Chapter 74: Lost in the woods

4K 67 3
                                    

Chapter 74: Lost in the woods

(Kitty's POV)

"Aalis ka na hija?" parang nalungkot si Lola Carolina nung sabihin namin yun.

Nag bibreakfast na nga pala kami ngayon. Hindi namin nasabi kay Lola na aalis na ako ngayon kahapon dahil tulog na sya pag uwi namin. And pagod na din kami sa dami ng pinuntahan namin.

"Sayang naman, gustong gusto ko pa namang ikwento sayo yung love story namin ni Ferdinand ko. Ngayon lang ako nakatagpo ng batang interesado sa love story namin." -Lola Carolina

"Pasensiya na po talaga, hayaan niyo at pag balik ko nalang po." sabi ko.

"Dapat pagbalik mo kasama mo na yung boy friend mo ha."

Natawa naman daw ako dun.

"Sige po." sabi ko nalang.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto namin para mag impake ng mga gamit ko.

Si Mang Kanor yung maghahatid sakin sa Manila since hindi naman ako maihahatid ni Warren. Saka ayaw kong maistorbo pa yung bakasyon nila because of me.

Nung nasa baba na ako at ready na sanang magpaalam sa kanilang lahat...

"Pasensiya na ho kayo ma'am... nasira po yung van eh." -Mang Kanor na puno ng grasa yung damit.

"Huh? Panu po yan? Kailan po kaya maaayos yan?"

SHT!!! Hindi na ako makakatagal dito.

"Baka bukas pa po."

"Naku panu ba yan? Looks like destiny don't want you to go." pang asar na sabi ni Sapphire.

Pero desidido ako na aalis ako ngayon. Sayang naman tong mga inimpake ko noh!

"Mag ba bus nalang po ako papuntang Manila."

"That's not possible since malayo ang terminal ng bus dito. Kailangan mo pang sumakay ng another vehicle to get there. And yung van lang ang pwede nating masakyan mula dito." sabi ni Warren

"Huh??? WALA BANG TRICYCLE DITO???" ayan naiinis na ako.

"Wala po ma'am eh."

"Panu ba yan bessy, sama ka nalang sa pag camp namin sa gubat mamaya since hindi ka naman makakaalis ngayon." -Mimi

"Oo nga, bukas ka pa makakauwi kaya makakasama ka pa sa pag mamountain climbing namin mamaya." -Sapphire

"Akyat ko na tong mga gamit mo ah!" -Warren

"Pero-" T,T

Kainis naman oh!

At yun nga, wala din akong nagawa.  Niready lang nila yung mga equipment na gagamitin pagkatapos ng lunch ay umakyat na kami. Naman eh...

"Ouch! Are we there yet? My feet hurts already." reklamo ni Victoria.

"Like duh! Who told you to wear high heels in the wilderness? Kung di ka ba naman tanga." -Sapphire

"What? What was that?" -Victoria

=____= Hay naku! Yan nanaman po.

Inirapan lang siya ni Sapphire tapos naunang maglakad.

"Keyden! Can you carry me please?"

Wow ha! Magsusuot suot siya ng heels eh alam naman niyang hiking yung pupuntahan niya pagkatapos ay papabuhat siya kay-

Haiiisst never mind.

"Can't" matipid na sabi ni Kayden tapos tinuro yung mga dala niya. May suot kasi siyang malaking back pack sa likod niya at basket na may lamang mga pagkain.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now