Si Ash na naman ang kasama ko dahil late na naman ang magaling kong kaibigan! Buti na lang sinamahan muna ako ni Ash sa field habang hinihintay si Ayessa. Iniwan ko na ang gamit ko sa classroom kaya tambay lang talaga kami ni Ash dito.
"Magta-try out pala ako sa basketball." Basag ni Ash sa katahimikan. Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. Walanamang masama un tsaka yun naman talaga ang hilig niya.
"Good for you. Siguradong makukuha ka dun." Pagmo-motivate ko sa kanya. Binalik ko sa mga lalaking naglalaro sa field ang atensyon ko. Hanggang ngayon hindi pa din ako tinetext o tinatawagan ni Charles. Hindi ko maalis sa sistema ko ang mag-alala. Hindi ko naman pwedeng ipahalata sa iba na may dinadala ako kaya pinipilit kong maging masaya.
"Mukhang mamaya pa dadating si Ayi." Sambit ko. Ganun naman lagi yun kapag tinamaan ng katamaran. Walang pake kung ma-late o hindi.
"Wala talagang pinagbago yung babaeng yun." Umiiling pa siya habang ngumingiti. "Alam ko na, para di tayo mainip." Tumayo siya at tumakbo.
"Saan ka pupunta?" Sigaw ko dahil halos nasa gitna na siya ng field. Bilis tumakbo a. " May kukunin lang ako. Wait." Nginitian niya ako at tumakbo na ulit.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panunuod sa mga naglalaro. Chineck ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko. Nun ko lang naalala na nasa bag ko pala yung phone ko. Kahit naman dala ko yun siguradong wala pa ring text galing kay Charles.
"I'm back!" Hingal na hingal siyang umupo sa tabi ko. Ngiting ngiti pa siya habang kinukuha sa loob ng bag yung gitara. Marunong siyang tumugtog?
"Marunong ka?" Takang tanong ko. Di niya kasi nasabi sa akin na tumutugtog din pala siya ng gitara, akala ko basketball lang alam niya.
"Hindi." Tumawa siya ng malakas. Akala ko pa naman sanay siya. Naalala ko na naman tuloy si Charles. Busy ba siya ng sobra para hindi man lang niya ako matext o matawagan? Wala din naman akong number ng mga kabarkada niya para tanungin kung kamusta na siya.
"You're all I ever need,
Baby you're amazing,
You're my angel come and save me."Natigil ako sa pag-iisip tungkol kay Charles ng marinig kong tumugtog si Ash. Yan ba ang hindi marunong?! Tsaka, yung kantang yun...
"Mukhang nabilib ka ata sa talent ko." Tumawa siya ng malakas habanag tinitignan ako. Nun ko lang na-realize na nakanganga pala ako sa sobrang pagkagulat. Lumunok ako at inayos ang sarili.
"Akala ko kasi hindi ka talaga marunong tumugtog! Niloloko mo ko e!" Hinampas ko ang braso niya. Hindi pa din ako makaget over sa tinugtog niya. Yun na naman yung kantang yun! Ano ba meron dun? Parang kahit saan ako magpunta sinusundan ako!
"Ano ba title nung kantang tinugtog mo?"
"All I ever need, bakit?" Yun pala yun.
"Maganda." Ngumiti ako at naalala na naman si Charles. Lecheng lalaki yun! Pinagaalala ako ng sobra!
Ilang kanta pa ang tinugtog ni Ash bago dumating si Ayi. Pagdating niya agad na naman silang nag-asaran ni Ash. Ito talagang dalawang to bagay na bagay! Kung hindi ko to kilala, mapagkakamalan ko talagang magjowa to.
"Tara na late na tayo." Pagmamadali ni Ayi. Tignan mo, papasok ng late tapos magmamadali.
Humiwalay na si Ash sa amin. Pagkadating namin sa room ay wala pa naman ang prof namin. Inayos ni Ayi ang gamit niya habang ako naman ay hinahanap yung phone sa bag.
Pagkakita ko ay may text mula kay Charles. Bubuksan ko na sana to ng biglang dumating yung prof namin. Ibinalik ko muna sa bag ko yung phone ka dahil nangunguha ng phone yung prof namin kapag nahuli ka niyang ginagamit ito during classes. May na-sample-an na sa amin kaya wala na talagang naglakas loob na maglabas ng phone. Ayoko namang makuha yung akin dahil mas hindi ko matetext si Charles pag ganun.