Part Fourteen

937 35 0
                                    

Madalas na naming nakakasama si Ash. Dahil irregular student siya nakapili siya ng schedule na tugma ng sa amin. Kung dati ay hindi naman kami gaanong napapansin ng mga tao, ngayon ay halos titigan na kami mula ulo hanggang paa. Ikaw ba naman ang may kasamang gwapo talagang pagtitinginan kayo.

Maging yung mga kaklase namin ay tinatanong kung sino ba yung lalaking lagi namin kasama. Minsan pa nga ay napagkakamalang boyfriend ko or ni Ayessa.

"Bakit ba kasi hindi pumasok si Ayi?" Tanong sa akin ni Ash na ngayon ay kasama kong kumain. Napapansin kong may mga nanlilisik na matang nakatingin sa amin.

"Kasi nga may sakit siya." Tumawa siya ng malakas sa sinabi ko. Wala namang joke sa sinabi ko pero tuwang tuwa siya. Hinampas ko nga. Sobrang agaw atensyon. Hindi ba niya napapansing madaming nakatingin sa kanya.

"Si Ayi? Sus. Walang sakit yun, tinatamad lang yun." Kung makapagsabi parang alam na alam niya talagang hindi totoong may sakit si Ayessa.

"Grabe ka naman." Sumubo ako at uminom bago tignan ulit si Ash.

"Shai, imposible yun. Sa sobrang tapang ni Ayi, pati sakit natatakot lumapit. Kaya sure akong walang sakit yun." Tumawa pa siya ng bahagya bago ulit kumain. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ng tungkol sa kung ano ang ginagawa niya abroad. Mahilig pala siyang magbasketball kaya sa States siya nagcollege para daw mahasa yung pagbabasketball niya. Balak din daw niyang pumasok sa NBA pero alam naman daw niyang hindi para sa kanya yun.

"Balak mo palang maging player a." Kinwento ko naman sa kanya yung tungkol sa dad ko na nasa abroad at ang balak ko na pagkagraduate ay sumunod na doon.

Nagkwentuhan pa kami habang naglalakad papunta sa classroom ko. Sobrang sakit na ng tyan ko kakatawa dahil sa mga kwento niya tungkol kay Ayessa.

"Tapos yung batang umaway sa akin, sinapak ni Ayi." Kahit pala nung bata pa lang si Ayessa ay matapang na siya. Nakakatawa namang isipin na si Ayessa pa ang nagligtas sa kanya.

"Shhhh!!!" Isang malakas na hush ang nagpatahimik sa amin. Huminto sa harapan namin si Miguel. Tinignan niya si Ash mula ulo hanggang paa bago niya ako tinitigan sa mata.

"Classes are on going. Ms. Espinosa and Mr.?" Tanong niya kay Ash. Natatandaan niya pa pangalan ko? Ibang klase ang memory niya a.

"Vasquez." Sagot ni Ashton.

"Mr. Vasquez, hindi ba kayo nainform na bawal mag-ingay sa corridors lalo na't may mga nagkaklase?" Ang sungit naman nitong lalaking to. Oo na may mali na kami, ikaw na magaling.

"We're sorry." Pagpapakumbaba ko. Nagpaalam na si Ash dahil malelate na din siya sa next class niya. Ako naman ay malapkt na sa room ko kaya pinauna ko na si Ash.

"Enjoying his company?" Napalingon ako sa nagsalita. Nandito pa rin pala si Miguel. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ako ba ang kausap nito? Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Pagdating ko sa classroom ay umupo agad ako sa upuan ko at kinuha yung phone. Kakamustahin ko si Ayessa kung ano na ang lagay niya. Pagkasend ng message ko kay Ayi ay si Charles naman. Kaso baka naman busy yun kaya di ko na tinuloy.

Gabi na ako umuwi dahil sa may ginawa pa kaming group project. Nahihiya nga ako kay Ash dahil hinintay niya pa ako ng matagal. Hindi na din kasi ako nagpapasundo kay mama since alam ko na naman kung paano magcommute.

"Di ka pa ba talaga uuwi?" Tanong ko kay Ash. Baka kasi sobrang naiinip na siya.

"Para namang others to. Okay lang, hihintayin kita." Lumapit na ulit ako sa mga kagrupo ko. Mukhang malapit na kaming matapos dahil finafinalize na ang project.

"Wax, bakit nandito pa kayo?" Tanong ni Paul kay Wax, mukhang magkakilala talaga sila dahil nagfist bump pa sila. Si Paul ang unang nagapproach sa akin nung first day of school kaya di ko siya makakalimutan. Kasama nito si Miguel na nakita kong nakatingin sa akin. Ano ba ang problema nito?

"May tinapos lang. Sakto tapos na tara na guys uwi na tayo." Isa isa ng nagsipagtayuan ang mga kasama ko para ayusin ang gamit nila. Tumayo na rin ako para kuhanin yung bag ko.

"Buti pa kay Shaira may naghihintay. Uuwi na naman akong mag-isa." Sabay sabay silang nagtawanan. Pakiramdam ko tuloy ay namula ang pisngi ko. Tumayo na si Ash at naglakad papalapit sa amin. Agad niyang kinuha yung gamit ko.

"Napakagentleman pa!" Asar pa nung isa kong kaklase.

"Uy wag kayong ganyan." Pigil ko sa kanila. Mukhang nasisiyahan si Ash sa pang-aasar sa amin kaya lahat ng jokes ay sinasakyan niya.

Nagulat pa ako ng akabayan niya ako. Lumakas pa lalo ang hiyawan at asaran dahil sa ginawa niya. Halos maginit ang buong mukha ko sa kahihiyan. Mahina ko pang hinampas ang dibdib ni Ash sa sobrang kulit niya.

"Bagay daw tayo Shaira, di ba guys?" Magaling talagang humakot ng fans tong si Ashton. Pati mga kaklase ko nabibilog niya utak. Ibang klase ang bolero skills nito.

"Tama na yan. Baka pagalitan tayo ng guard." Natahimik ang lahat at napatingin sa nagsalita. Nakita ko na naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Kumunot na naman ang noo ko sa pagiisip kung ano ba ang problema nito sa akin.

"Sus, ang KJ mo Migs. Sige na nga mauna na kami, bye!" Kumaway na si Paul at lumihis na ng daan kasama si Wax at si Miguel.

Naglakad na kami ni Ashton papunta sa kotse niya. Nilingon ko ulit si Miguel pero this time di na siya nakatingin. Ang creepy nung lalaking yun.

Step Into My Arms (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon