Chapter 50: Everybody is Missing

4.3K 60 1
                                    

(Kitty's POV) 

    ~ I fast forward na po natin ha. Isipin niyo nalang na ilang linggo na rin ang nakakaraan. 

     Gaya ng normal na routine ay sinundo ako ni Kayden sa bahay at sabay kaming pumasok ng school. Kaya lang ang weird niya ngayon.

     "Mhine baka di na kita mahatid mamaya ah. May aasikasuhin pa kasi kaming project eh." sabi niya. 

     "Sige. Basta siguraduhin mo lang na school project lang yan ah. At hindi Sapphire project." 

    "Hahahaha joke yun?" -Kayden 

     "Seryoso ako mhine." 

     "Ano ka ba? Matagal na yung sa amin ni Sapphire.  Ikaw na ang mahal ko ngayon." 

     "Siguraduhin mo lang Kayden Velasco, kundi magkikita nalang tayo sa kabilang buhay." 

     "Asus. Napakaselosa naman ng mhine ko." 

     Biro lang yun. May tiwala naman ako sa boyfriend ko noh. Gusto ko lang na lambingin niya ako paminsan minsan. 

     Ayun, ang mokong... hindi nagparamdam sa akin hanggang lunch break? Tinext ko siya, 

To: Kayden 

Mhine, sasabay ka ba kumain?

1 text message receive 

From: Kayden 

Sensiya na mhine. Busy eh

     Yun lang.? Di man lang sinabi kung anong pinagkakabusy-han niya?  Tin-ray ko ding itext si Mimi. Hindi pumasok yun eh. 

To: Mimi 

Bakit di ka pumasok? 

From: Mimi

Sorry bessy. Busy ako. 

     Ganun? Si Warren kaya? 

To: Warren 

Busy ka ba? 

From: Warren 

Oo 

     Talagang lahat ng tao ngayon busy? Ano ba yan! Mag isa na nga lang ako kakain. 

    "Alone?" 

     Nagulat ako ng biglang umupo si Sapphire sa table ko.  Friends kami? Epsi much tong isang to ah!

     "Busy silang lahat eh." sabi ko tapos sumubo ng malaki. 

     "Tsss" tiningnan niya ako na parang disgusted look. 

     Bakit? E sa malakas akong kumain eh. 

    "Inggit ka?" 

     Well hindi ko pa din kaya nakakalimutan yung "papatayin kita" phrase niya  noh! I'm not that plastic yah know!


(Sapphire's POV) 

     Hindi ko alam kung paano ako nasama sa plano na ito, pero nahila ako bigla nitong Warren na to na sumali sa surprise debut party nila kay Kitty.

     At guess what kung sino ang may pakana ng surprise na ito. Walang iba kundi ang ever loving kong ex-boyfriend.

     "Sapphire? Tutulong ka?" -Kayden 

     May magagawa pa ba ako? Tumango nalang ako sa kanya. Ang Warren na to talaga.! Gusto ba talaga akong dalhin neto sa isang awkward situation? Duh! 

     Nandito nga pala kami sa "Glass Garden" kung saan abalang abala ang lahat sa pag seset up ng mga decorations. Lalong lalo na si Kayden, na mukhang seryosong seryoso sa ginagawa niya.

     Seryoso talaga siya kay Kitty huh. Syempre masakit.  

    "Ahemmm" biglang tumikhim sa tabi ko si Warren. 

     Pinanlisikan ko siya ng tingin. Alam ko naman na sinasadya niya to eh. Para iparamdam at ipakita sa akin kung ganu kamahal ni Kayden si Kitty. Ang ay kaso hindi natuturuan ang puso.

     Mahal ko si Kayden. At hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sa kanya. Itaga niyo yan sa bato.

     "Uy, hindi kaya maghinala yun si Kitty? Wala tayong lahat." -Mimi 

     Nandito rin sila ni Harvey.

     "Kaya nga eh. Nagtext na nga sakin kanina eh." -Kayden 

     "Sakin din." -Mimi

     "Mabuti pa ay may isa sa atin ang pumunta dun para libangin siya." -Harvey 

     Tiningnan niya si Mimi.

     "Bakit ako? Di pa ako tapos sa mga souvenirs." -Mimi

     Tiningnan niya si Kayden.

     "Di ko pa tapos ikabit yung mga decorations." -Kayden 

     Tapos si Warren naman.

     "Di pa ayos yung sound system." -Warren

     Tapos bigla ba naman silang nagtinginan sa akin. 

    "Problema niyo?" 

     "Uy Sapphire, tutal ikaw naman yung pinaka walang ginagawa sa ating lahat. Bakit hindi nalang ikaw ang pumunta sa kanya?" -Harvey.

     "Sigurado kayo?" 

     Hello, ako ba talaga? Eh hindi ko nga yun kaibigan in the first place eh.

     Pero sa huli ay wala na akong nagawa kundi sundin sila, kahit na hindi ko naman talaga alam kung ano exactly ang gusto nilang gawin ko. 

     "Alone?" 

     Umupo ako sa upuan katapat niya.  Ano ba dapat sabihin? 

     "Tssss" nag smirk siya tapos nagpatuloy na sa pagkain niya. 

     Ang takaw naman ng isang to. Panu ba nagustuhan ni Kayden ang isang to? 

    "Ano bang kailangan mo?" 

     "Wala naman, nakakaawa ka naman kasi eh. Mukhang iniwan ka na ng lahat." sabi ko. 

     "Tsss paki alam mo ba sakin?" 

     "Wala naman." 

     "Teka? May idea ka ba kung anong araw bukas?" pag iiba ko sa walang sense naming usapan. 

     "Bakit? Anong araw ba bukas?" tanong niya. 

     Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng to. Tama nga si Warren, malamang ay nakalimutan niya. Sarili niyang birthday kinalimutan niya. Ano bang klaseng babae siya? 

     "Uy, ano na? Ano bang meron bukas?" 

     Engot talaga. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya para mag mukhang cute pero nakakainis talaga!

     "Valentines day bukas, Feb 14." 

     "Feb 14?" 

     Sa wakas mukhang naalala niya na.

     "Wala ba kayong plano ni Kayden? Kami kasi noon palaging nag babaguio tuwing valentines day eh."

     Pagbigyan niyo na ako. Ang sarap niyang inisin eh.

     "Wala namang nababanggit si Kayden sa akin eh." naging malungkot yung mukha niya. 

     Kung alam mo lang. Sobra sobra pang effort nun ngayon para lang sayo.


---end of chapter 50--- 



In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now