Chapter 56: Hour Glass

4.5K 66 2
                                    


(Kayden's POV)

    Ayst. Ano ba yan! 

     "Ano ba naman yan Kayden? Kanina ka pa paikot-ikot diyan!" -Ate Denise

     Nandito pa din ako sa bahay ngayon. Pero ang isip ko ay wala dito. Kahit gustong gusto kong puntahan si Kitty ay hindi pwede.

     Sabi kasi ni papa ay bigyan ko muna siya ng time dahil malamang ay kailangan niya yun. Kailangan ko din daw bigyan ng space paminsan minsan ang girlfriend ko. Akalain niyo yun may nalalaman pang ganun ang tatay ko? 

     Pero anong gagawin ko? Hindi ko matiis eh. Ayst! Nakakabaliw na to ah! 

     "Alam mo imbes na ako ang hinihilo mo kakaikot mo diyan, tawagan mo na kasi.!" sabi ni Ate Denise na nagbabasa ng magazine.

     "Eh sa kailangan ko siyang bigyan ng space para mag isip eh." sabi ko.

     "Tsk pustahan tayo, sa ikli ng pasensiya mo hindi mo rin matitiis."

     "Hinahamon mo ba ako ate?"

     Binaba niya yung magazine na tinitingnan niya at  pagkatapos ay ngumiti sakin ng mapang asar.

     "Hindi ba halata?" -Ate Denise

     "Nagbago na ako noh!"

     "5,000" -Ate Denise

     "Game."

     phone ringing... 

      Biglang nag vibrate yung cell phone ko.

     "HELLO KITTY?"

     Mabilis pa sa isang kisapmata na nasa tenga ko na yung cellphone ko.

     "Hahahahah" bigla tuloy natawa si Ate Denise tapos inilahad yung kamay niya sakin. 

     Kainis naman oh! Natalo nanaman ako ng mautak na babae na to! Kaya ayun, labag man sa kalooban ko ay bumunot ako ng limang libo sa bulsa ko at inilagay sa palad niya. 

      "Shooo na shooo!" sabi ko sa kanya pagkabigay ng pera. 

     "Better luck next time bro." pagkasabi nun ay umalis na siya.

     Saka ko naman binaling yung atensiyon ko sa tumawag.

     "Hello?"

     (Kayden *sniff*) 

     "Kitty? Umiiyak ka ba?"

     (Kayden *sniff* si ninang! Kasalanan ko ang lahat!) 

     "Huh? Anong nangyari? Nasan ka?"

     (Dito sa ospital *sniff*) 

    "Sige! Papunta na ako diyan." 

     Agad na akong nagbihis at nagtungo sa kotse ko. 


(Kitty's POV) 

     Nandito kami ngayon sa ospital. Papunta na dapat kami ni Ninang kay mama kanina ng bigla nalang siyang na himatay. Buti nalang ay hindi pa kami nakakalabas ng bahay ng mahimatay siya.

     Nandito din ngayon sina Papa at Warren. Si Ninong kasi di kinayanan yung pagkabigla  kaya tinitingnan na siya ng doktor ngayon.

     Kinakabahan na talaga ako.

     "Kitty!" maya maya ay dumating na si Kayden.

     "Kayden!" niyakap ko agad siya. 

     "Anong nangyari?"

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now