Chapter 28: How to court a Stupid?

6.2K 85 9
                                    

(Kitty's POV) 

     "Mimi, anong gagawin ko? Hindi ako marunong manligaw." sabi ko.

     "Hindi ko alam, basta ang alam ko lang kung ako ang nasa kalagayan mo eh hindi ko gagawin yang ginagawa mo." sabi niya. 

     *pout* 

     "Hindi ko ibababa ng husto ang level ko para sa isang lalaki na simula palang ay wala ng ibang alam  gawin kundi ang paiyakin ako." dagdag pa niya. Ang sakit nun ah.  

     "Anong magagawa ko eh mahal ko?" 

     "Ang dami namang iba diyan eh... yung sweet at aalagaan ka." sabi niya. 

     "Gaya nalang ni Warren." 

     Ano daw? Si Warren? Eh parang kapatid ko lang kaya yun! 

     "Ayoko Mimi... ayokong ibalik si Kayden kay Sapphire. Ayokong masaktan nanaman si Kayden." sabi ko. 

     "Ay bahala ka na nga!" pagkatapos ay tumayo na siya. 

     "Teka, yung pagkain mo." sabi ko. 

     "Ubusin mo, tutal mahilig ka naman sa tira tira." 

     BOOM! Pagkatapos ay umalis na siya. Medyo nasaktan lang ako sa huling sinabi niya. Hindi ko siya masisisi kung bakit ganun nalang ang galit niya kay Kayden, mahal niya ako at ayaw niya akong masaktan. 

     Haay mas lalo tuloy akong nagutom, nandito kasi kami sa canteen ngayon, umorder na si Mimi kanina pero hindi ako umorder inaantay ko pa kasi si Kayden eh. 

     Gutom na ako. Asan na ba kasi yung gagung yun? I mean yung boy friend ko na yun pala. Ayaw niya nga palang nagmumura ako... erase erase.

     Ehhh gutom na ako :3 

     Napatingin ako dun sa natirang spagheti sa plato ni Mimi. Kitty pigilan mo, hindi ka aso. 

     *Tingin tingin sa paligid

     Wala namang nakatingin eh. Lapit... lapit.. lapit. 

     "Ano ba yan? Diba sabi ko naman sayo wag kang kakain ng wala ako? Ayoko ng walang kasabay." hay salamat dumating na din siya. 

     "Hindi naman sa akin to eh." sabi ko. "Kay Mimi to." 

     Tiningnan niya ako ng what-the-hell look

     "Ano ka ba Mhine, hindi naman ako nagkulang sayo ha." 

     Anong pinagsasasabi ng lalaking to? 

     "Kung wala kang pambili sana sinabi mo sa akin. Baka sabihin ng mga tao pulubi ang girl friend ko."

     Pulubi? Sinong sinabihan mo ng pulubi? Bakit parang gusto kong manuntok? Relax lang Kitty... tandaan mo liligawan mo pa yan. Patience is a virtue. 

     "Oyy kaw nalang bumili ng pagkain... PE namin kanina eh. Napagod ako!" utos ng hari. 

    Anu ba yan? Pagkatapos niya akong gutumin uutusan pa ako. Kung minsan tuloy parang gusto kong sisihin tong puso ko eh. Tumibok sa maling tao, yan tuloy napunta ako sa kaawa awang sitwasyon na ito.

     Wala na akong nagawa kundi bumili ng pagkain ng gentleman kong boyfriend. Tsss

(Harvey's POV) 

     Yes naalala din ako ni Miss Author! Naglalakad ako papunta sa canteen ngayon. Actually kasabay ko dapat si Kayden eh, kasi kaklase ko siya sa last subject bago mag lunch. Kaso parang nagmamadali atang lumabas kanina kaya nahuli ako. 

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now