Chapter 46: Sunday Time

5K 62 3
                                    

Ayun! Una sa lahat pasensiya na po kung ang tagal ng update. At pasensiya na din kung napaka walang sense ng UD na ito. Wala ako sa sarili ko sensiya na talaga... 

__________________________________________________

(Kitty's POV) 

     Sunday na. Excited ako kasi magkakasama kaming magsisimba ngayon. Ako, si papa, si Ninang Carla, Warren, at Ninong Arthur. Haaayyyy, I miss the old days. Ganito din kami dati eh. Kaya lang ay kasama pa namin si mama noon.

     "Good morning po." pagbaba ko ng sala ay naabutan ko na silang nakabihis lahat at nag aalmusal na. 

     "Si Ninang po?" tanong ko. Napansin ko kasi na wala ang paborito kong ninang. 

     "Nasa taas pa at nagbibihis si mama." sabi ni Warren. 

     "Hay naku mga babae talaga." sabi ni Ninong Arthur. 

     "Hoy Arturo Vicente Kim! Narinig ko yun." bigla ng dumating si Ninang. 

     "Kaw naman, narinig mo pa yun?" paglalambing ni Ninong sa kanya. 

     Ang sweet nila. 

    "Tsss, tara na nga! Malilate pa tayo sa misa." sabi ni Ninang. 

     Doon kami sa kotse ni Warren, at siya ang driver namin ngayon. 

     Silang dalawa ni papa sa unahan at kasama ko sina Ninong at Ninang ko sa likuran. Haaayyy ang saya! Para kaming isang buong pamilya.

    Maya-maya lang ay nakarating na kami sa simbahan. Kaya lang... 

     "Anong pong ginagawa niya dito?" tanong ko. 

     "Ahh naisipan kasi namin siyang iinvite, tutal ay girl friend naman siya ni Warren eh." sabi ni Ninang Carla. 

     Ewan, alam kong masamang magtanim ng galit  pero, I still hate her for what she did to me and Kayden the last time.

     "Hello po tita!" nakipag beso sya kay Ninang Carla. 

     "Tito." tapos kay Ninong at papa. 

     "Hi Kitty." 

     Nginitian niya ako ng punong puno ng ka-plastikan. Sira na tuloy ang araw ko. Akala ko pa naman eh magiging okay na ang araw na to.

     Pumasok na kami sa loob at sa kasamaang palad eh nakatabi ko pa tong si Sapphire. Bale ganit yung sitting arrangement namin. Papa, Ninong Arthur, Ninang Carla, Warren, Sapphire, Ako, at vacant. Kabanas!

     Hanggang matapos yung misa ay bad terp ako. Ka bad terp kasi yung pagmumukha nitong katabi ko eh. Although sobrang nakatakip yung mukha niya ngayon. Sikat kasi siya diba? Kaya baka pagkaguluhan. 

    Sana nga dumugin siya ng mga paparazee. Wahahaha bad Kitty! Asa simbahan ka pa naman. 

(Pagkatapos ng mass) 

     Kumain muna kami sa labas, at syempre kasama parin namin si Sapphire. At kamalas-malasang katabi ko nanaman siya. 

     "Mag ccr lang po ako." nag paalam muna ako. 

     Haaayyy hindi naman kasi ako makarelate doon. Puro na kay Warren at Sapphire ang lahat ng atensiyon.

     Kawawang Warren. Harap-harapan na nga siyang niloloko ng Sapphire na yun eh,  obvious naman na hinahabol pa rin nun si Kayden. 

     Alam ko na! Ibubuko ko nalang siya. Hahanap ako ng ebidensiya ng sa ganun ay hindi na sila maloko ng Sapphire na yun.

    Maya maya lang ay lumabas na ako ng cr.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now