Chapter 80: The Engagement Party

4.1K 72 5
                                    

Pasensiya na sa mga walang kwentang update nitong mga nakaraang updates... Kaya naman dalawa agad yung update ko ngayon :) 

____________________________________________________________________

(Kitty's POV) 

Time and time passed... 

'Babaliktarin ko ang mundo, basta sa isa't isa parin tayo babagsak sa huli." -Kayden 

Pero bakit ganun? Hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko parin yung sinabi niyang ganun. Hanggang ngayon ay handa parin akong maghintay na magiging okay ang lahat. Na babalik ang lahat sa dati. 

Kahit pa nandito nako mismo sa Engagement Party nilang dalawa. Kahit nasa harap ko na mismo ang malaking karatulang, "Kayden Velasco and Victoria Dawson Engagement Party." 

Anung ginagawa ko dito...? Well, a week ago ay may natanggap akong invitation. Pati si Warren at papa nandito din at ang buong barkada. 

Haaay. Anu ba yan..? Hindi na dapat ako pumnta pa dito eh. Masokista lang...? Ewan ko ba... Pati yung mga kaibigan ko ay nandito din. 

Pero wala yung si Tita Cheska at si Ate Denice. Nasa ibang bansa daw ata eh. 

"Ladies and gentlemen!" umakyat na yung emcee sa may stage. 

"Let's all welcome! Mr Kayden Velasco and his fiance Victoria!!" 

Nagpalakpakan yung mga audience tapos lumabas si Kayden na gwapo sa always, at wala na yung black eye na iniwan ko sa mukha niya nung nakaraan. Pagkatapos ay si Victoria naman na naka damit na pang prinsesa. Ang ganda din niya. 

Pagkatapos ay pinagsayaw silang dalawa sa gitna. Nice... 

Lumabas nalang ako sa venue. Sa isang hotel siya ginanap eh.  Merong isang parang balkunahe dun sa may labas, nagpahangin muna ako dun. 

Akala ko walang tao. Pero meron pala. 

"Ate Clarisse...?" 

Napansin ko na namumula yung mata niya. 

"Umiiyak ka ba?"

Medyo pinahid niya yung mata niya gamit ang luha niya. 

"Ikaw pala Kitty..." 

"Bakit ka po umiiyak...?" 

Pero imbes na sagutin ako ay lumapit siya sakin at hinimas himas yung buhok ko na naka isang tirintas lang. Yung parang buhok ni Elsa sa Frozen. 

"Alam mo Kitty, gusto kitang maging kapatid. I really wish I had a little sister like you. Pero hindi ko alam kung ano pang mukhang ihaharap ko sayo ngayon." 

"Ate... kung magsososrry ka lang ulit-" 

"Hindi niyo dapat nararanasan ang sakit na yun. Sorry dahil kung sino pa yung matatanda eh kami pa tong nagpapahirap sa inyo. Kasalanan namin pero kayo ang nagdudusa. Kasalanan ko ang lahat, ang lahat lahat!!!" 

"ate-" 

"Hindi mangyayari to kung hindi ako naging selfish noon..." 

Hindi ko na maintindihan yung mga sinasabi niya. Tapos kinuwento niya sakin ang lahat lahat. Yung tungkol kay Giselle at hindi naman talaga kumpanya at kung anu-ano pang dahilan ang puno ng lahat kundi galit at paghihiganti. 

Hindi talaga ako makapaniwala na kaya ng galit na makasakit kahit pa sa sariling pamilya nito. 

Mapanira ang galit. Kaya nitong gawing halimaw ang kahit na sino. 

"Ate Clarisse, makinig ka sakin!!" hinawakan ko yung magkabilang balikat niya. 

"Wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyayari na to. Wala kang kasalanan! Ang tanging kasalanan mo lang eh nagmahal ka sa maling tao." 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now