Chapter 14: Childhood Promises

6.7K 102 2
                                    


Chapter 14: Childhood Promises

(Kitty's POV) 

     Pag gising ko kinabukasan ay masama padin ang pakiramdam ko. At higit sa lahat masakit padin ang puso ko.

     Bakit pa kasi minahal ko siya? Eh wala naman talaga siyang ginawang mabuti sakin? 

     Sa totoo lang ay ayaw ko talagang pumasok, pero malamang si papa naman ang magalit sakin. Ayaw na ayaw kasi nun na nag aabsent ako. Lalo na sa mga walang kwentang dahilan hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yung ginawa ni Kayden sakin.. malaking gulo yun pag nagkataon. 

     Haayyy.  Bumangon na ako sa kama ko. 

(ligo mode) 

(bihis mode) 

     Pagbaba ko sa kitchen ay naabutan ko ng kumakain sina papa at Warren.

     "Good Morning!" pinilit kong ngumiti sa kanila. 

     "Annyong Haseyo!" bati ni Warren. (Good Morning.) 

     Kung nagulat kayo kung bakit biglang nag korean yang si Warren... it's because he is half korean obvious ba? 

     Umupo na ako sa tabi ni Warren.

     "Okay ka na ba ha Kitty?" tanong sakin ni Warren. 

     Ngumiti ako. 

     "Okay na ako." sabi ko. 

     "Bakit parang namumutla ka?" tanong niya. 

     "Huh?" ako. 

     Hinawakan niya yung noo ko... 

     "Mainit ka pa ah!" sabi niya. 

     Ou nga pala... sinabi sa kanila ni Mimi kahapon na may sakit ako para di muna nila ako istorbohin sa kwarto. Ggumiti ako tapos tiningnan ko si papa. Pa, maawa ka sa anak mong may sakit. 

     Nagbabasa lang siya ng dyaryo.

     "Hindi, okay lang ako. Iinom nalang ako ng gamot." sabi ko. 

     "Wag ka nalang kayang pumasok? Baka mas lalo kang mabinat nyan eh." si Warren. 

     "Okay lang talaga ako." sabi ko. 

     "Wag ka nalang pumasok, nandito naman si Warren para tumingin sayo." walang reaksiyon na pagkakasabi  ni papa.  

     Eversince namatay yung mama ko ay naging cold na ang pakikitungo niya sakin... siguro kasi hanggang ngayon ako parin ang sinisisi niya sa nangyari.

     "Sige po." sabi ko. 

     Hinatid lang namin si papa sa may pinto pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Wala pang isang oras na nakakatulog ako ay kumatok si Warren sa kwarto ko. 

     "Chingu?" sabi niya. (Chingu= Friend) 

     "Pasok." sabi ko. 

     Pagpasok niya ay may dala siyang gamot at isang basong tubig... 

     "Inom ka muna ng gamot." sabi niya. 

     Umupo ako para uminom ng gamot pagkatapos ay nahiga na ulit ako. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero pag gising ko ay nakita ko si Warren na nakahiga sa may sofa sa kwarto ko.  

     Mukhang binantayan niya ako. Ang swerte ko talaga sa bestfriend ko... kung sana ganyan lang din ang boyfriend ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now