Chapter 22: The launch

5.7K 80 6
                                    


(Kitty's POV)

     Yey saturday na! I can't wait to wear that dress. 6 pm nga pala yung start ng program.

     Time check, 5:30 na at tapos na ako sa pag aayos. Konteng make up lang at plantsa ng buhok and voila.. ready na ako!

     Narinig ko ng bumusina yung kotse ni Kayden sa labas kaya bumaba na ako. Pagbaba ko ay nandun na siya. Looking gorgeous sa kanyang tux.  Hahaha minsan ko lang mapuri tong lalaking to kaya pag bigyan niyo na ako.

     "Inuulit ko iuwi mo agad si Kitty pagkatapos ng program ha! At bawal kayong uminom, lalo ka na magdadrive ka pa naman." si papa.

     "Wag po kayong mag alala tito, ako na po bahala diyan sa ana-" natigilan ang lolo niyo.

     Spell nganga! Nakita niya akong pababa ng hagdan. Wahaha natulalay sa beauty ko.

     "Siya siya umalis na kayo at malilate na kayo." si papa na ang bumasag sa katahimikan.

     "Tara na." sabi ni Kayden pagkatapos ay lumabas na sa pinto.

     Tsss di man lang ako inantay!


(Kayden's POV)

    

      Woah! Buti nalang nakalabas ako agad... bakit kasi mukhang anghel yung babae na yun? Anghel daw oh, ugali naman... *******

     Grabe, ansarap niya tuloy titigan. Dati naman na siyang mukhang anghel. Kaya ko nga siya niligawan diba? Pero parang may kakaiba ngayon... sarap niya tuloy titigin.

     "Matunaw ako niyan." sabi ba naman sa akin.

     Tss taas talaga ng confidence niya ngayon ah?

     "Pumasok ka na nga lang malilate na tayo niyan eh." pinagbuksan ko na siya ng pinto.

     Bago to ah? Sa isang buwan na pagiging magkarelasyon namin nitong babaeng to eh ngayon ko palang siya pinagbuksan ng pinto. Bumabait na ako ngayon ah, umaasenso.

     Habang nasa sasakyan na kami ay tahimik lang kami. Ako naman tong nakaramdam ng kakaibang init. Ano ba yan! Bakit ang hina ng air con?

     Nilakasan ko...

     "Hoy ano ba yang ginagawa mo? Nakita ng ginaw na ginaw na ako dito eh." saway ni Kitty.

     Pinalo niya yung kamay ko... and boom electricity!

     "Ano ba? Ang init eh." sabi ko.

     "Eh nilalamig nga ako eh... hubarin mo nalang kasi yang coat mo."

     "Ayoko nga baka magusot. Sino ba kasing nagsabi na magsuot ka ng walang manggas?"

     "Hello? Ikaw kaya ang pumili nitong damit ko."

     Ay oo nga pala... bakit kasi ito pa yung napili ko eh. Wala lang, nagandahan lang ako sa damit.

     Hindi nalang kami nagkibuan hanggang sa makarating kami sa shang-ri-lah kung saan gaganapin yung launching ni ate.

     "Teka lang," aktong bubuksan niya na sana yung pintuan.

     Dali dali akong lumabas at pinagbuksan siya ng pinto. May pagka gentle man side din naman ako. Akala niyo?

     "Wow ha! Anong nakain mo?" puna niya.

     "Wag ka ng magreklamo diyan, minsan lang to noh!"

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now