Chapter 24: "two month deal

5.7K 78 2
                                    


(A/N: Pagpasensiyahan niyo na si Author.. wala na akong maisip na title eh..)


(Kitty's POV)

     Kinabukasan ay linggo. Pag gising ko ay wala na si papa. Nagsimba daw sabi ni Manang. Di ako sinama? Well ganun talaga yun, sanay na ako. Parang hindi kami pamilya noh?

     Si Warren naman... hindi umuwi kagabi. Saan naman kaya nagsususuot yung isang yun?

     "Ma'am may bisita po kayo." kinatok ako ni Manang.

     "Manang inaantok pa po ako." sabi ko sabay takip ng unan sa mukha ko.

     Narinig kong bumukas yung pintuan ko, paki ko ba.. inaantok pa nga ako eh.

     ZZZZZzzzzzzzz.....

     "Kahit kailan tulog mantika ka talaga. Bumangon ka na nga diyan, mahiya ka naman sa akin tingnan mo yang itsura mo." may bumulong sa tenga ko.

     Napabangon tuloy ako ng di oras. Bakit siya nandito? Ayaw ko pa siyang makita.

     "Bakit ka nanaman nandito?" tanong ko.

     Tiningnan ko yung sarili ko. Shocks, hindi pa pala ako nagbibihis simula kagabi, nakadress pa din ako. At ang gulo gulo pa ng buhok ko. Isama mo pa yung nagkalat na mascara sa mukha ko.

      Napatingin ako sa salamin. Shocks! Mukha akong monster.

     "Alam mo kung yang mukha na yan ang makikita ko araw araw... iikli buhay k-"

     "Walang hiya! Labas!" pinagtulakan ko siya palabas ng kwarto.

     Pagkasara ko ng pinto ay agad na akong naligo at nagpalit ng pang alis na damit. Magsisimba ako.

     Pagbaba ko sa sala namin ay nandun pa din si Kayden. Asa pa akong aalis yan. Ayaw ko pa naman makita ang pamumukha niya ngayon. Kainis lang, hindi mawala sa isip ko yung eksena nila nung babae niya kagabi.

     "Buti naman nakabihis ka na. Tara na!" sabi niya.

     "Sinong nagsabi sayo na sasama ako sayo? Magsisimba ako noh." sabi ko na dirediretso sa labas.

     "Hayy kahit kailan ang sama talaga ng ugali mo!" sabi niya.

     "Ako pa ngayon?"

     "Ngayon ang alis ni Mama pabalik ng US at pinasundo ka niya sa akin."

    "Aalis na agad si Tita? Ang bilis naman, di pa nga kami nakakapag bonding dalawa eh." sabi ko.

     "Kaya nga pinapasundo ka niya sa akin eh." sabi ni Kayden na ngayon ay nakadekwatro sa sofa namin. "Saka kung makabonding ka naman diyan, l*ngy* parang mother-in-law mo na yung nanay ko ah."

     Binato ko siya ng unan!! "Baka de su..."

     "Aray ko ah! Anong sinabi mo?"

    "Sabi ko tara na, magpapaalam pa ako sa nanay mo." lumabas na ako para pumunta sa kotse niya.

     Para sa mga hindi nakaintindi sa sinabi ni Kitty. You're stupid ang ibig sabihin nun! Hapon.


(Kayden's POV)

     "L*ngy*! BA'T ANG TRAFFIC NAMAN! MINAMALAS KA NGA NAMAN OH!"

     Nasa kotse na kami ngayon at papuntang airport. Kaso naabutan pa kami ng traffic sa daan. Ang bait pa nitong kasama ko kanina pa hindi nagsasalita.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now