niya mabuksan if ever man na mawala sa isip ko.

"Alam mo Shaira, you can't hide anything from me. Halata naman sayo na hindi lang friend ang katext mo. Tuwing binabasa mo minsan yung text niyan para kang tangang ngumingiti. Tsaka yung ngiti mo, iba!" Huminga siya ng malalim. "Naiintindihan ko naman kung hindi mo kayang sabihin sa akin yan. Hindi na kita kukulitin, basta mamaya samahan mo ko a! Wag kang tatanggi!"

Saktong dating ng prof namin. Na-gi-guilty tuloy ako kay Ayessa. Mabait siya sa akin, at syempre siya lang ang friend ko. Ayoko namang isipin niya na hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Siguro mainam din na sabihin ko sa kanya para kahit papaano may napagsasabihan ako ng mga bagay about sa amin ni Charles.

Mamayang gabi sasabihin ko sa kanya. Sana lang hindi ako magkamali sa desicion ko.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon