Chapter 23 ^_^

5.4K 75 2
                                    

(Kitty's POV)

     "Job well done." sabi ni Ate Denise sa mga models nya sa back stage.

     Tapos na yung show niya nun at nakapagpalit na ulit ako ng dress na suot ko kanina.

     "Kitty, thank you thank you talaga ha." hinigit niya na ako palabas.

     Kahit ako hindi makapaniwala na nagawa ko ng maayos yung part ko kanina eh. Nabigyan pa ako ng compliment nung Asst ni Ate Denise na bakla. Ang fierce daw ng dating ko kanina at nabigyan ko daw ng hustisya yung gown. Wow lang ha! Pero di ko din maiwasang isipin sila Kayden kanina.

     They look happy, ako nalang talaga yung panira at kontrabida sa kanilang dalawa malamang happy ever after na sila.

     "Kung iniisip mo yung kanina, wag mo ng isipin yun." parang nakahalata naman si Ate Denise.

     Nag smile nalang ako sa kanya.

     "Kitty look, I think hindi sa lahat ng oras ay papayagan mo nalang yang ganyan."

     "Di kita maintindihan ate." sabi ko.

     "Look kung iniisip mo na igive-up ang kapatid ko sa slut na yun, hindi kita mapapatawad. Obvious ba na ayaw namin sa kanya?"

     "Pero si Kayden parin po ang makakapagsabi niyan." sabi ko.

     "Yeah pero kailangan mo ding lumaban."

     "Po?"

     "Mahal mo naman ang kapatid ko diba?"

     "Ah eh... opo!" *blush*

     "E di gawin mo ang lahat para hindi siya maagaw ng babaeng yun. Pag nagmamahal ka kailangan ipag-laban mo."

     Pag kasabi noon ay umalis na si Ate Denise. Hindi ko magets yung sinabi niya. Hindi naman kasi nila alam na hindi naman talaga ako mahal ni Kayden diba?

     "Kitty!" biglang may tumawag sa akin.

     Lagot, si Warren pala... ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Patay. Malamang nakita niya yung eksena ko sa cat walk kanina.

     "Grabe, hindi talaga ako makapaniwala na ikaw yung nakita ko sa cat walk kanina.

     "Hehehe... ikaw anong ginagawa mo dito?"

     "Business partner ni Papa sa Korea yung isa sa mga sponsor nitong event. Akalain mo yun, dapat sabay nalang tayong pumunta kanina."

     Para namang papayag si Kayden dun eh ayaw niya nga sa best friend kong to diba?

     "Ano sabay na tayong uuwi?" tanong pa niya.

     "Kasama ko kasi si Kayden eh, siya nalang ang maghahatid sakin." sabi ko.

     "Ah ok, puntahan ko lang yung business partner ni papa ah." pagkatapos noon ay umalis na si Warren.

     Ako naman si tanga eh hinanap ko pa din si Kayden kahit na alam ko naman na kasama nun si Sapphire.

     Nakita ko sila sa may lobby sa labas.


(Sapphire's POV)

     "Kayden uuwi ka na din ba?" tanong ko.

     Inihatid niya lang ako sa labas.

    "Oo, hahanapin ko lang si Kitty sa loob pagkatapos ay uuwi na kami." sabi niya.

In a Relationship with a Stupid ✅Where stories live. Discover now