Chapter 20: *crazy love*

6.2K 80 0
                                    


(Kitty's POV)

     Hapon na! At malamang hinahanap na ako ngayon ni Kayden para umuwi. Aba'y manigas siya hanapin niya muna ako noh!

    Asan ba ako? Well nandito lang naman ako sa may likod ng school yung paborito kong spot na may puno at bench. Iba to dun sa nadiskubre ni Warren ah! Ibang likod ng building yun.

     May bench dito at mesa na gawa sa semento. Gustong gusto ko tong spot na ito kasi tahimik at ako lang ata ang nakakaalam ng place na ito. Well si Kayden din pala, kasi nahanap niya na ako dito minsan. Remember? Yung time na nakatulog ako dito tapos ninakawan niya ako ng... Basta!! Alam niyo na yun!

     Well, speaking of nasan na kaya yung lalaki na yun? Sumuko na kaya yun kakahanap sa akin? I checked my phone... tss di man lang nag text o tumawag? Bah yun?

     Patience Kitty... patience! So nag antay pa ako for another 1 hour. And shucks! Wala talaga! At mag gagabi na din oh! Ako na nga lang ang tumawag sa kanya.

(Hello Kitty, sorry nauna na ako ha! Nasa school ka pa din ba?)

     "Eh mhine naman eh, iniwan mo talaga ako?" with matching pout pa kahit di naman niya nakikita.

(Sorry) pagkatapos ay binaba na niya.

     Grabe! Ang sama! Di man lang ba niya napansin na tinawag ko siya sa nakakadiring endearment na yun? Naman eh! Yun kaya yung first time na ginamit ko sa kanya yung nakakalokong endearment niya sakin.

     Problema ng taong yun?  Aisshhh! Bahala siya! Makauwi na nga lang mag-isa!

     At ayun niligpit ko na ang gamit ko at nagsimula ng lumabas sa campus. Pero bakit ganun pakiramdam ko? Hanggang nung nasa LRT na ako. Ano bang meron ha?

     "Kaasar!" ayun nakita ko nalang ang sarili ko na sumisigaw sa gitna ng maraming tao sa loob ng tren.

     Ayun nagtinginan tuloy sa akin yung mga tao. Ang baliw ko din noh? Hindi lang ako sinabay ng boy friend ko sa pag uwi nagkakaganito na ako!

     Naman eh! This is killing me! Hanggang pag uwi bad mood ako.

     "Why so sad?" si Warren agad ang unang nakapansin sa akin.

     "I hate him." nasabi ko.

     "Yung boy friend mo nanaman ba?" tanong niya.

     "Yeah!" sabi ko.

     At naupo ako sa tabi niya! Takti! Abusado na to ah porke't okay lang kay papa na dito tumira eh namihasa na! Tingnan niyo at wala na atang balak lumipat ng bahay. Ang yaman yaman nakikisiksik pa sa amin dito. Pero okay lang na nandito ang bestfriend ko! Para na nga akong nagkaroon ng instant kapatid.

     "Alam mo Kitty... wag kang magagalit sa itatanong ko ha!"

     "Okay lang, ano ba yun?"

     "Yung sa inyo ni Kayden... seryoso ba yun?" tanong niya.

     "Ang alin?" di ko gets eh..

     "Yung relasyon niyo, nagmamahalan ba talaga kayo?" tanong niya.

     "Eh.. heheh *pilit na smile* malamang may magkarelasyon ba na hindi nagmamahalan?"   

     Meron nga ata... kami ni Kayden!

     "Oo nga naman, pasensiya ka na ha! Kasi pag nakikita ko kung panu mo tratuhin yung boyfriend mo parang hindi mo naman mahal eh."

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now