Chapter 55: Facing the Truth

4.6K 59 3
                                    


(Kitty's POV)

     Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Nandito na pala ako sa kwarto ko. Nakatulog kasi ako kagabi sa kandungan ni Kayden kaya hindi ko na alam kung paano ako nakarating dito. Malamang binuhat ako ng isang yun.

     Sinadya ko naman talagang makatulog. Hindi ko kasi alam kung anong maaabutan ko pag uwi ko ng bahay.

     Nag aalangan man ay bumaba na ako at naabutan ko silang lahat na nagaalmusal sa kusina. Wala si mama...

     Panaginip lang kaya yung nangyari kagabi? Sana ay panaginip lang talaga siya.

     "Oh! Gising ka na pala hija!" si Ninang Carla ang unang bumati sa akin.

     "Good morning po!" bati ko tapos ay umupo na sa lamesa.

     Pagkatapos ay wala ng nag salita. Para ngang ang awkward ng ambiance. Oh no! Don't tell me na totoo talaga ang lahat ng nangyari kagabi? 

     "Kitty hija... nasa sala na nga pala lahat ng regalo mo. Kunin mo nalang pagkatapos kumain." sabi ni Ninang.

     Para namang biglang nagningning yung mata ko ng marinig ko yung salitang regalo. Binilisan ko talaga yung pagkain ko pagkatapos ay dali daling nagpunta sa sala.

     Oh my golly golly ! Andami ngang regalo ang naabutan ko sa sala.

     "Waaahhhhh!"

     "Baka himatayin ka sa tuwa diyan ha!" -Warren

     "Tulungan mo nalang kaya akong buhatin ang lahat ng to!" sabi ko.

     "Oo na."

     Pagkatapos ay tinulungan na nga nya akong buhatin ang lahat papunta sa kwarto ko. Syempre ayaw ko namang ipakita sa mga kasama ko dito sa bahay na binubuksan ko yung mga regalo nila. Shy ako noh!

     "Kitty?" -Warren

     "Hmmmm?"

     Nandito na kami sa loob ng kwarto ko.

     "Galit ka parin ba kay Tita Kathy?"

     Umupo siya sa tabi ko.

     "Alam mo ba na mas gusto ko pang namatay nalang siya kesa sa malaman na iniwan niya kami?" sabi ko. Kung ganun ay totoong nangyari yun. 

     "Wag mong sabihin yan, maswerte ka nga eh kasi buhay pa siya. Mas maraming taon mo pa siyang makakasama, kaya imbes na magalit ka sa kanya eh dapat sariwain mo nalang yung mga panahon na kasama mo ang mama mo. Kasi yung iba diyan baka wala na silang oras para makasama ng mas matagal yung magulang nila." -Warren

     Natawa naman daw ako dun. Si Warren ba talaga tong kausap ko?

     "Ang lalim nun ah... may pinaghuhugutan?"

     "O sige! Iwanan na muna kita diyan ha. Mukhang gusto mo namang mapag isa kasama yang mga yan. Yung regalo ko muna ha." pagkatapos ay umalis na siya.

     Nek nek niya! Yung kay Kayden muna ang gusto kong buksan. Inisa-isa ko yung mga regalo pero wala eh.

     Kunsabagay, sobra sobra na nga pala yung effort niya sa party ko. Siguro ay yun na yung pinakang regalo niya sa akin.

     Pagkatapos nun ay inisa isa ko na yung mga regalo. Binuksan ko yung kay Warren. White shirt siya na may naka print na... "Always be my Kitty"

    Ang cute niya kaya lang ay pag ito nakita ni Kayden, naku! Yung sumunod ay yung kila Ninang at Ninong. Isang cute na dress ang kay Ninang at isang stilleto na kapartner nun ang kay Ninong. Di naman halata na sabay silang bumili?

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now