Chapter 13: Where is Kitty?...

6.5K 89 3
                                    


 Chapter 13: Where is Kitty?... 


(nabitin po ba kayo sa moments nila Mimi at Harvey? don't worry kasi dedicated parin sa kanila tong chapter nato...) 

(Mimi's POV) 

     Kinabukasan... hindi pumasok si Kitty. Kinokontak ko yung cellphone niya pero out of reach... kahit yung landline nila sa bahay wala ding sumasagot. Ano kayang nangyari dun? Ang alam ko nagpaulan daw yun kahapon ah. May sakit kaya siya? 

     "Ano ba? Nag aalala din kaya ako." nasabi ko.

     Nandito ako ngayon naglalakad mag isa papunta sa canteen. 

     "Diba siya yung girl na sumampal kay Prince Kayden kahapon?" narinig kong sabi nung isang girl sa di kalayun. 

     "Ang lakas naman ng loob niyang sampalin si Prince Kayden natin?" sabi pa nung isang girl.

     "Alam niyo ba binuhusan niya din ng ice cream sa ulo si Prince Harvey sa coffee shop kahapon?" girl 3. 

     "Talaga? Sumusobra na siya ah!" girl 2. 

     "Dapat siguro turuan na natin yan ng leksyon eh!!" girl 1. 

    "Tara turuan natin ng leksiyon!!"  

     Maya maya ay bigla silang humarang sa dinadaanan ko.

     Oh no! Hindi ako marunong lumaban... hindi ako gaya ni Kitty na palaban? Help me! Baka sirain ng mga toh ang beauty ko.

     "Aaannong ka-ilangan n-iyo?" nauutal na tanong ko. 

     "Takot ka naman pala eh... sa susunod wag mong gagalawin ang mga crush namin!" sabi nung isa. 

     "Ou nga... wala kang karapatan!" girl 1. 

     Yumuko ako. 

     "So-" 

     Nakapagdesisyon na akong lulunukin nalang ang pride ko at magsosorry sa kanila kesa pagtulungan pa nila ako... ng biglang. 

     "Leave her alone!" may sumigaw sa likod namin. 

     Wahhhh! Si Harvey! Lumapit siya at umakbay sakin... aneebehhh? 

     "Prince Harvey?" sabay sabay yung tatlong girls. 

     Nag smile si Harvey... yung pamatay niyang smile. Halos mahimatay naman yung tatlong babae sa lakas ng dating ng smile niya. Ano pa kaya ako? Nakaakbay siya sakin. 

     "Kaibigan namin siya ni Kayden... kaya okay lang na saktan niya kami. Biruan lang namin yun. Kaya pwede ba girls wag niyo na siyang awayin." sabi niya tapos nagsmile sa tatlo. 

     Magkaibang magkaiba talaga sila ni Kayden... kung si Kayden mainitin ang ulo siya palaging calm lang. Hayyyy kaya inlove na inlove ako diyan eh. 

     "Sure Harvey!" pagkatapos ay umalis naman na yung mga girls.

     Hayyy.... iba talaga ang karisma ng mahal ko! Pagkatapos ay humarap siya sakin... 

     "Okay ka lang?" tanong niya. 

     Tumango ako... 

     "Tara kain na tayo." sabi niya. 

     "Tayong dalawa?" tanong ko sabay turo pa ng daliri ko sa sarili ko. 

     "Ou, kaibigan ka ni Kitty kaya kaibigan na din kita." sabi niya. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now