Part Three

1.3K 47 1
                                    

I heard a knock sa door ko kaya I immediately hide my phone under my pillow. Bumangon ako at tinignan si mama na nakatayo sa may pintuan.

"Maligo ka na para makatulog ka. Inihiga mo pa sa kama mo yang damit mo! Pinanlabas mo e tsaka wag kang magpupuyat ha! Pagkaligo mo matulog ka na." Ayan na naman si mama at ang kanyang caring side. Haha. Kahit medyo masungit yan hindi pa din talaga ako kayang tiisin.

"Okay ma!" Tumayo ako and I kissed her on the cheeks. She hugged me after and lumabas na rin. Kinuha ko na yung towel ko at nagsimula ng maligo.

Pagkatapos kong maligo at magbihos tumalon agad ako sa kama ko at tinignan yung phone ko.

"Hi. I'm Shaira. You are?"
Sent.

Tama ba? Tama bang sinabi ko real name ko? Ano ba yan! Mababaliw na ko! Relax Shai! Madaming Shaira sa mundo. Wag kang praning okay!

"Where do you get my number?"

Hala! Ano na sasabihin ko? Paano ba to. Sasabihin ko bang kay Ate? Bahala na talaga!

"Sa ate ko."
Sent.

"Kanino niya nakuha?"

"Hindi ko alam. Basta binigay niya lang sa akin. Pantanggal boredom daw."
Sent.

Hinintay ko ang reply niya pero di pa din siya nagtetext back. Umayos na ako ng higa at nagready ng matulog. Nang medyo inaantok na ako ay nagulat ako ng biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito.

"So pantanggal pala ako ng boredom."

What? Galit ba to o nagtatanong?

"Hindi naman sa ganun. Wala kasi akong magawa kaya I was hoping na makakilala ng new friend."
Sent.

New friend? What am I thinking? Kung kailangan ko ng new friend bakit hindi yung kakilala ko? This is not good. Mukhang kinekwestyon ko ang sarili ko sa mga actions na pinaggagagawa ko.

"Fine."

"Fine what?"
Sent.

"Lets try. Tutal bored din ako dito sa bahay."

"Okay. So whats your name?"
Sent.

"Charles. This is the longest summer ever right?"

"Nice to meet you Charles. Well I agree. Hindi pa ako pinapayagan ni mama na gumala."
Sent.

"Really? Ang boring naman pala ng summer mo."

"I thought nabobored ka din?"
Sent.

"Yup. Kasi puro gala naman ang ginagawa ko. Gusto ko naman magbakasyon yung tipong nakakarelax."

"Uh. I wished payagan akong gumala like you. So san ka naman gumagala?"
Sent.

"I'm a kpop fan kaya pumupunta ako sa mga kpop convention with some of my friends minsan nagbabar kami."

"Wow! That's what I really wanted to do! I'm also a kpop fan!"
Sent.

Oh my gad! This is kinda interesting! Pareho pa kami ng gusto. I think hindi kami mawawalan ng topic neto. Aside for music mahilig din akong mangspazz ng kpop artist and group. Kung papayagan lang sana ako ni mama na bumili ng posters baka napuno ko na yung kwarto ko.

"Really? So youre a fan of...?"

"Madami. Crush na crush ko si Lee Min Ho."
Sent.

Kinikilig pa ako habang tinatype yung pangalan ni Lee Min Ho. Naging crush ko kasi siya since high school kasi pinalabas dito sa pinas yung Boys over Flower. Kahit na madaming issue pa ang ikabit sa kanya I will always love him. Haha!

"Haha. Crush mo siya. Ako naman si Dara ang crush ko."

"Oh my! Sino bang hindi magkakacrush dun! Siya kaya ang definition ng goddess. Pero mas fan ako ni Sulli. :)"
Sent.

"Sulli ng fx?"

"Oo."
Sent.

"Cute din yun pero makaDara ako e."

Inabot kami ng madaling araw dahil lang sa mga kpop things. Haha. Well I guess hindi naman pala masama ag ginagawa ko. Kasi naman sa wakas, may makakakwentuhan na ako tungkol sa mga hilig ko na sa hindi inaasahan ay hilig din pala niya.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon