Chapter 35: My First Real Christmas

5.9K 91 16
                                    

(Kitty's POV) 

     Christmas brek na namin. Ibig sabihin wala ng pasok. Pero pahinga ba talaga? Eh yung mga prof namin grabe kung magpa assignment. Haaay bakit kaya sila ganun noh? Hindi nila hinahayaan na mag enjoy yung mga estudyante nila. 

     Pero somehow okay lang din. Imbes na tumunganga nalang ako dito sa bahay... nabaliw pa ako. Hindi naman kasi uso ang christmas dito sa bahay eh. 

     Christmas nun nung namatay ang mama ko. Not literally... 

     Yung iksena nun sa mall kung saan nawala si mama? Christmas eve yun... at yun ang huling beses na nakita ko ang mama ko, ayaw kong isipin na iniwan niya kami kaya naman itinanim ko nalang sa isip ko na namatay siya... kaya hindi niya na ako nabalikan.

     At dahil sa pangyayaring yun ay hindi na kami nagcecelebrate ni papa ng christmas. Pero sa totoo lang gusto kong maranasan yun, sabi kasi ni Mimi masaya daw yun. Kaya lang ayaw ko namang pilitin ang papa ko dahil baka magalit lang siya.

     Si Warren nga pala umuwi muna ng Korea... gusto niya daw kasing makasama yung magulang niya sa pasko. Ang weird nga eh, parang may sikreto silang dalawa ni papa na hindi ko alam. Bayaan na nga.

     Sayang akala ko pa naman makakasama ko siya sa pasko. Haay mukhang magiging malungkot nanaman ang pasko ko ngayong taon ah.

     1 text message receive 

From: Kayden

Magbihis ka nandiyan na ako sa bahay niyo in 3o min.

     Ano nanaman kayang trip ng lalaking to? 

To: Kayden 

Anong Trip mo? 

From: Kayden 

Basta! Pag di kapa nakabihis you're dead

     After 30 minutes ay nakabihis na ako.

     "Papa aalis lang po kami ni Kayden ah." kinatok ko si papa sa study office niya.  Pero walang sumasagot.

    Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si papa na nakatulog pala sa desk. Si papa talaga! Ginawang tulugan yung office niya.

    Kumuha ako ng kumot sa kwarto niya pagkatapos ay kinumutan ko si papa. Sampung taon mula nung nawala si mama.

     Sampung taon na ding malamig ang pakikitungo sa akin ng papa ko. Sinisisi niya kaya ako sa pagkawala ni mama? Kung tutuusin ay kasalanan ko naman talaga, kung hindi sana ako bumitaw kay mama e di sana kasama pa namin siya ngayon.

     "Miss na miss ko na ang papa ko." 

     Kiniss ko siya sa noo tapos ay umalis na. Nag-iwan nalang ako ng letter. Sa labas ng gate ko  nalang inantay si Kayden.

     "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkasakay ko sa passenger's seat. 

     "Samahan mo akong bumili ng regalo." -Kayden 

     "Para kanino?" ako

    "Para sa lahat." -Kayden 

     Natawa naman daw ako dun. Si Kayden? Mamimigay ng regalo?

     "Bakit? Anong nakakatawa?" tanong niya. 

     "Wala naman... di ko alam na mahilig ka palang magbigay ng regalo!" sabi ko. 

     Napaisip lang ako. Never pala akong binigyan ni Kayden ng regalo. Nakakatawa mang aminin pero never pa talaga. 

     "Anong problema?" tanong niya. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now